Ngayon pa lang ay sobrang excited na ako para sa photoshoot namin na gagawin sa Cebu bukas. Para sa summer collection ng company namin. Kaya naman halos hindi na ako makatulog sa sobrang excitement ko na pumunta roon. First time ko lang kasi makakapunta sa Cebu kaya excited na talaga ako. Mabuti na lang talaga hindi na ako kinulit ni Lola tungkol sa Sugar Daddy na nirereto n'ya sa akin. Bakit kasi hindi na lang si Lola ko ang makipag-date tutal s'ya naman ang excited sa amin dalawa! Kaya naman tawa ng tawa si Ate Thea nang sabihin ko sa kanya ang tungkol dito. Mukhang si Lola na raw ang hahanap ng lalaki ko. Wala naman sanang problema kung medyo matanda ng kaunti lang sana at wag naman kasing edad ni Daddy! 5 or 6 years gap sana, okay pa sa akin. At wala akong reklamo kasi hindi ko rin naman bet ang mas bata sa akin dahil para sa akin, ayaw ko na ako ang mag-aalaga sa kanila. Gusto ko na ako naman ang aalagaan dahil gusto ko rin naman maranasan paano alagaan. Dahil bata pa lang ako sabik na ako sa alaga ng ibang tao. Natulala pa ako nang muli kong maalala si Mom. Bata pa lang ako nang iwan n'ya kami ni Ate kay Daddy. Napangiti pa ako ng mapait dahil dito. Matagal na 'yon pero hanggang ngayon tanda ko pa ang lahat. At bago pa muling mabuhay ang inis ko ay muli ko na lang ipinagpatuloy ang pag iimpake ng gamit ko sa loob ng maliit ko na maleta. Nang makatapos ako ay pumunta ako ng kusina upang magluto ng noodles, dahil ito lang naman kaya ko. Saka gabi na rin naman kaya pwede na ito. Nang maluto na ang noodles ay kaagad kong isinalin sa bowl at ipatong ko sa tray, kumuha rin ako ng tubig at chopsticks. Dinala ko sa maliit kong salas upang doon kumain habang nanonood ng TV. Isa rin kasi ang libangan ko, manuod ng kdrama. Grabe kasi ang kilig na hatid nila sa akin. Saka ako mag i-imagined ng totoong oppa sa buhay ko dahil hanggang imahinasyon na lang muna ako! Nang matapos ko ang isang episode, pinatay ko na rin kaagad. Kinuha ko naman ang phone upang mag-check ng notification sa social media ko. Kumunot pa ang noo ko nang mabasa ko ang ilang notification may mga nag send ng friend request sa akin. Binasa ko pa ang mga pangalan nila isa-isa. Tumango tango naman ako hindi naman silang mukhang scammer. "Jack Cole…" basa ko pa sa pangalan ng isa. Muntik pa akong mahulog sa sofa dahil sa labis na pagtawa. "Nilo Juran, Pablo Job, Kenna Joth, Jay Nacole!" halos maiyak iyak ako sa kakatawa sa mga pangalan nila. Seryoso ba ito? O gawa gawa lang nila? Napapailing pa ako habang naglalakad pabalik sa kusina upang hugasan ang mga ginamit ko. At habang naghuhugas ay tawa pa rin ako ng tawa dahil sa mga nabasa ko na mga pangalan. Masyado yatang malibog ang mga magulang nila! Bakit puro kabastusan ang pangalan nila? Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko, nag double check muna ako kung okay na ba ang lahat at nang masigurado ko na okay, pumasok ako sa kwarto ko upang maligo. Upang makatulog na dahil maaga pa akong gigising bukas.
Nagising ako kinabukasan na may ngiti sa labi dahil katakot takot na pagpapaalam ang ginawa ko kay Lola upang payagan n'ya lang ako dito sa project na ito. Kahit pa ayaw n'ya na ibinabalandra ko ang katawan ko habang suot daw ang maliit na tela. Alam ko naman mahal ako ng Lola Dorina ko kahit pa masungit s'ya at mapanakit sa akin. Mabilis akong bumangon at sa katunayan nauna pa ako sa alarm clock ko. Pakanta kanta pa ako habang naglalakad papasok sa cr upang maghilamos. Mabilis kong tinapos lahat at nang masiguro ko na okay na ang gamit ko ay umalis na rin ako nasa baba na rin kasi ang service namin na naghihintay sa akin. Nagsuot rin ako ng mask at white cap upang magtago sa mga ilang nakakakilala sa akin. Kung meron ngang naligaw!
