"Czarina, bilisan mo raw sabi ng Lola mo! Ang gwapo ng lalaki sa labas!" kinikilig pang pagbabalita ni Ate Belinda sa akin. Kaya naman tiningnan ko pa s'ya na tila hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. Kailangan pa may naligaw na gwapo dito sa lugar namin? Lalo na dito sa bahay ni Lola?
"Ate Belinda, sure ka bang gwapo? O baka naman scam 'yan! May mga gwapo na lalaki ang hanap! Naku, ingat ka baka ma scam ka rin!" babala ko pa sa kanya na ikinatawa naman n'ya ng malakas.
"Hindi mo ba s'ya nakita kanina? Diba ikaw ang nagpastol ng mga kambing?"
"Hindi ko masyadong napansin ang mukha nila dahil nakatungo lang ako! Saka sure ako na hindi sila gwapo!" nakapilantik pa ang mga daliri ko habang nagsasalita. Saka sa nangyari kanina hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang mga mukha nila! Dahil nakakahiya na ang ganda ko tapos taga pastol ng mga kambing! Myghod Cayetano! Give us ten thousand peso!
"Dyosko! Czarina, kung s'ya naman ang manggagantso sa akin why not! Ang gwapo talaga!" tila kinikilig pa si Ate Belinda.
"Bakit, Ate Belinda, where na ba ang boyfriend mo na afam?" usisa ko pa sa kanya.
"Nasa America pa ang loko. Minsan nga kinakabahan ako paano kong magloko s'ya? At ipagpalit ako sa iba?" sabi n'ya pa.
"Ate Belinda, kadalasan niloloko ngayon, magaganda. Kaya chill ka lang!" buska ko pa sa kanya. Kaya naman kinurot n'ya pa ako sa tagiliran at nagkatawanan pa kaming dalawa. Saka ako nagpatuloy sa paghahalo ng juice na tinitimpla ko. Habang naglabas naman si Ate Belinda ng mga bagong baso at nilagyan n'ya rin ng yelo ang mga ito. Sinalinan ko naman ito at saka ako naghiwa ng cake. Nang makatapos ay handa na akong lumabas pero napatigil ako bigla nang makita ko ang may ka edaran na lalaki na kausap ni Lola Dorina. Tama naman gwapo naman ito pero hindi ko s'ya type ang tanda na! Mukha na syang sugar Daddy ko! Dali-dali akong bumalik sa kusina upang iutos kay Ate Belinda na s'ya na ang magdala sa labas ng meryenda at tinatawag na ako ng kalikasan.
"Bakit ka bumalik?" kunot noo n'ya pang tanong sa akin.
"Ate Belinda, ikaw na magdala ang tanda na! Hindi sugar daddy ang hanap ko!" bulalas ko pa.
"Anong sinasabi mo dyan? Naku, Czarina! Sayang hindi ka makakasilay sa gwapo! Ikaw na ang magdala. Sige na…" nakangisi n'ya pang taboy sa akin. Kaya naman gusto ko pang masuka sa idea na makakasama ko 'yon! Gwapo naman kaso kung nabubuhay si Dad ngayon sa tingin ko magkasing edad lang silang dalawa.
"Ate Belinda, sige na ikaw na. Taeng tae na ako! As in!" palusot ko pa pero ang totoo gusto ko lang talaga na tumakas.
Kaya walang nagawa si Ate Belinda kundi sundin na lang ako. Hinayaan ko s'ya at mabilis akong umakyat sa kwarto ko baka bigla akong ipatawag ni Lola kay Ate Belinda. Syempre iba na ang handa. Nang may marinig akong ugong ng sasakyan ay kaagad akong bumangon at sumilip sa bintana. Nakita ko pa nang ihatid ni Lola ang bisita n'ya. Kaya naman nakahinga pa ako ng maluwag saka ako bumalik sa kama at muling tumihaya ng higa saka pumikit. Bigla tuloy bumalik sa isip ko ang lalaki na nakita ko kanina ang bango pa naman ng pabango n'ya tapos matanda naman pala s'ya, sayang! Napabalikwas pa ako nang biglang may kumatok sa pinto. Si Lola Dorina ang bumungad sa akin at ang weird ng ngiti n'ya! Parang may sanib yata ang Lola ko!
