Masakit ang ulong nagmulat ng mata si Ursula. Hahawakan niya sana ang ulo dahil sa patuloy na pagkirot kasabay ng kaniyang mata, pero hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Pumikit-dumilat na lang siya at kinaya ang paghapdi ng mga mata bago sinanay ang paningin sa paligid. Dilaw na kulay ng ilaw ang sumalubong sa nanlalabo niyang paningin. Napatingala siya tatlong bumbilya ang kaniyang nakita; isa nakatapat sa kaniya, isa sa may itaas ng pinto at isa sa kanang gilid niya. At nang sipatin niya ang sarili, nakatali siya sa upuang kahoy; nasa likuran ang mga kamay at magkadikit naman ang paa sa lapag, parehong nakatali ang mga iyon. May takip ang kaniyang bibig na sa tingin niya ay duct tape ang may gawa. Nanlalaki ang mga matang inilibot niya ang paningin, parang lumang bahay na kahoy