"Baklaaaa!" Sigaw ko pa kay Brent kaya naman pinanliitan n'ya ako ng mga mata. Natutop ko pa ang bibig ko nang maalala ko na wala nga palang nakakaalam na bakla s'ya. Nag peace sign na lang ako sa kanya nang makapasok ako sa loob ng sasakyan.
"Bruha ka talaga…" mahina ngunit mariin nyang sambit sa akin. Kaya naman natatawa na lang ako sa kanya. Ang gwapo at lalaking lalaki ang suot pero lalaki rin ang jowa! Ano na? Taga sana all na lang ba talaga ako dito sa earth?
"Kamusta ang date mo, bruha?" tanong n'ya sa akin.
"Indian mango ang beauty ko, bakla!"
"Hinaan mo nga, Rhea! Kakalbuhin ko na ang bólbol mo!" banta n'ya pa sa akin.
"Wala, hindi sumipot ang loko! Ayaw yata sa akin. Saka mas okay na rin 'yon."
"Huh?" kunot noo n'ya pang tanong sa akin.
"Papa de asukal, bakla…" mahina ko pang sabi.
"Choosy ka pa, bruha! Malay mo s'ya na ang didilig sa natutuyo mong lupain!" palatak n'ya pa saka sinabayan ng nakakaloko na tawa. Ang gwapo sana ni Brent pero kung magsalita bakla ng taon.
Saglit pa ay nakarating na kami sa airport at kanya- kanya pa kaming dala ng mga gamit namin. Sabay na rin kami ni Brent pumasok sa loob. May ilan pa ngang nagpa-picture sa amin dalawa. Kahit pa nakasuot ako mask, nakilala pa rin nila kami. Nakita raw nila kami sa isang magazine at napagkamalan pa nga kaming mag jowa! Kung alam lang nila na lalaki rin ang hanap ni Brent!
"Are you okay?" tanong ko kay Brent nang makasakay kami ng eroplano. Mukha kasi syang kinakabahan at namumutla.
"Y-yeah…I'm little bit nervous," tipid nyang sagot.
"Gusto mag palit na lang tayo ng upuan?"
Dito ka sa tabi ng bintana, bet mo?" alok ko pa.
"S-sure."
Ilang saglit lang ay nasa himpapawid na kami.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa balikat ni Brent, naramdaman ko na lang na tinatapik n'ya ako ng mahina sa pisngi. Kaya naman unti-unti akong nagmulat ng mga mata.
"We're here! Wake up, honey!"
At after 1 hour at 30 minutes nga ay nasa Cebu na pala kami. Inayos ko pa saglit ang damit at buhok ko. Kahit pa medyo inaantok ako ay pilit kong gumising na nang tuluyan. Nang madako ang tingin ko sa katapat ng upuan namin sa may left side ay may lalaking nakasandal sa upuan at mukhang tulog pa ito. Kahit pa nakasuot ng black mask at aviator sunglasses ay halata pa rin na gwapo s'ya. Hindi ko napansin nakatitig na pala ako sa kanya. Mas mukha syang hot sa suot nyang simpleng blue T-shirt, brown short pants at white top sider.
"Hoy!"
"Ay! Kalabaw na puti!" bulalas ko pa dahil sa labis na gulat.
"Nakatulala ka kasi dyan. Sino ba ang tinitingnan mo dyan?" Akma n'ya pang sisilipin ito ngunit, mabilis ko syang itinulak pabalik sa upuan n'ya.
"Wala! Kunin mo na ang bag natin!" nang muli kong tingnan ang lalaki sa katapat ko ay nakatingin na pala s'ya sa akin. Kaya naman nagkatinginan pa kaming dalawa. Nahuli n'ya ako sa akto! Kaya naman mabilis akong nag bawi ng tingin. Nakakahiya! Baka isipin n'ya ay pinagmamasdan ko s'ya! Oo! Nakagat ko pa ang pang ibabang labi ko at dahan-dahan tumayo nang hindi tumitingin sa likuran ko. Baka mahuli na naman ako! Pakiramdam ko nakipag habulan ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Bakit ba puro lalaki ang nakikita ko ngayon? Isa na ba itong senyales na magkakaroon na ako ng jowa?