"Czarina, bakit hindi ka bumaba kanina huh?! Hindi ka na ba sumusunod sa utos ko huh?!" Pinalo n'ya pa ako ng hawak nyang walis tambo. Kaya naman panay ilag ang ginagawa ko. Dahil may photoshoot pa naman ako bukas kaya bawal akong mapasaan.
"L-lola…Tama na po! A-aray…" saway ko pa sa kanya.
"May date ka bukas ng gabi at dapat mabigyan mo na agad ako ng apo! Wag na wag kang tatanggi Rhea Czarina Pineda! Maliwanag ba?!" habang patuloy s'ya sa pagpalo sa akin. "O-opo! T-tama na, Lola… Pero, teka lang naman po. Apo agad? Hindi ba pwedeng wasakan muna ng dangal?"
"Matanda ka na! Kaya bilisan mo! Noong ka-edad mo ako nakailang rounds na kami ng Lolo mo!" Pinalo n'ya pa ulit ng isa bago binitawan ang walis na hawak n'ya. At muntik na akong masuka dahil sa sinabi n'ya. Hanggang ngayon ba naman, natatandaan n'ya pa rin ang moment nila ni Lolo!
"Lola naman…Ang tanda na ng nirereto mo sa akin! Wala bang medyo bata!" reklamo ko pa sa kanya.
"Anong sinasabi mo dyan? Sinong matanda? Naku, Czarina, kamay pa lang aba, panalo na kaagad! Naaalala ko tuloy ang kamay ng Lolo Jones mo. Mataba at mahaba…" tila kinikilig pang kwento ni Lola Dorina. Gusto ko nang tumakbo palabas ng kwarto bago pa maging makasalanan ang mga tenga ko!
"Lola, tama na po. Baka mamaya sunduin kayo ni Lolo Jones dito," pananakot ko pa sa kanya.
"Aba, loko kang bata ka ah! Gusto mo na ba akong mamatay?" Kinurot n'ya pa ako sa singit . "Aray, Lola!" reklamo ko habang hinahaplos ko ang singit ko. At saka ako lumayo sa kanya.
"Czarina, wag na wag mong kakalimutan ang date n'yo huh! Pikutin mo na si pogi! Wag kang pahiya hiya dyan. Tandaan mo huling biyahe mo na ngayon!" paalala n'ya pa sa akin.
Ang Lola ko, very supportive talaga. Ramdam ko hanggang sa dulo ng daliri at laman loob ko!
"Lola, ayaw ko sa matanda at saka busy ako bukas—" hindi ko na natuloy ang gusto ko pa sanang sabihin nang muli nyang damputin ang walis tambo sa sahig.
"Opo, Lola! Saan at anong oras?"
"Very good! Naku sigurado ako na gwapo at maganda ang magiging anak n'yo!" Pumalakpak pa s'ya at saka ngumiti sa akin ng ubod ng tamis. Parang sure naman si Lola na magkakaroon s'ya sa akin ng apo! Hindi n'ya nga sure kung buhay pa ang itlog ko! Iyak malala talaga si Lola kapag ligwak na naman ang lalaki na 'yon. Saka bakit sa matanda pa talaga. Malas na buhay naman ito!
