Kabanata 17

1265 Words
Astrid Dumating si Papa sa Subic Bay kasama ang kumpare niya na nag-alok ng sasakyang magagamit. Gaya ko ay emosyonal din si Papa dahil sa pag-alis ni Croft. Hindi ko naman siya masisisi. Para na rin niyang anak si Croft habang itinuring na siyang pangalawang ama ng boyfriend ko. "Mag-iingat ka palagi. Kung habang nasa barko ka at napagtanto mong hindi pala ito ang buhay na gusto mo, kahit ano ang sabihin ng ibang tao, umuwi ka," dinig kong bilin ni Papa. Croft, with bloodshot eyes smiled at my father. "Hindi ho ako pwedeng umuwi lang nang basta, Tito. Bibigyan ko pa kayo ni Astrid ng magandang buhay." Suminghot si Papa. "Kapag mahal mo ang anak ko, nasa barko ka man o nakatapak sa lupa ng bansang ito, naniniwala akong gagawin mo ang lahat para magkaroon ng matiwasay na buhay ang anak ko, Croft." Nanginginig ang ibabang labi na ngumiti si Croft. Naiyak na lang din ako nang magyakapan silang dalawa. Narinig ko pang mayroong ibinulong si Croft kay Papa. Natigilan si Papa at kumunot ang noo. Maya-maya ay sumulyap siya sa akin. "Bakit hindi si Astrid?" I heard Papa asked. Basag na ngumiti si Croft bago muling bumulong kay Papa. Nalukot tuloy ang aking noo. Ano kaya iyon at parang ayaw ipaalam ni Croft sa akin? Nag-usap pa ng ilang minuto ang dalawa bago ako nilapitan ni Croft. Ikinulong niya ako sa mahigpit na yakap at paulit-ulit na sinabihan kung gaano niya ako kamahal. Na pakakasalan niya ako pagkauwing-pagkauwi niya. He promised me that he will remain faithful no matter how far apart we are, and I believe him. I truly believe him with every piece of my heart, and I swear to remain faithful, too. Croft sniffed. Pinunasan niya ang aking mga luha kahit na wala na ring tigil ang pagtangis niya. He then gave me a kiss on my lips before he flashed a faint smile. "Mahal na mahal kita. Hintayin mo ko, Astrid." I sobbed. "Mag-iingat ka palagi, ha? Mahal . . ." My voice cracked. "Mahal na mahal kita . . ." Muli niya akong ikinulong sa mahigpit na yakap. Kahit na nagtatawag na ang mga kasamahan niya ay hindi niya ako pinakawalan. It was as if it was so hard for him to let me go. Ganoon din naman ako. Kung gaano kahigpit ang kapit niya sa akin ay ganoon din ako sa kanya. I gripped on his shirt as I felt his kisses on top of my head. This is his dream. I am happy to see him achieve it. Kaya kahit na ang sakit-sakit magpaalam, pikit-mata ko siyang pakakawalan. Unti-unti kong binitiwan ang shirt niya't kusa akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. I lifted my hand and cupped his cheek. Our eyes stared into each other while a broken smile made its way to my lips. "S-Sige na, mahal . . ." Nabasag ang tinig ko. "Tuparin m-mo na ang pangarap mo. Dito lang ako. Hihintayin k-kita habang tinutupad ko r-rin ang akin . . ." His eyes watered even more. Muli niya akong hinalikan at niyakap nang mahigpit. He held me so tightly until it was time for them to leave. Binitiwan niya ako't walang lingon-likod siyang naglakad patungo sa barko dala ang mga gamit niya. I sobbed. Alam kong ayaw na niyang lumingon kasi baka hindi siya makaalis ngunit hindi ko rin napigilan ang sarili ko sa huli. Noong paakyat na siya ng barko ay tuluyan akong sumigaw. "Croft!" My tears fell. "H-Hihintayin kita!" He looked at me with tears falling down his cheeks. Maya-maya ay ipinakita niya ang kanyang phone na larawan namin ang wallpaper. He kissed the screen and waved at me before he finally went to the huge cruise ship of Lumiriana. Inakbayan ako ni Papa habang pinanonood namin ang pag-alis ng barko. My heart is tearing