Nakapikit at nakasandal sa kaniyang swivel chair si Ursula nang may kumatok. Nanatili siya sa puwesto habang sinasabi ang salitang pasok. “Ma’m, eto na po ‘yung file ni Samantha.” Nagmulat ng mata si Ursula at sinulyapan ang ilang may kakapalang long folder na inilapag ng isang OJT nurse. Marahang tango at salamat ang itinugon niya bago tuluyang umalis ang babae. Iniabot ni Ursula ang isang folder na nasa ibabaw. Nanatiling nakasandal habang binubuklat-buklat at binabasa ang mga impormasyon tungkol kay Sam. Pinakuha niya ito makalipas ang dalawang araw ng makausap niya ang huli. Malayo pa lang ay rinig na nila ang sigaw at pagwawala ni Sam. Napabilis tuloy ang bawat hakbang nilang tatlo patungo sa kuwarto nito. Wala itong suot na straight jacket na suot kaya hawak ng isa ang kanang br

