"HINDI mo pa ba nakita ang mga Balcazar?" Nakangiting tanong ng matandang babae.
Umiling-iling lang ako "Nakikita ko lang ang mga pangalan nila kung saan-saan,"
"Aba ay akala ko karelasyon ka ng mga Balcazar,"
"Pwede rin," mabilis kong sagot sa lalake na nakatayo sa harapan ko.
"Pwede niyo ba akong ihatid sa mga Balcazar?" Seryosong tanong ko sa dalawang kaharap ko.
Nag-tinginan lamang ang mga ito.
"Hija, kinalu-lungkot kong hindi kita matu-tulungan sa iyong gusto" bumakas sa mukha ng babaeng kaharap ko yung lungkot.
"Pasensya na miss, pribadong lugar ang La Castellón, at mga trabahador lamang ng mga balcazar ang pwedeng tumungtong sa loob ng hacienda,"
"Ganun ho ba," huminga ako ng malalim bago nag-isip ng bagong plano.
"Ano ba ang pakay mo sa mga Balcazar?" Pag-uusisa uli ng matandang babae.
"Mahabang kwento ho, at hindi ko alam kung maniniwala kayo," napangisi ako sa sagot ko.
"Osiya, mauuna na muna kami hija,” ngiting wika nito “Sana ay ma-enjoy mo ang palawan," Hinawakan ng matanda ang kamay ko bago nag-paalam.
Binuhat na ng lalake ang mga gamit na dala bago inilagay sa sasakyan nitong jeep na may nakasulat na La Castellón.
Kailangan kong maka-isip ng plano para mapalapit sa mga balcazar, kahit isa lang sa tatlo lord, hindi ko naman kailangan ng madami.
Kahit isa lang.
Bigo akong lumalakad paalis ng La Castellón resort.
Pumara ako sa tricycle na dumaan sa harap ko.
"Kuya, pwede ho bang magpahatid sa Hacienda La Castellón?" Tanong ko sa matandang lalake.
Kinilatis nitong maigi ang ayos ko "ikaw ba ay turista?"
"Oho,"
"Aba'y anong pakay mo sa La Castellón?” dudang tanong nito. “Pribadong lugar iyon lalo na sa mga turistang kagaya mo," umismid yung lalake.
"Gusto ko lang sana makita ang malaking hacienda nila," sinubukan kong lumusot, sana effective please please.
"Nako, delikado iyang gusto mo miss. Pasensiya na," pinaharurot nito paalis ang tricycle.
Ano bang meron sa hacienda na ‘yun? Bakit ginto at diyamante ba ang tumutubo sa hacienda nila?
Napahawak ako sa noo ko.
Mas mahihirapan pa ata ako dito kesa sa pagdo-doctor eh.
Katangahan mo nanaman Eli rose,
Maya-maya pa'y may dumaan ulit na isang tricycle.
Pinara ko ulit ‘yun.
"Kuya pwede bang sa Hacienda La Castellón?" Ngiti kong sabi kay kuya.
"Anong pakay niyo doon Ms. Beautiful?" Sagot ni kuya, effective ata ang pag ngiti ko at natawag pa akong Ms. Beautiful.
"Ah," napahinto ako bago nag isip ng mas magandang dahilan. "ahh-- ako ho ang bagong trabahador nila,"
"Trabahador,?" Bago sinulyapan nito ang mini-skirt ko at hanging tshirt na parang tinitingnan kung seryoso ba ako sa sinasabi ko.
"Ma--maporma lang ako, echos echos lang ito kuya,” nata-tawang sambit ko. “Bagong katulong ako ng mga Balcazar," ngiting sabi ko kay kuya.
"Aba'y, napaka-gandang katulong mo naman miss, sige na at sumakay ka na,"
Napangiti ako ng malaki, bago umupo sa loob ng tricyle. Halos hindi ko alam kung pano ipag e-ekis ang hita ko dahil masyadong mababa ang upuan ng tricycle at maikli ang mini skirt na suot ko. Tiyak na makaka-kita ng langit kung sino man ang makakakita sa akin dito sa loob ng tricycle.
ilang minuto pa ay biglang huminto ang tricycle sa isang eskinita.
"Pasensya na miss, hanggang dito lang kita pwedeng ihatid, hindi na ako pwedeng lumagpas dito," sabi ng mamang driver.
