URSULA 22

2027 Words

Naalimpungatan si Ursula na parang may kumalabog na malakas mula sa labas ng pinto ng kaniyang kuwarto. Nakapikit ang isang mata na nakiramdam siya sa paligid, dahil baka nakaulinigan lang naman niya. Subalit, muling naulit at may kasama nang komosyon. Napabalikwas nang bangon si Ursula at napasulyap pa sa emergency light na bukas. Patay ang kuryente dahil hindi rin gumagana ang aircon. Kaya pala init na init na siya. Bukas naman ang bintana at may tumatagos doon na kaunting liwanag galing sa ilaw ng poste sa labas. Agad niyang hinagilap ang cellphone. Nasa bag niya pa iyon. Naalala niyang iniwan sa may bandang uluhan iyon kagabi. Naabot na niya ang bag nang mapapitlag. Napalingon siya sa may pinto dahil may parang nagbabalak na buksan ang doorknob. Sa una ay parang nag-aalinlangan pa a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD