Date

1523 Words
Nagmamadali akong bumangon nang magising ako kinabukasan. Hindi ko namalayan ang oras late na pala ako sa trabaho, kaya naman dali-dali akong pumasok ng shower room. Napuyat ako kakaisip sa babaeng gumugulo sa isip ko. Dapat talaga ipagsawalang bahala ko na lang ang nararamdaman ko. Baka naman nahihihibang lang ako katulad ng sabi ni Sky. At impossible raw na ma inlove ako ng ganun kabilis. Baka raw na challenge lang ako dahil misteryosa ang babae na 'yon. Bahala na ang kailangan ko munang gawin ngayon ay pumasok sa trabaho. Kaya naman mabilis kong tinapos ang paliligo at kumuha lang ako ng white t-shirt, faded denim pants at black cap. Pagkabihis ko nga nag-spray lang ako ng paborito kong pabango. At dali-dali akong bumaba. "Good morning, Ladies! I love you all. Behave okay? See you later!" kausap ko pa sa mga halaman bago ako tuluyang lumabas ng bahay. "What?! Bakit ako na naman ang pupunta sa location? Diba project natin tatlo ito?" reklamo ko kaagad pagdating ko sa office. Ang mga walanghiya palagi na lang akong iniisahan sa trabaho. Porket na late ako na pumasok ngayon. "Hindi ako pwede ngayon, pre. May date kami ni Helena," sambit ni Galledo. "Anong pakialam ko huh? May date din ako at maaga akong mag out mamaya!" Nakapamewang ko pang tangi sa kanila ngunit tumawa lang sila saka ako inakbayan. "Name your plant—" "What time ako bibisita sa location? Sky, handa na ba lahat ng plano na ilalatag ko sa kliyente? Do it. ASAP!" "kaagad kong sabi. Basta halaman ang usapan wala nang maraming tanong. May halaman pa naman akong gusto ngayon. Saka I know mabilis lang naman ako bibisita sa location. Isang malaking rest house kasi ang gustong itayo ng kliyente namin sa malawak nyang lupain. Gusto n'ya na unique at makabago ang maging disenyo nito. Kaya naman hindi kami nahirapan tatlo sa pagpaplano. I will explain lang sa kliyente namin kung approved ang ginawa namin or may gusto pa syang pabago sa original plan. Kaya naman after namin muling i-discuss ang tungkol dito ay umalis na rin ako ng office. Mabilis naman akong nakarating sa location kung saan naghihintay si Mr. Abellar. Kagaya pa rin ng una, manghang mangha pa rin ako sa katabi nitong hacienda na pagmamay-ari ng mga Pineda. Pagdating ko nga ay napansin ko ang isang babae na nakaupo at abala sa phone n'ya. Hindi na ko na lang pinansin dahil naghihintay na ang kliyente ko. "Hi, Sir!" masiglang bati ko. Kailangan matuwa s'ya sa ilalatag kong design. Para naman wala na kaming babaguhin. Pero tiwala naman ako sa ideas namin sa project na ito. "Architect Santillan, nice to see you again!" nakangiti pang bati nito. Saglit pa kaming nag kamustahan saka ko tinalakay ang sadya ko. "Mr. Abellar, A-Frame house ang napili namin design. A triangular shape, large windows, and high ceilings makes this architectural design wonderfully different from another house," paliwanag ko pa. Habang nakikinig lang s'ya sa akin. "Tell me more," sabi pa ni Mr. Abellar. "A-Frame have large windows at the back and front and with some designs para maging mas maliwanag pa ang bahay. And for sure magugustuhan ito ng family n'yo. Dito natin s'ya itatayo. We need to make sure tama ang pwesto ng bahay. So, You can get amazing light in the morning and evening." "Wow! I like the idea, Architect Santillan. What more?" Imbes na sumagot ay naglakad ako sa isang bahagi upang ipakita naman sa kanya ang outdoor design na ginawa namin. "Dito sa side na 'to itatayo ang backyard pool pergola –" napatigil ako sa pagsasalita ng pumasok ang babae dito sa loob. S'ya rin ang babae na nakaupo kanina sa kabila. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil balot na balot ito. Ngunit agaw atensyon ang hita n'ya at magandang hubog ng katawan. At nang madako ang tingin ko sa hita n'ya, naalala ko bigla si Ms. Legs magkatulad kasi sila ng hubog ng hita. "Ang sexy naman na taga pastol ito," mahinang bulong ko pa. Natawa pa ako nang makita ko kung paano s'ya nahihirapan sa paghila ng mga kambing. Kaya naman lumapit ko sa kanya upang mag alok ng tulong. Ngunit mabilis naman nyang tinanggihan kaya wala akong nagawa kundi panoorin syang hilahin ang mga kambing n'ya. Tinanaw ko pa s'ya habang papalayo sa amin. Nang hindi ko na s'ya makita ay nagpatuloy ako sa sinasabi ko kay Mr. Abellar. "Thank you, Architect Santillan. I love the design. I'm impressed! Approved!" saad