Lumabas ako sa tricyle "di bale nalang ho, ako na ho ang bahala," ngumiti ako bago nagbayad.
"Mula dito ay didiretso ka lang, bago kakaliwa diretso pa ulit may makikita kang malaking arko na may nakalagay na Hacienda La Castellón," pagtuturo ng lalake.
"Pagkarating mo roon ay sabihin mo sa mga bantay na sa mansyon ka ng mga Balcazar papunta at ikaw ang bagong katulong ng mga Balcazar,” sambit nito. “dahil hindi sila bigla bigla nagpapa-pasok ng mga tao doon,"
"Sige kuya, maraming salamat!"
Ngumiti lang ito bago umalis sa lugar.
Ako naman ay nagsimula ng lumakad.
Pwede ko bang sabihin na ito ang pinaka-mahabang nilakad ko sa buong buhay ko? Sa pagtuturo ng lalake ng daan ay parang 5minutes walk lang ito.
Huminto muna ako saglit bago kinuha ang water tumbler ko sa bag, uminom muna ako.
Ilang minuto pa at nagsimula na ulit akong maglakad.
Pudpod na ata ang sapatos na suot ko.
Grabe din ang araw na nakatutok sa akin.
Napahinga ako ng malalim nang maalala kong hindi pala ako nakapag-lagay ng sunblock.
Nilabas ko ang shades ko sa bag bago sinuot.
Lagot talaga sa akin ang matandang babae na iyon pag mali ang hula niya.
Paulit-ulit na sabi ko sa utak habang naglalakad.
Ilang minuto pa ay nakita ko ang malaking arkong nakasulat na La Castellón.
Grabe ang taas ng gate papasok ng hacienda, ito na ata ang pinaka mataas na gate na nakita ko sa buong buhay ko.
Nakita ko ding may mga ilang lalakeng nakatayo sa may harapan.
Nagtago muna ako sa likod ng malaking Garbage bin, hindi nila ako pwedeng makita.
May narinig akong isang sasakyan na palapit sa Gate.
Dahan-dahan kong sinilip kung ano iyon, nakakita ako ng isang malaking truck na huminto sa bukana ng gate, may nakasulat na Hacienda La Castellón sa truck.
Nakita kong kina-kausap ng mga lalake ang driver ng malaking truck.
Napatingin ako sa likod ng truck, open ito at walang pinto. Tanging makakapal na cooler strip lamang ang harang nito.
Mabilis akong tumakbo papasok ng truck, bumungad sa ‘kin ang malalaking empty tray, nagtago ako sa pinaka-likod nun.
Wala na yatang mas bibilis pa sa t***k ng puso ko ngayon.
Sandali pa ay naramdaman kong umandar na ang truck, pero bigla itong huminto.
"Pacheck ng loob Emmanuel," sigaw ng lalakeng bantay.
Okay, pwede bang maging tray nalang ako? Please kahit ngayon lang.
Napatakip ako ng bibig ko at dumikit sa mga malalaking tray na katabi ko.
Anong pinagpa-pasok mo Eli rose, kung malalaman ng daddy ang katangahan mo ay paniguradong itatakwil ka niya bilang isang anak.
Narinig kong may mga yabag ng paa papasok ng truck, sinilip nito ang mga tray na walang laman.
"Clear naman ito boss, mga tray lang na walang laman,"
Nakahinga ako ng lumabas yung lalake.
Ilang segundo pa ay pumasok na ang truck sa hacienda.
Halos makahinga ako ng maluwag. Inayos ko yung upo ko.
Ilang minuto pa ay huminto ang truck, bago umalis ang taga maneho.
Dahan dahan akong lumabas sa truck.
Halos mahigit ko yung hininga ko nang makita ko ang laki ng Hacienda La Castellón. Sobrang ganda at lawak ng lugar, sobrang daming greens na nakapalibot, Ito ba ang pinagkakait nilang makita ng mga tao?
"Balita ko'y may nakapasok na espiya nanaman ah," may narinig akong nag-uusap sa kabilang gilid ng truck.
