Astrid
"Cut! Napaka-phenomenal talaga. Well done, Astrid and Crude," puri ni direk sa eksena namin ni Crude.
Pareho kaming ngumiti kay Direk Pat. We thanked her for the compliment before Crude assisted me to our van. Meanwhile, Tita Cathy spoke to Direk Pat regarding the rest of our commitments to them.
I went inside the van first. Inalis ko kaagad ang heels ko at ini-adjust ang reclining chair. Sa sobrang hectic ng schedule namin ay halos wala na kaming panahong magpahinga sa set. Ni hindi na kami nakakukumpleto ng tulog kaya kapag kayang umidlip ay talagang iniidlip ko.
Crude sat on the reclining chair next to me. Maingat niyang iniangat ang ulo ko nang mailagay niya ang neck pillow. He then gave my temples some massages that later on made me yawn.
We're currently in Laguna. Last day ng taping na kailangang kuhanan sa Laguna. The rest of the scenes will be taken in Quezon City so we're heading back to the metro now. Kaya lang ay sigurado namang pagbalik ng metro ay hindi rin ako kaagad makadidiretso sa bahay.
Niyakap ko ang teddy bear na regalo niya noong unang anniversary namin bilang magka-loveteam.
"Aren't you gonna sleep? Three hours din ang byahe pabalik ng Manila," I asked.
"Iidlip ako kapag alam kong tulog ka na. I know you're having a hard time dozing off."
Napangiti ako. This guy knows me so well. Nasanay na rin ako sa pagiging maalaga at maasikaso niya kaya kahit na wala naman kaming kinukumpirmang romantic relationship sa likod ng camera ay maugong ang balitang kami na talaga.
We never clarified nor denied the rumors because somehow, it helped with our publicity and our team's marketing strategies. Fans love us so much and think we're already a real deal.
Our first movie together as main leads was a total hit. Halos kalahating bilyon ang kinita ng pelikula kaya naman ilang buwan lang ay niligawan kami kaagad ng iba pang direktor.
Tita Cathy was right. My loveteam with Crude helped skyrocket my career. Kabilaan din ang endorsements namin at ilang producer ang nag-aagawan para mapondohan ang mga susunod naming pelikula dahil ganoon sila kakumpyansang malaki ang magiging balik sa kanila.
"Kailan ang balik nina Adi at Esnyl from their Thailand trip?" Crude asked while massaging my temples.
"Bukas nasa Pinas na sila." Umayos ako ng higa. "I'm so tired."
"Sige na, matulog ka na. May kausap pa si Tita Cathy sa phone," may lambing niyang sabi.
Humihikab kong pinanood si Tita Cathy. She's still outside the van talking to someone over the phone. Parang stressed na naman. Palibhasa ay nasasangkot sa malaking kontrobersya ang isang loveteam na hawak niya.
"What do you think will be Tita Cathy's solution to the problem?" I asked, pertaining to the other loveteam that the management handles.
He sighed. "I heard they advised them to make a public apology, pero malakas kutob ko na tatapusin na contract ni Tony. Marie is more bankable."
"That sucks, but oh well. Wala tayong magagawa. They did this to themselves. After all, business is business. I'm sure the management will do everything in their power to salvage Marie's career." I yawned. "Can you get my eye mask, please?"
"Sure."
Kinalkal ni Crude sa bag ang eye mask. Siya na rin ang nagsuot no'n sa akin bago niya ibinuklat ang blanket at ikinumot iyon sa akin.
Hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol sa dalawang kasama namin sa management. We're not taking sides but we'd rather not get involved even when Crude is publicly known to be friends with Tony.
Hindi naman nagkulang sa paalala si Crude. Kaya lang ay bata pa talaga ang dalawang iyon. Masyado pang matitigas ang ulo at mapupusok. Sayang lang dahil kung kailan pausbong ang mga career ay saka gumawa ng ikababagsak.
Crude continued massaging my temples until I finally fell asleep. Dahil sanay na akong natutulog sa byahe ay hindi na ako nahirapan noong tuluyang dinalaw ng antok.
Naalimpungatan na lamang ako noong may narinig akong pamilyar na pangalan. I swear, I heard Tita Cathy mentioned Croft's name.
Inalis ko ang eye mask at pinasadahan ng tingin ang paligid. Crude is asleep. Nakahawak pa ang isang kamay niya sa ulo ko na tila nakatulugan na niya ang pagmamasahe sa akin. Meanwhile, Tita Cathy is sitting on the reclining chair on the back and typing on her phone.
I wanted to ask her about what I heard. Ngunit naalala ko na hindi nga pala kilala ni Tita Cathy si Croft. Maybe I was just dreaming or something.
Bumalik na lamang ako sa pagtulog. Pagdating ng QC ay dumiretso kami sa office. We reviewed some documents for the other sponsorships being offered to us. Inabot din kami hanggang alas onse ng gabi bago tuluyang nakauwi.
"Manong, ingat sa pagda-drive," bilin ni Crude sa driver ko.
He gave me a gentle kiss on my temple before he finally shut the door of my van. Nag-chat ako kina Esnyl at Adi na pauwi na ako. Nag-send naman ang dalawa ng selfie habang nasa bar sila.
I shook my head. These two are having so much fun in Thailand. Kung kasama nila ako ay siguradong nakakulong lang ako sa hotel at nagbabawi ng tulog.
Ewan ko ba pero masyado na yata akong naging workaholic. I don't attend after parties. I only show up on events for publicity but I don't really stay for the fun part. Parang wala akong enerhiya para sa ibang bagay na labas na sa trabaho.
I was about to type a reply when Ginny messaged me.
Ginny: 10AM tomorrow, meeting with Direk Joyce for your next movie with her. I'm so excited for you! Ilaban mo 'to kasi parang ayaw ni Mommy na tanggapin mo. Conflict daw sa prior commitments mo.
I immediately replied. I will drop all the offers if it's Direk Joyce who will direct the film. Any film. Kahit anong role ang ipagawa niya sa akin, basta siya ang direktor. She's the very first director who trusted me. Mahal na mahal ko ang taong iyon.
Nagtipa kaagad ako ng sagot kay Ginny.
Astrid: Of course I will prioritize Direk Joyce. Alam naman ni Tita Cathy 'yon. Anyway, nasabi na ba ni Direk Joyce kung tungkol saan ang movie?
Ginny: Hindi pa pero nagtimbre siya na mostly ng scene ay sa cruise ship kukuhanan. May partnership ang producers sa Seven Seas Voyagers.
I don't know why my heart pounced after knowing that the movie will be taken in a cruise ship. Nagka-trauma yata ako sa cruise ships kahit na wala naman akong bad experiences sa laot.
Sa marino lang.
I sighed when Croft's image flashed inside my head again. It's been seven years since he ghosted me. Ang hirap tanggapin na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang taong iyon.
Imbes na sagutin pa si Ginny ay ibinalik ko na lang sa bag ang phone ko. I shut my eyes and took in a sharp breath, hoping that someday, I will just wake up and all my memories of him will be gone.
Even the memories I once thought I'd carry in my heart 'til my last breath . . .