n'ya. "Wow! Thank you, Mr. Abellar!" Inabot ko pa ang kamay n'yo. "By the way are you in a hurry?" tanong n'ya pa sa akin. "Not at all, Sir. Why?" "Well, I know gusto mong makilala ang may-ari ng kabilang hacienda right? I'm going to meet the owner, Madam Dorina. You want to join me?" napangiti pa ako dahil sa sinabi n'ya. Gustong-gusto ko talaga makilala ang may-ari ng hacienda. At nakita ko na ang dami nyang halaman sa harap ng mansion nila. Baka pwede akong humingi or bumili ng tanim nila. Kaya naman mabilis kami na umalis ni Mr. Abellar. Malayo pa lang tanaw ko na ang maganda nilang mansion at base sa disenyo nito ay mukhang makaluma ang yari ng mansion nila. At ang napansin ko rin na walang pina renovate sa yari ng bahay. Na preserved ang unang disenyo nito. For sure magaling na architect ang gumawa nito. Nang tumigil ang sasakyan ni Mr. Abellar ay itingil ko na rin ang sasakyan ko kung saan nakaparada ang sasakyan n'ya. Nag doorbell si Mr. Abellar habang nilibot ko naman ang paningin ko. Parang na inlove na kaagad ako sa paligid. Namilog pa ang mga mata ko nang makita ko ang halaman na matagal ko nang hinahanap. Ilang saglit pa ay may lumabas na may ka edaran na matanda ngunit maganda pa rin ito. Siguro ito ang may-ari ng hacienda. Mukha rin syang mabait dahil kaagad n'ya kaming pinapasok sa loob. At dinala sa garden n'ya. "Good morning, Madam Dorina," bati pa ni Mr. Abellar. "Good morning, Ma'am," nakangiti kong bati sa kanya. At mabilis naman nyang sinuklian ng matamis na ngiti. "Good morning, gentlemen! Maupo kayo." Turo n'ya sa bakante na silya. "Frederick, kamusta ang Mommy mo?" narinig kong tanong n'ya. "She's doing good, Madam Dorina. At balak n'ya nang umuwi dito. Naka-move on na sa pagkawala ni Dad," biro pa ni Mr. Abellar. Tumawa naman ang matanda na kaharap namin ngayon. "Oh, I'm so excited na makita si Pineda. Kaya ba nagpapagawa ka na ng bahay bakasyunan, Hijo?" "Yes, Madam Dorina. By the the way, I want you to meet, Architect Alfred," pakilala n'ya sa akin sa matanda. Ngumiti naman s'ya sa akin at mabilis ko naman nilahad ang palad ko upang magkakilala. "Glad to meet you, Ma'am," sabi ko. "Just call me, Lola Dorina. Hijo, binata ka pa ba? Alam mo ba may apo ako na dalaga! Naku, mukhang bagay na bagay kayo!" bulalas n'ya pa kaya naman muntik pa akong maubo. Kaya naman pati ang kliyente ko, natawa rin dahil sa sinabi ng matanda sa akin. "Yes, po. I'm single po but—" "Czarina! Czarina! Lumabas ka nga dito, Hija!" Sigaw ni Lola Dorina at mukhang apo n'ya ang tinatawag n'ya. "Wait lang po!" Sigaw naman ng boses ng babae at mukhang ito ang apo n'ya. At mukhang mapapasubo yata ako! "Sandali lang, Hijo, palabas na 'yon," ngingiti ngiti pa s'ya sa akin. Nilibot ko na lang ang tingin ko sa garden n'ya. At hindi ko maiwasan hindi mainggit sa garden n'ya dahil ang ganda ng landscape nito. Hinayaan ko lang silang mag-usap ng kliyente ko. "Mahilig ka rin ba sa halaman, Hijo?" nagulat pa ako ng bigla n'ya akong tanungin. Ngumiti naman ako at umayos ng upo saka ko s'ya sinagot. "Yes, Lola Dorina. Marami po akong halaman sa bahay ko." Tumango tango naman s'ya sa akin at saka tumayo. May kinuha syang halaman at ito ang halaman na matagal ko nang gustong mabili. Pero mahirap syang hanapin talaga at iilan lang ang may tinda nito. "Ito nga pala ang bago kong halaman. Kilala mo ba ito?" nakangiti na tanong n'ya sa akin. "Alocasia Azlanii, Lola Dorina!" sambit ko pa. "Tama, Hijo! Alam mo ba pwede ko sayong ibigay ito…" Lumapit pa s'ya sa akin ng bahagya. "Date my apo…" Napaawang pa ang bibig ko sa sinabi n'ya. Ganun ba ka pangit ang apo n'ya para bayaran ng mahal ang makaka-date nito? Hanggang sa pag-uwi ko, iniisip ko pa rin ang ang sinabi ni Lola Dorina sa akin. Hindi naman ako mababaw na tao para sa halaman ay susunod sa gusto n'ya. May dignidad at paninindigan naman ako sa buhay. Para sa halaman no way! Sa garden muna ako nagtuloy pagdating ko sa bahay upang ilipat ang bago kong halaman. Marami pa kasing binigay si Lola Dorina sa akin. Bahala na isang date lang naman ang usapan namin. After noon, wala ng sunod. Isang date sa isang stranger! Hindi ko kasi s'ya nakita kanina dahil may emergency sa office kanina. Kaya naman umalis kaagad ako pagkabigay ni Lola Dorina ng mga halaman. Bahala na bukas sa date namin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD