Croft
"Hi, Croft!" bati ni Morgan nang abutan niya ko sa upper deck.
"Miss Morgan."
She gave me a flirty smile. "I wanna bathe in the sun." She showed me her sunscreen. "Would you mind putting some cream on my back? It's gonna hard to reach."
My crewmate gave me a meaningful grin. Parang inaasar ako kay Morgan. I gave him a side eye. Ilang beses ko nang sinabi sa mga 'to na hindi ako interesado sa anak ng kapitan pero panay pa rin ang udyok na patulan ko.
Bumuntonghininga ako. Ni hindi ako nag-aksaya ng panahong pekein ang ekspresyon ko. Baka sakaling kung mapansin niyang iritable ako ay tumigil na.
"I'm sorry, Miss Morgan but putting sunscreen on your back isn't part of my job. If you will excuse me."
Nilampasan ko siya. Humabol ang crewmate ko't umakbay. Tinapunan pa niya ng tingin si Morgan bago kami bumaba ng hagdan.
"Pare naman. Lalagyan mo lang ng sunscreen sa likod, ano ka ba? Napahiya tuloy."
Inis akong umiling. "Kung gusto mo ikaw na lang. Wala akong balak patulan 'yon."
Napakamot siya ng batok. "Croft, hindi mo ba naisip? Baka kung papatulan mo si Ma'am Morgan, mas madali ang promotion mo. Saka panalo ka na ro'n. Mayaman ang pamilya, maganda, sexy."
I grunted. "May babae akong pakakasalang naghihintay sa'kin sa Pilipinas." Itinulak ko siya nang bahagya palayo. "Huwag mo kong demonyohin. Hindi ka rin uubra."
Bumuntonghininga siya. "Pare, sa panahon ngayon, hindi lang puro puso ang pinaiiral. Mag-isip ka rin. Gamitin mo ang kokote mo. Kung hindi mo papatulan si Morgan, baka magsumbong pa 'yon sa tatay. Baka ilang taon ka nang nagbabarko, hindi mo pa rin matikmang ma-promote."
Alam ko naman 'yon. Alam ko kung gaano ka-bias ang sistema kapag empleyado ka. Palakasan kumbaga. Hindi naman bago sa'kin 'yon. Si Astrid nga na mahusay umarte, hirap makakuha ng magandang role dahil wala naman siyang kaanak o kakilalang sikat na sa industriya nila.
But just because there's an easier way up, doesn't mean I have to take it. 'Yong girlfriend ko, kinagat ang maliliit na role at pag-extra para lang matulungan akong makatapos, tapos tatraydurin ko lang kung kailan nandito na ko?
Hindi bale nang hindi makatikim ng promosyon. Kung sa ilang taon at alam ko sa sarili kong deserve ko ng promotion pero hindi nila ibibigay sa akin dahil lang ayaw kong patulan si Morgan, lilipat na lang ako ng ibang kumpanya. Marami pa namang ibang cruise at shipping company r'yan. Si Astrid, nag-iisa lang.
Hindi ko na lang pinansin ang katrabaho ko. Nag-focus ako sa mga kailangan kong gawin. Noong natapos ang duty ay bumalik ako sa cabana para maligo at maghintay ng tawag ni Astrid. Gano'n naman ang routine naming dalawa kaya kahit paano ay naiibsan ang lungkot ko.
"Hi, mahal!" excited niyang bati sa akin no'ng nasagot ko ang tawag niya.
I smiled. Tanggal talaga ang pagod ko kapag nakikita ko na 'to.
"Parang masaya ka ngayon, mahal," puna ko.
Nakikita ko ang background. Parang nasa fastfood. Dinig ko rin 'yong boses ng kaibigan niyang nagpapasok sa kanya sa mga raket bilang artista.
Astrid settled on her seat. "Mahal, ang laki ng TF ko! Ten thousand! Nag-guest ako sa isang noontime show bilang player!"
Lumawak ang ngiti ko. Look at my baby? She's so grateful with everything. Guesting pa lang masaya na. Paano pa kapag nagkaroon na ng big break 'to? God, I can't believe I'm going to marry her in a few months.
"Anong show? Baka pwede kong mapanood sa YouTube."
"Kay Kuya Win! Panoorin mo, ha? Ang ganda ko do'n inayusan ako ni Adi."
I grinned. "Maganda ka naman kahit hindi ka na mag-ayos."
"Sus, nambola na naman!" She giggled. Halatang masyado talagang masaya ngayon. "Sayang lang hindi ako nanalo. Ang bilis ng kamay ng kalaban ko pero ayos na rin. May ten thousand naman ako saka 'to, supplements. Ibibigay ko kay Papa nang humaba pa ang buhay niya."
"Uminom ka rin niyan nang mas mahabang panahon pa kitang malambing," banat ko.
My baby blushed. "Saan mo ba natututunan 'yang mga banat mo, Croft at palala yata nang palala?"
Natawa ako nang mahina. "Naipon lang. Alam kong kapag nandiyan ako, halik ko pa lang kinikilig ka na kaya hindi ko nagagamit noon."
"Heh!" She faked an eyeroll.
I laughed softly. "God, I can't wait to kiss you again."
Sumenyas siya na huwag akong maingay. Siguro ay dahil tinabihan na siya ng mga kasama niya. Nagpigil naman ako ng ngisi habang pinagmamasdan siya. I even eavesdrop to their conversation about her guesting.
"Pero nakakapagod din pala 'yon. Akala ko dati kahit chikahin mo lang si kuya Win may ten k ka na. Hindi pala," sabi niya sa kasama niya.
I licked my lips as I kept my gaze on her. Ganda talaga kahit halatang pagod.
Tumingin siya sa screen. "Mahal, may maganda akong role sa susunod na linggo. Kapag napansin ako ni direk, baka mas marami nang pinto ang magbukas para sa akin. Excited na ko!"
I smiled. "You're gonna be a star someday, baby. I know you will."
Nag-usap kami kahit noong kumakain na sila. Minsan kahit na hindi na siya nagsasalita dahil abalang kumain ay hindi namin pinatay ang tawag. Ganoon naman palagi. Basta nakabukas ang camera at nakikita namin ang isa't isa ay ayos na.
Our call ended when Astrid finally reached home. Mag-uumaga na rin sa Pilipinas kaya hinayaan ko nang matulog. Pumunta naman ako sa kitchen at kinuha ang dinner ko.
"Croft, inom tayo mamaya sa bar area. Wala ka namang duty bukas, 'di ba?" yaya ni Topz nang magpang-abot kami sa maliit na dining area para sa mga empleyado.
Umiling ako. "Pass muna."
"Masyado ka namang good boy! Wala naman girlfriend mo rito na mamumulis sa'yo!"
I sighed. Hindi ko na lang pinansin noong nagtawanan sila ng iba naming mga kasamahan. It's not about Astrid getting mad if I'll drink. Wala lang ako sa mood dahil ayaw ko ng pakiramdam ng may hangover. Imbes na maayos akong makakapagpahinga, poproblemahin ko pa ang sakit ng ulo at pagloloko ng tiyan ko.
Umalis ako ng kitchen pagkatapos kumain. Dumiretso ako sa cabana at nanood na lang sa cellphone habang nagpapaantok.
I fell asleep before ten PM. Naalimpungatan lang ako noong may kumakalampag sa pinto pagsapit ng madaling araw.
Tiningnan ko ang kama ni Topz. Wala pa siya ro'n. Akala ko ay siya iyong kumakalampag. Baka kako sa sobrang kalasingan ay hindi na alam kung saan iniwan ang keycard.
I sighed. Tumayo ako at nilapitan ang pinto para buksan ngunit pagkapihit ko pa lang ng knob ay bumukas na ang pinto at sumubsob sa dibdib ko ang halatang nakainom na si Morgan.
She flashed a flirty smile while trying to keep her body pressed on mine. Hinahatak ako nang pilit sa batok ngunit inilalayo ko.
"Croft, please. I really like you." Tumingkayad siya at pilit na humalik. Nagawa kong umiwas ngunit sumadsad sa pisngi ko ang may lipstick niyang mga labi kaya namantsahan ang balat ko.
I tried my best to keep my cool. Pinalabas ko siya ng cabana bago pa maubos ang pasensya ko pero sinamaan ako ng tingin saka ako idinuro.
"Nobody says no to what I f*****g want, Croft!"
Bumuntonghininga ako't sinaraduhan siya ng pinto. Nilinis ko ang mantsa ng lipstick sa pisngi ko saka ako bumalik sa higaan, ngunit ilang minuto pa lang akong nakababalik sa pagtulog ay ilang kalampag na naman ang umalingawngawa mula sa pinto.
Binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang galit na si Captain Bailey. Sa likod niya ay ang humihikbing si Morgan na punit ang strap ng dress at magulo ang buhok.
"What the hell have you done to my daughter?!" galit na sigaw ni Captain Bailey.
Nalukot nang husto ang noo ko. "I didn't do anything--"
"He told me to come see him! I thought he just wanna talk but he . . . he forced himself to me! Daddy, he r***d me!"
Dumagundong ang dibdib ko. "Sir, I swear I didn't do anything!"
Hindi na niya ako pinakinggan. Ilang suntok ang inabot ko bago dumating ang mga pulis. Dahil nasa Venezuela kami ngayon ay doon ako nadetina habang hinihintay na mapa-deport ako sa Pilipinas.
Halos magmakaawa akong pakinggan niya pero dahil wala si Topz sa cabana para sana may witness ako ay mas pinapanigan si Morgan. May nakita rin daw sa medico legal na sugat sa pribado niyang parte na senyales na pwinersa siya.
Anak ng kapitan ang kalaban ko. Wala akong kahit sinong pwedeng magtanggol sa akin dahil walang-wala ang ranggo ko kay Captain Bailey kaya kahit anong pakiusap ko sa management ay wala akong tulong na makuha mula sa kanila.
Takot at nanlulumo kong tinawagan ang tatay ni Astrid nang malaman kong pag-uwi ng Pilipinas ay ididiretso rin ako ng kulungan. Hindi ganitong pag-uwi ang ipinangako ko kay Astrid kaya kahit labag sa loob ko ay nakiusap ako kay Tito na huwag ipaalam na tumawag ako mula sa kulungan sa Venezuela.
"Croft, kailangang malaman 'to ng anak ko. Baka maging problema pa sa relasyon ninyo kung bigla ka na lamang hindi magpaparamdam sa kanya."
Suminghot ako. "Hindi ho kakayanin ng dibdib ko oras na malaman niyang pinagbibintangan akong nanggahasa. Ang laki ho ng hirap ni Astrid para lang makasampa ako ng barko. Hindi ho ganitong resulta ang gusto kong isukli sa kanya."
"Pero hindi naman basta maniniwala ang anak ko. Malaki ang tiwala niya sa iyo."
"Alam ko ho 'yon pero . . ." My tears built up in the corners of my eyes. "Tito, pakiusap ho, huwag n'yo nang ipaalam kay Astrid. Pangako, gagawa ho ako ng paraan para lumabas ang totoo."
"Ayaw mo siyang mag-alala dahil pinagbibintangan kang nanggahasa, pero mag-aalala pa rin si Astrid kung hindi ka na magpaparamdam. Baka sa huli ay isipin pa niyang iniwan mo na siya."
I shut my eyes as my heart and mind battled. I don't want her to think that I abandoned her, but if she will find out about what happened to me, Astrid might do everything just to help me get out of prison.
Baka makaapekto rin ang kaso ko sa pag-abot niya sa mga pangarap niya. Alam ko ang kalakaran sa showbiz. Kung madadawit ang pangalan niya sa kaso ko ay baka hindi niya na makuha ang break na inaasam niya.
Isa pa ay hindi basta-basta sina Captain Bailey. Kung malaman nina Captain Bailey na tutulong si Astrid sa akin, baka pati siya ay gipitin. They might do everything to prevent my girl from reaching her dreams, or worse, baka pati siya ay mapahamak.
My dream had already died. I cannot let hers die with mine. Lalong hindi ko siya kayang makitang mapahamak dahil sa'kin. Lalo na ngayong hindi ko siya maipagtatanggol.
My tears fell as I filled my lungs with enough air, hoping it would be enough to ease the pain in my heart.
Patawarin mo ko, mahal, pero hindi ako handang idamay ka sa gulong 'to . .