41. DON'T LET ME GO Ynah's POV Whoo. Ang sakit ng mga mata ko. Ang lamig-lamig pa. Pasko na pala bukas? ‘Di ko yata feel. Pumunta na agad ako sa CR. Ang sakit talaga ng katawan ko. Muntik na tuloy ako ma-out of balance. Parang medyo nahihilo pa ako, ang sakit din kasi ng ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Nakainom ba ako? Huh? Kung oo, BAKIT ‘DI KO MATANDAAN? Ah, oo. Nakaaway ko nga pala kagabi ‘yung---WAAAAH? Nakaaway… Ko nga pala… ‘Y-yung ate! A-ATE… NI ZAYN! Sa dami-dami ng makakaaway ko, ‘yung ate pa ni Zayn! Lagot na. Tapos… ‘Di ko rin pala nakausap si Zayn, kaya ‘di pa pala kami okay ngayon. Hay. Naghilamos na ako at tumingin sa salamin... “WAAAAH! KYAAAAH! SINO KA? B-BAKIT MO AKO… Ginaga…gaya?” Nagtaka bigla ako sa kagagahan ko, “Ay.” Napakamot na lang ako ng ulo. Lintek na

