"Sky, tingnan mo si Alfred…" narinig ko pang sambit ni Galledo. Habang abala ako sa paglalaro ng ballpen.
"Parang sira ulo nga. Kanina pa 'yan ngumingiti mag-isa pagdating palang dito sa opisina! Lapitan mo nga," sabi pa ni Sky.
"Ayaw ko. Baka mangagat na lang 'yan basta! Buong linggo yata syang parang tanga. Ayaw kong lapitan," tanggi pa ni Galledo. Kaya naman napapailing na lang ako sa mga kaibigan kong marites na harap harapan akong pinag chichismisan mga kalalakihang tao! Parang manok ang nguso!
Kumuha ako ng papel at nilukot ko saka ko ibinato sa kanilang dalawa.
"Mga sira ulo! Normal pa ako may iniisip lang ako mga ugok! At kung pag-usapan n'yo ako, parang wala ako sa tabi n'yo. Tangina, nahiya pa kayo sa lakas ng pag-uusap nyong dalawa!" mura ko pa sa kanilang dalawa.
"Malay ba namin kung may kumagat na sa'yo kagabi. Mukha ka kasing na engkanto dyan. Ngumingiti at tumatawa mag-isa na parang tanga! Akala ko nga mangangagat ka na lang basta!" buska pa ni Galledo sa akin.
"Kumain ka na ba? Sabi ko sa'yo, wag puro hilaw ang kinakain mo…" pilyo pang sabi ni Sky. Saka sila tumawa ng malakas ni Galledo.
"Gago! Masarap talagang kumain ng hilaw! Lalo na kapag fresh…Lumpia ganoon!" Tumawa pa ako ng malakas.
"Sabagay at saka healthy…" sabay pa nilang tugon saka muling tumawa.
Mga gago talaga puro kagaguhan ang alam ng dalawang bayag na ito.
"Pero pre, ayos ka lang ba talaga? Pag-usapan natin kung may problema ka sa buhay…" usisa ni Sky sa akin.
"Naisip ko kasi…Bakit kaya nakatungo ang mga biik kapag naglalakad?" kunot noo pa nila akong tinignan saka pinagulong ang mga swivel chair nila palapit sa akin.
"Bakit nga?" sabay pa nila na tanong sa akin.
Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kanilang dalawa. "Kasi ikinahihiya nila ang Nanay nila baboy!" Tumawa pa ako ng malakas.
"Tangina ka! Gago!" sabay pa nilang mura saka ko sinuntok sa magkabilang balikat.
Kaya naman lalo pa akong natawa habang nakatingin ako sa mga mukha nilang dalawa. Tumayo pa si Sky mula sa kinauupuan n'ya saka ako sinakal gamit ang braso n'ya.
"Tuluyan mo na 'yan!" susog pa ni Galledo kay Sky. Wala yata kaming araw na hindi nag gaguhan sa office. Kahit naman walang hiya ang mga kaibigan ko, mahal ko silang dalawa. Lalo na sa mga nangyari kay Galledo ngayon. Masaya ako na mukhang nahanap n'ya na ang babaeng para sa kanya. Masaya rin ako para kay Sky kasi iniwan s'ya ni Duchess at nag fefeeling hindi affected si gago.
Muli na naman akong napangiti nang maalala ko ang babaeng naka engkwentro ko isang linggo na ang lumipas pero, feeling ko kahapon lang 'yon. Hanggang sa pagtulog ko sa gabi s'ya ang nasa isip ko. Hanggang sa paggising ko kanina ay s'ya pa rin ang nasa isip ko. Ngayon lang yata nangyari ito sa buong buhay ko. Tumawa mag-isa dahil sa isang babae. Walang araw yata ang lumipas na hindi ko pinagmasdan ang bracelet n'ya na napulot ko. Magkikita pa kaya kami? Maibabalik ko pa ba 'yon sa kanya? Malakas ang pakiramdam ko na single pa s'ya. At sana lang mag krus muli ang landas namin dalawa.
"Pre, ikain mo 'yan!" nagulat pa ako ng subuan ako ni Sky ng egg sandwich. Kaya naman muntik pa akong mabilaukan dahil sa ginawa n'ya.
