40. BREAKEVEN Ynah's POV Nakakainis talaga. Bakit pati si Gab kailangan niya pagselosan? Wala na sa lugar ang pagseselos niya, dahil pati ako ay pinaghihinalaan na rin niya. Tapos ako pa lumalabas na mali dito? Pumunta na ako sa bahay nila Zayn. Wala akong pakielam kahit dakdakan pa ako ng ate niya pag nakita ako dun. Basta andito ako para makipag-ayos. Magpapakababa muna ako ng pride. Nasanay na naman akong magpakababa dati eh. Kakayanin pa naman ngayon. *ding dong!* *ding dong!* Halos r**e-in ko na yata an pagpindot sa doorbell nila. “Hey! Who the f**k is that!? Ganitong oras, may tao pa? Oh, great,” Ganito nga talaga ate ni Zayn ah. ‘Di pa nga nakikita kung sino ang nagdodoorbell, ang daming satsat. At kailangan may word na “f**k” pa sa sinasabi niya. Binuksan na niya ‘yung gate…