apart because I knew it's going to take months before I get to see Croft again. Ngayon na lang ulit kami magkakawalay nang ganito katagal kaya alam kong hindi magiging madali, ngunit hindi rin ako papayag na ako pa mismo ang pipigil sa kanyang maabot niya ang mga pangarap niya. I sniffed and looked at my father the moment we got inside his friend's car. "P-Pa? Ano ho ang . . . sinabi ni Croft kanina?" He sighed. "Ako raw ang inilagay niyang emergency contact person." Nagpunas siya ng luha saka suminghot. "Para kung magkaproblema raw ay hindi ka mamatay sa pag-aalala sa kanya." Napakurap ako. "P-Pero wala naman pong magiging problema, hindi ba? Kung meron man siguro ay mga simpleng bagay lang? Nangako siya na safe ang mga rota nila at hindi po gano'n kabigat ang trabaho." "Oo naman. Naniniwala naman akong mag-iingat iyon nang husto para sa'yo. Ayaw lang siguro niyang kaunting kibot ay hindi ka na makatulog sa pag-aalala." Pinunasan ni Papa ang pisngi ko. "Huwag ka nang umiyak. Wala tayong magagawa. Ito ang napiling propesyon ng lalakeng mahal mo." Napahikbi ako. "Ikaw rin naman, Pa umiiyak ka rin." Natawa siya nang mahina saka niya ako kinabig para yakapin. Lalo lang tuloy bumaha ang mga luha ko. "Ganito talaga. Nasasaktan ako para sa inyo, pero masaya rin ako dahil hindi mo hinayaang maging hadlang ang pagmamahalan ninyo sa pag-abot ninyo ng mga pangarap ng bawat isa. Hindi ko nagawa 'to sa nanay mo noon. Kaya siguro naubos ang pagmamahal niya at iniwan tayo . . ." ani Papa. Namaos na ang tinig at umalog ang mga balikat. I sniffed. "Pa, hindi mo naman kasalanang iniwan niya tayo." "May kasalanan din ako, Astrid. Hindi ko hinayaan ang nanay mong abutin ang mga pangarap niya dahil . . ." Gumuhit ang matinding lungkot at pagsisisi sa mga mata niya. "Natakot ang Papa, anak. Natakot akong maging kahati ko sa pag-ibig ang pangarap niya. Pero dahil sa ginawa ko, lalo lang nawala sa atin ang Mama mo." Hinawakan ko ang kamay ni Papa. I could feel it. How much he still loves my mom and how hard it is to accept the fact that things will never be the same anymore for our family. Mas naiintindihan ko ngayon kung gaano kasakit kay Papa noong sinubukan akong kunin ni Mama. Pero sa kabila ng lahat, kahit na ang sakit-sakit na, kahit na halos malumpo na siya sa lungkot at pagsisisi, pinili niya pa ring maging tatay. Iyong tatay na hindi ibubunton sa anak ang galit at sama ng loob sa asawa. Iyong tatay na kahit may pinagdaraanan, nananatiling masiyahin sa harap ng anak kasi ayaw niyang malulungkot ang anak niya. Iyong tatay na bubusugin ang anak sa pagmamahal kahit wala nang matira sa kanya. My lower lip trembled. Ang swerte ko. Ang swerte-swerte ko kasi may dalawang lalake sa mundong 'to na alam kong abot-langit ang pagmamahal sa akin. Suminghot ako't parang bata na yumakap kay Papa. "Pwede pong sumama muna ako sa atin? Baka magmukmok lang ako sa apartment dahil mami-miss ko si Croft." Hinalikan ni Papa ang tuktok ng aking ulo. "Bukas palagi ang bahay. Kahit gaano ka na katanda, ano man ang marating mo sa buhay, o kahit ano pa ang nararamdaman mo, kapag gusto mong umuwi ay umuwi ka. Palagi kang handang samahan ng Papa." Naiyak na lamang ako nang husto. I shut my eyes and let myself feel like a kid again leaning on my father's chest. Maya-maya ay tahimik akong nagpakawala ng hangin bago ako payak na ngumiti. 'Hayaan mo, Pa. Habang abalang abutin ni Croft ang mga pangarap niya, aabutin ko rin ang akin. Bibigyan kita ng magandang buhay. Hilingin mo man sa akin o hindi . . .'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD