Nakakunot ang noo ni Ursula nang makita kung sino ang nakaupo sa harapan ng desk niya. Kampante itong nakasandal habang tinitingnan ang malaking portrait niya na nasa bandang kaliwa nito sa likurang bahagi ng kaniyang swivel chair. Hindi niya nais na ipalagay iyon doon kaso ipinilit ng kaniyang lola. Rinig niya rin ang marahang pagtuktok ng kanang daliri nito sa lamesa na parang pantanggal bored. Hindi pa nito nararamdaman ang presensiya niya dahil nanatili itong nakatitig sa kaniyang larawan. Half body iyon noong debut niya. “Kapag nawala ‘yan, ikaw lang ang pagbibintangan ko. Sobra ka kung makatingin, e.” Dumiretso siya sa kaniyang upuan matapos na ilapag sa gilid ang bag. Inayos niya pa muna ang damit bago naupo. Agad namang tumayo si Rye nang makita ang dalaga. “Sorry. Just checkin