Kinabukasan nagmamadali nga akong umalis sa location namin upang puntahan ang ka- date ko raw na matanda. Medyo late na kasi natapos ang shoot. Kaya naman hindi na ako umuwi sa bahay at dali-dali na akong sumakay ng taxi. Habang nasa byahe pinag iisipan ko pa kung tutuloy ba ako o wag na lang. At saka hindi naman malalaman ni Lola kung hindi ako pumunta. Pero kapag nalaman n'ya may palo ako ng malala. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong magawa kundi sundin ang utos ni Dorina Pineda! Pagdating ko nga sa restaurant ay parang ayaw kong tumuloy talaga. Pero para matapos na ito go na Rhea! Malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis makapasok sa loob ng restaurant at sa pagmamadali ko nga ay hindi ko napansin ang isang lalaki kaya naman nabangga ako sa kanya. At nahulog pa ang bag ko sa sahig at naglaglagan ang mga gamit ko sa loob. Sabay kaming umupo upang damputin ang mga gamit ko. At ganun na lang ang pagkahiya ko at feeling ko nag-init ang ang buong mukha ng madampot n'ya ang extra panty ko palagi kasi akong may dala nito sal bag ko. Kaya naman napayuko na lang ako habang hinihila ko ang panty ko sa kamay n'ya. Napikit pa ako nang maramdaman ko ng hawakan n'ya ang kamay ko at ilagay sa palad ko ang panty na hawak n'ya. Halos magtayuan ang lahat balahibo ko nang tumama ang kamay n'ya sa balat ko. At sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ito naramdaman. Kaya naman mabilis akong nagmulat ng mga mata kaya naman nagkatinginan pa kaming dalawa. At mabilis ko rin naman binawi ang tingin at nagmamadali akong tumakbo papunta sa comfort room. Pagdating ko sa loob napasandal pa ako sa pinto habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng tahip nito. Naipaypay ko pa ang kamay ko sa mukha ko dahil sa nangyari kanina. Infairness gwapo s'ya kahit saglit ko lang napagmasdan ang mukha n'ya at parang pamilyar sa akin ang amoy n'ya. Ang simple lang suot n'ya pero ang lakas ng dating. "Parang ang sarap nyang maging jowa!" Sigaw pa ng kabilang bahagi ng utak ko. "Wait, Rhea! Maghunos dili ka! Mukhang babaero!" kontra pa ng kabilang isip ko. "Sabagay halata naman sa mukha n'ya!" sagot ko pa sa isip ko.
"Ay palaka na may hika!" gulat ko pang bulalas ng tumunog ang cellphone ko. Kaya naman dali-dali ko itong kinuha sa loob ng bag. Minsan talaga ang Lola ko panira ng moment ng buhay ko.
"Yes, Lola. Narito na po ako. Asan na ba si matanda na date ko at gusto ko na po na makauwi," nakasimangot ko pang sabi sa kanya.
"Ikaw na bata ka, kapag nakita mo talaga 'yon naku, ewan ko baka tumulo ang laway mo!" narinig ko pa ang malakas na tawa ni Lola sa kabilang linya.
"Umuwi ka na at nagkaroon s'ya ng emergency. Sasabihin ko na lang sa'yo kung kailan ulit s'ya available. Sayang akala ko ay magkaka apo na ako sa'yo. Tssk!" bakas pa sa boses ni Lola ang labis na panghihinayang samantalang ako ay gusto kong mag split at tumambling with high honor!
"Sayang naman, Lola Dorina. Ang ganda ko pa naman ngayon. Hindi ba talaga pwede ngayon? Excited pa naman po ako!" pagkunway sabi ko. Kaya naman narinig ko pa ang mahinang mura ni Lola sa akin.
"Lola, bad po 'yan." Tumatawa ko pang sabi.
"Tigilan mo ako, Czarina! Alam na alam ko na yang mga pasakalye mo. Sige na umuwi ka na. Ingat ka sa pag-uwi maganda kong apo na may pagkatigang!" Tumawa pa s'ya ng malakas bago ibinaba ang tawag. Napaawang pa ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya at sure ako na si Ate Belinda ang nagturo ng salita na 'yon sa Lola ko! Kaya wala akong nagawa kundi umuwi na lang sa bahay at habang nasa byahe ay hinaplos ko pa ang kamay ko na hinawakan ng estranghero kanina. Gwapo nga baka babaero or kaya lalakero. "Hays, Rhea Czarina Pineda wala na yata talagang pag-asa na may pag payanig sa pooh key este puso mo!" himutok ko pa sa kawalan.