Help

1300 Words
"Lola Dorina, bakit naman ako pa ang mag papastol ng kambing natin?!" maktol ko pa habang nagpapadyak ako sa lupa. Kaya n'ya pala ako pinapunta dito dahil ito ang plano n'ya sa akin. Ang dami kong plano sana ngayon dahil maluwag ang schedule ko. Balak ko sana na magbabad sa mga dating site ngayon at humanap ng hardinero ng pakwan ko! Tapos gagawin n'ya pala akong alila for today's vidyow! Hindi na talaga ako natutuwa sa Lola Dorina ko! Minsan gusto ko nang makipag usap kay Lolo Jones na sana minsan kalabitin n'ya si Lola! Kung hindi ako kargador ng palay, taga igib naman ng tubig sa balon o kaya taga taga pakain naman ng baboy! Kapag pinapatawag n'ya ako dito sa bukid namin. "Wag kang mag reklamo dyan! Paano kapag nawala na ako sino ang gagawa nyan dito huh?! Ikaw na bata ka talaga. Hala, lakad na !" tila walang pakialam ang Lola Dorina ko sa beauty ko. Todo short at crop top pa naman ako ngayon tapos taga hila pala ng kambing! "Lola Dorina, I'm a model. Hindi po ako trabahante sa bukid n'yo…" reklamo ko pa. Buti sana kung isang kambing lang pero, walo lang naman sila as in eight! "Pinagbigyan lang kita sa kapritsohan mong bata ka. Kaya sundin mo ang utos ko na walang reklamo at nakangiti. Rhea Czarina Pineda!" tawag n'ya pa sa buong pangalan ko at kapag ganito si Lola, sumunod ka na. Kasi kapag nagsalita pa syang muli, baka malatayan n'ya na ako. Matanda na ang Lola ko pero, malakas pa rin sa kalabaw namin. Ewan ko ba kay Lola ang daming tauhan naman sa bukid ako ang trip n'ya! Wala akong nagawa kundi sundin ang inuutos n'ya sa akin habang reklamo ko nang reklamo habang naglalakad palayo. Nakakahiya paano kapag may nakakita sa akin? Pero sabagay wala naman nakatayong bahay sa katabi ng pastulan namin ng kambing. Kaya nasisiguro ko na walang tao doon. Bata pa lang ako, tinuruan na ako na mag pastol ng kambing pero, hindi ko kaya na hindi ko kasama ang mga anak ng trabahante namin dito sa bukid. Mga runner kasi ang mga kambing ni Lola. Laging nagmamadali at tila ba may mga lakad sa buhay! "Wag nga kayong pasaway!" Sigaw ko pa habang inaayos ko ang salakot na pinasuot ni Lola sa akin. Nagdala rin ako ng scarf upang gamitin ko mamaya kapag pabalik na kami sa kulungan nila. Ayaw ko nga na makita ako ng mga trabahante ni Lola. "Hoy! Rizal! Aguinaldo! Mabini! Luna! Tumigil nga muna kayo!" Saka ko hinila papunta sa akin ang lubid. Ang hirap talaga ng pinapagawa ni Lola sa akin. Tapos ang masaklap walang sahod as in wala! "Excited na kayong kumain huh? Dead hungry talaga kayo! Ano sumagot kayo?" kausap ko pa sa kanila. "Jacinto! Del Pilar! Quezon! Bonifacio! Wait nga! Kung makatakbo kayo nagmamadali? May meeting? Wag nyo nang habulin ang pangako ni Allan na sampung libo! Hays!" Yung iba may kahawak kamay samantalang ako may hawak na lubid! Ano ba naman buhay ito! Nang makarating ako sa pastulan para na akong na hagardo versosa mga bakla! Hinayaan ko muna silang kumain at naupo ako saglit, kinuha ko ang suot kong salakot at ipinaypay ko sa mukha ko dahil mainit. Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll muna ako upang sumagap ng chismis sa socmed. Saka abala naman ang mga kambing sa mukbang nila. Kapag kasi tapos na silang kumain ay muli ko silang ibabalik sa kulungan nila. Habang abala ko ako sa pag scroll, hindi ko namalayan na may dumating palang mga tao sa kabilang bakod. Patuloy ako sa pag checheck ng social media ko kaya hindi ko rin napansin na nakatakas na pala ang mga kambing ko at napunta sa kabilang bakod. Napasigaw ako nang mag angat ako ng tingin nang mawala sila sa harapan ko. Bigla silang naglayas kaya naman dali dali akong tumayo at isinuot ang salakot ko at nagmamadali akong tumayo. At ganun na lang ang gulat ko nang makita ko na may mga lalaki sa kabilang bakod at busy sa pag-uusap. Biglang nawala sa isip ko ang mga kambing nang matulala ako sa isang lalaki na nakatalikod. Nakasuot s'ya ng denim pants at white t-shirt na body fit. Nakasuot din s'ya ng black cap. Kahit malayo ako sa kanya, feeling ko parang ang bango n'ya at ang sarap yakapin ng mahigpit. Kung hindi pa nag ingay ang mga kambing na nasa kabilang bakod, hindi ako babalik sa katawang lupa ko. "Ay, mga bastos!" bulalas ko. Itinago ko pang mabuti ang mukha ko ng suot kong malapad na sumbrero at scarf upang hindi nila ako makita. At nakakahiya! Nagmamadali ako na pumasok sa kabila upang kunin ang mga kambing. "Kukunin ko lang ang mga kambing ko. Pasensya na po," nakayuko ko pang sambit. Saka tuloy-tuloy na naglakad upang hilahin na ang mga pasaway kong kambing. Ramdam ko pang nakatingin sila sa akin at natigil ang usapan nila nang magsalita ako at pumasok sa loob ng bakod nila. Habang pilit kong hinihila ang mga kambing ngunit lalo pang nakipag matigasan ang mga kambing ko, ayaw mag pahila. Mas bet yata nila ang damo dito sa kabila. Gusto ko na lang malusaw sa hiya dahil sa mga nangyayari ngayon. Mabuti na lang talaga nakatakip ang mukha ko. Nang lalapitan ko na sila, mabilis silang nagpugalasan. Kaya naman isa-isa ko pa silang hinabol. Hiyang-hiya na talaga ako sa ganap ng buhay ko ngayon! "Tara na! Wag na kayong pasaway. Dahil kapag ako ang nainis gagawin ko kayong papaitan mamaya…" mahinang sabi ko pa sa mga kambing ko. Pero ayaw talaga nilang umalis. "Miss, You need help?" tanong ng baritonong tinig sa likod ko kaya naman muntik pa akong mapalundag sa gulat. "N-no…Okay lang. Salamat," kagat labi ko pang tanggi sa kanya. Saka ko muling kinausap ang mga kambing ni Lola Dorina. "Uuwi kayo o papaitan mamaya?" Bigla naman silang tumigil sa pagkain ng damo at sila na mismo ang naglakad. Kaya naman dali dali kong hinawakan mabuti ang tali nila at mabilis kong nilagpasan ang lalaki na nasa harapan ko ngayon. Nang matapat ako sa kanya naamoy ko pa ang pamilyar na pabango na sure ako na naamoy ko na noon. Kahit gusto ko pa sanang ubusin ang amoy n'ya, mas pinili kong isalba ang sarili kong dangal at reputasyon sa mga oras na ito! At ang lahat ng kahihiyan na inabot ay ang Lola Dorina ko ang may kasalanan! Sobra na na si Lola! "Czarina, Hija, bakit ganyan ang itsura mo? Nasa kulungan na ba ang mga kambing?" bungad ni Lola pagkarating ko sa bahay. "Lola Dorina! Ayaw ko na pong sumunod sa utos n'yo! Wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao!" maktol ko pa. "Aba, ikaw na bata ka, sinisigawan mo ba ako huh?" "Hindi po Lola. Sinasabi ko lang po…" biglang naging malumanay ang pagsasalita ko nang makita kong hinahawakan n'ya ang walis sa tabi n'ya. "Sige na pumasok ka na sa loob. Marami pang hugasin sa loob. Abala si Belinda sa pagdidilig ng halaman. Kaya ikaw muna ang gagawa ng gawain n'ya…" umikot pa ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lola. "Lola, naman…Pagod na pagod na ako sa mga kambing mo! Hindi na po ito tama!" nakanguso ko pang reklamo sa kanya. Sabay pa kaming napatingin nang may mag doorbell sa labas. "Buksan mo at baka 'yon na ang may-ari ng kabilang bakod sa may pastulan ng mga kambing. Kasama rin ata 'yong architect…" utos ni Lola. Bigla kong naalala ang nangyari kanina kaya imbes na sundin ko si Lola ay pumasok ako sa loob ng bahay. At hindi ko na pinansin ang tawag ni Lola. Bahala na basta hindi ako lalabas! Ayaw kong makita ako ng mga mga bisita ni Lola! Bahala nang mapalo ni Lola!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD