“TUMATAWAG si Andre. Hindi mo ba sasagutin?” Hindi sumagot si Kate na nakahilata sa sofa sa may sala. Nakabukas ang telebisyon ngunit wala naman talaga sa pinapanood ang kanyang atensiyon. Sinabi niya sa kanyang sarili na wala naman talaga siyang naririnig. Walang totoong Eric. Mag-isa lang siya sa bahay na iyon. Kung may naririnig man siyang nagsasalita, iyon ay dahil may mali sa utak niya. Kailangan niyang ulit-ulitin sa kanyang sarili na si Eric ang kanyang tumor. Hindi totoo ang lalaki. Matagal nang patay si E. Altamirano. Mag-isa lang siya. Bahagyang nanikip ang dibdib ni Kate sa huling naisip. “Kate, your phone is ringing nonstop.” “Puwede bang manahimik ka?” aniya sa munting tinig. “Puwede bang huwag kang mangulit nang mangulit?” Parte ba ng sintomas ng tumor ang hindi pagsunod

