Kita sa CCTV nila na nag-tresspass si Gonzalo kasama ang abogado nito sa kanilang bahay. Pagtatanggol sa sarili ang kanilang nagawa kaya napatay ni Ursula ang abogado na si Manansala. At napatunayan din naman na nagpakamatay si Gonzalo. Hindi man nila maipaliwanag kung bakit nito nagawa ang bagay na iyon. Tanging si Ursula lang nakakaalam. Isang linggo ring nagpagaling si Ursula. Halos panawan na siya ng ulirat dahil sa mga dugong nawala sa kaniya. Kinailangan pa siyang salinan ng hindi naman ganoon karami, sapat lang para sa nawalang dugo sa kaniya. Isang magaling na dermatologist ang kinuha nila kaya isang linggo palang, walang bakas na makikita ng hiwa sa kaniya. Wala naman sa kaniya ang mga hiwang iyon. Ang mahalaga, ligtas na sila ng kaniyang lola mula kay Gonzalo. Hindi na naman naki