"Oo, pero hindi nahuli. Galit na galit si Boss Marco, kaya nagpa-anunsyo siya na magka-karon ng tipon tipon itong katapusan para mapag-usapan ang nangyare,"
"Nako, lagot nanaman tayo duon,"
"Balita ko'y mas lalong hihigpitan ang buong hacienda"
"panigurado iyan, patulong na nga din akong magbuhat ng empty trays sa likod," may narinig akong yabag palapit sa likod ng truck kung san ako nakatayo.
Dali-dali akong umikot sa kabilang daan, tumakbo ako ng mabilis nang alam kong pumasok na sila sa loob ng truck.
Tumakbo lang ako ng tumakbo.
Hindi ako makapaniwala sa ganda ng lugar na ito, may nakikita akong coconut trees hindi kalayuan sa ‘kin, may mga mango trees din akong nakikita.
Parang tinutukso ako ng mango trees na pumitas sa kanya, paano at sobrang hinog na ng mangga, para bang sobrang tamis nito.
Para akong isang batang hinayaan ng nanay niya na maglaro mag-isa sa playgrounds.
Patakbo-takbo, at talon-talon dahil sa ganda ng lugar.
Nakuha ng pansin ko ang isang malaking tent, hindi ito ordinaryong tent na ginagamit sa camping, parang kasing laki ito ng bungalow type na bahay , pagpasok ko doon ay namangha ako sa nakita.
".. strawberries," bulong ko sa sarili "pano nila ito nagawa?"
Buong akala ko'y sa baguio lang makaka-pagtanim ng mga strawberries.
Parang sa itsura ng strawberries na nakikita ko ay ilang araw pa at pwede na itong anihin.
Sobrang tamis siguro nito.
Halos buong araw kong nilibot ang laki ng hacienda.
Pero sa di kalayuan ay may nakita akong malaking mansyon, ito ba ang bahay ng mga balcazar?
Sobrang ganda ng mansyon, at mas nakakamangha pa na sa gitna ito ng hacienda ipinatayo. Siguro ay para makita ng mga ito ang kabuuang laki ng hacienda.
Dahan-dahan akong lumapit sa mansyon, bagamat may naka-palibot na fence dito ay kitang-kita ko ang laki at ganda ng mansyon. Napatingin ako sa gawing kaliwa ng mansyon, may nakita akong nakataling kabayo roon, itim na itim ang buhok ng kabayo na sobrang tangkad.
Stallion horse ba ito?
Umupo ako sa malaking bato habang sinisilip ang kabayo, ngayon lang ako nakakita ng ganto kalaking kabayo sa buong buhay ko.
Parang kahit maglakad ata ito ay mahahabol nito ako.
Napatawa ako sa naisip.
Nagulat ako no’ng biglang may humablot sa aking braso. "Sino ka!"
Sigaw nang lalakeng nasa harap ko.
Sa itsura ng mga ito ay halatang trabahante ng hacienda, may mga dala-dala pa itong itak.
"Kuya-- pababa naman ng itak," sagot ko dahil nakalimutan ata nito na may hawak siyang itak.
Nagulat din ito bago binaba ang itak. "Sino ka!"
"Eli Rose,"
"Isang espiya!!" Sigaw no’ng isang lalakeng kasama nila.
"Ha? Mukha ba akong spy sa inyo!" nagpu-pumiglas kong sabi.
Halos kaladkad nila akong inilayo sa mansyon ng mga Balcazar.
"Kuya masakit nga!" piglas ko pang sabi.
Mukhang papatayin yata ako ng mga ito ah, parang wala na ding makaka-kita sa akin dahil nagsimula na ding dumilim ang paligid.
"Kuya get off of meeeee!" Sigaw ko pa ulit.
"Igapos niyo iyan sa puno!" sabi ng lalakeng humihila ng braso ko.
"Pagsi-sisihan mo to kuya!!" Sigaw ko pang ulit. "Malawak ang fan base ko, hahanapin nila ako!"
"Anong pinag-sasabe mo!!"
Naglabas na ng lubid ang isang lalake.
Itinayo ako no’ng isa sa tabi ng matangkad na puno ng mangga bago ginapos.
"Aray!" Sigaw ko pang ulit.
Pero bigla akong may narinig na mala-lakas na dagundong.. napahinto yung mga lalake sa pag gapos sa akin.
Ini-angat ko ang mukha ko para makita kung ano iyon, nagulat ako sa isang malaking kabayong nasa harap ko. Ito ata yung tinitingnan ko kanina.
Napatingin ako sa lalakeng sakay ng kabayo, naka suot ito ng puting polo na slightly open, naka rolyo din ang manggas nito.
Sobrang kisig niya tingnan, pwede ka ng kumain kahit walang ulam. Yung malalapad niyang dibdib na parang sobrang sarap hawakan.
Para siya knight in shining armour na ililigtas ako sa mga busangot na gustong manakit sa akin.
Ilang segundo pa ay bumaba na ito sa kabayo, tiningnan ako nito mula ulo hanggang dibdib, huminto sandali.
Bago tumingin sa baba.
Ngumisi ito, shocks, oxygen please.
Parang kahit mamatay na ako sa posisyon na ito ay okay lang, sobrang gwapong lalake ang nasa harap ko ngayon.
Napa-tingin ako sa braso niya, parang ang sarap-sarap hawakan nito. Base sa pagtingin ko ay sobrang tigas nito.
Napalunok ako bahagya.
"Boss Marco," sabe no’ng lalakeng nasa harap ko.
Isang Balcazar
Pumasok sa isip ko.
Tumingin ito sa lalakeng tumawag "sino ang babaeng ito?"
"Nakita ho namin na nagmamasid sa mansiyon niyo ang duda namin ay isang espiya!" Matigas na sabi ng lalakeng busangot.
"Excuse me, please hear my side!" sabi ko, ilang saglit pa ay nakuha ko ang atensyon ni Marco.
Lumapit ito sa harap ko.
"Sino ang nagpadala sayo dito?" Matigas na sabi nito.
Sobrang lapit nito sa harap ko, hindi din ako makaatras dahil nakagapos ako sa malaking puno.
"Isang fortune teller," sobrang hina kong sabi na parang bulong na lang.
"What?" Napakunot ito dahil hindi narinig ang sobrang hina kong bulong, totoo naman eh, ang manghuhula ang nagpapunta sa ‘kin rito.
Hindi ako nakaimik, baka kasi hindi ito maniwala pag sinabi ko iyon.
"Tell me lady who sent you here?" Seryosong sabi pa nito, kung magsalita ito ay parang may mataas na tronong hawak sa lugar.
"No one," i just shrugged my shoulder.
Ngumisi ito "now they level up their game, nagpadala na sila ng isang magandang babae para mag espiya sa aming lupain!" hinawakan niya yung pisngi ko.
Para akong nakuryente sa paghawak niya.
"Ang isang babaeng kagaya mo'y hindi dapat tinatanggap ang gan’tong trabaho.” aniya nito “Masyadong delikado to para sa iyo," Hinawi niya ang ilang hiblang buhok ko na nakatakip sa mukha, ilang segundo nitong tiningnan ang mukha ko.
Bago tumalikod sa akin.
"teka,"
Napahinto ito.
"Don’t leave me with them, they can’t be trusted may mga hawak silang itak!" pagsu-sumbong ko sa lalakeng kaharap.
Nagpakawala ito ng malakas na tawa bago tumingin sa akin.
"And you trust me?" Ngumiti ito na parang sinu-subukan ako sa isasagot ko, hindi ko alam kung anong sagot ang dapat kong sabihin.
Isinandig nito ang kamay sa puno, sa gilid ng ulo ko. Now i can finally see how perfect his features are.
"I do,"
"Alright then," sabi nito, lumingon ito sa mga lalake. "Patanggal ng gapos,"
Mabilis na sinunod ito ng mga lalake.
Pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa malaki niyang kabayo, tumingin siya sa akin na parang sinasabe niya na umakyat ako sa kabayo.
"But howww?" tiningnan ko yung laki ng kabayo "how am i supposed to go up?"
Napabaling din ang lalake sa mini skirt ko, na sigurado akong tataas pag tinangka kong umakyat roon ng s*******n.
Bago pa ako makapag-salita ay naiakyat niya na ako sa kabayo..
Pagkatapos niyang umakyat sa kabayo "you better tell me who sent you here or you will never get out of La Castellón alive!" sabi nito bago malakas na hinataw ang kabayo, bigla akong napakapit sa bewang niya ng mahigpit para hindi ma out of balance sa mabilis na takbo ng kabayo.
Parang pati puso ko ata ay nakikipag-karera, sabi ko no’ng mapabaling ako sa kaharap na lalake.