"Wake up! Hey! Anong oras na?! Nagpuyat ka naman siguro?! I told masama yan sa health mo!" naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may pumalo sa hita ko at bahagya akong niyuyugyog sa balikat. Kaya naman inabot ko ang unan sa tabi at tinakip ko sa mukha ko. Ang agang istorbo naman nito! Kakainis! Napuyat ako sa kakapanuod dahil alam kong wala akong schedule today. "Wake up! Wake up!" Hinila niya pa ang unan kaya naman inis na inis pa ako lalo. Ngayon na nga lang ko nakakatulog ng mahaba, pero may bwisit pa. Mali talagang desisyon na ibigay ko ang pass code ng pinto ko sa kanya. Palagi na lang niya akong binubulabog kapag wala siyang work. At kapag alam niyang wala akong shoot. Simula ng ma-broken ako kay Sky ay palagi na lang siyang nasa tabi ko upang samahan akong mag -move on. Kahit pa