"Kulang ka lang sa kain!" buska pa ni Trevor na nakangiti habang hawak naman ang cellphone n'ya. At sure ako na picture na naman ni Helena ang pinagmamasdan ni gago.
"Pareho na kayo ni Galledo, mga adik!" Umiiling na komento ni Sky habang kumakain.
"Yes!" sabay pa namin sagot ni Galledo saka muling humarap sa computer namin. Buong maghapon kong inabala ang sarili ko sa trabaho upang mawaglit sa aking isipan ang babae na gumugulo sa utak ko. I feel strange and I've never felt this before in my fūcking whole life! Mababaliw na yata ako kapag hindi ko pa s'ya nakita! Damñ! Sino ka ba talaga?
"Awww!" reklamo ko nang batukan ako ni Sky.
"Kanina ka pang nakangiti dyan! Sa office pa lang weird ka na. Hanggang dito ba naman sa bar!? Natatakot na ako sa'yo gago ka!" singhal ni Sky saka mabilis na tinungga ang hawak nyang alak. Pagkatapos kasi ng trabaho namin niyaya ko silang lumabas as usual ayaw ni Galledo at excited nang umuwi para makasilay man lang kay Helena tsk!
Hindi ko namalayan na nakangiti na naman pala akong mag-isa. Mababaliw na yata ako kakaisip kay Ms. Legs! Kinulam n'ya yata ako!
"Mind your own business! May iniisip lang ako. Pre, hmmm…" nag aalangan pa ako na kung sabihin ko ba kay Sky ang totoong dahilan. Pero naisip ko chismoso nga pala ito. Sure ako kapag sinabi ko sa kanya, tiyak bukas alam na nina Calvin at Galledo at katakot takot na pambubuska ang aabutin ko sa kanila!
"Pre, umamin ka nga sa akin…Adik ka ba?" kunot noo pang tanong ni Sky sa akin. At inilapit pa ang mukha n'ya sa mukha ko. Kaya naman natawa pa ako ng malakas dahil sa paraan ng pagtatanong n'ya sa akin.
Magsasalita na sana ako nang may maramdaman akong humawak sa balikat ko. Mabilis ko itong nilingon at kunot noo ko pang tinignan kung sino ito.
"Hi, babe. Long time no see," malanding bati pa nito sa akin at muling hinaplos ang balikat ko.
"Who are you?" kaagad kong tanong sa kanya. Habang nakikinig lang si Sky sa amin.
"Charlotte, don't you remember me, babe?" tanong nito.
"I don't know you. So, If you don't mind, spare us." Inalis ko pa ang kamay n'ya sa balikat ko. At muling itinuon ang atensyon sa alak na nasa harap ko.
"How dare you–!"
"I know…" malamig kong sambit. Mabilis naman itong umalis sa harap ko at nagmamadaling naglakad palayo.
"Whoa! Kailangan malaman ni Galledo ito! Malaking scoop ito ng taon! Alfred n'yo, tumanggi sa babae! Wow! As in Wow! End of the world na ba?
Pre, may sakit ka ba? Tangina ka! Never ka pang tumanggi sa palay kahit kailan! Ngayon pa lang!" namilog pa ang mata ni Sky. At pinisil n'ya pa ang balikat ko at bahagyang niyuyog.
Kinagat ko pa ang pang ibabang labi ko at saka mataman ko syang tinitigan. "Pre, naranasan mo na ba na…na…" Napakamot pa ako sa batok at nahihiyang tumingin muli kay Sky.
"Na… Na ano? Ayusin mo nga lintik ka! Anong luto mo ba ang kinain mo kagabi at ganyan ka?!" singhal ni Sky at tila excited sa sasabihin ko.
Muli kong tinungga ang hawak kong alak saka ako nagpatuloy sa pagsasalita. Bahala na kung ichismis n'ya ako sa dalawang ugok! Pero sasabihin ko na ito sa kanya. Huminga muna ako ng malalim at hinarap ko si Sky.
"What?!" bulalas ni Sky at sabayan pa ng nakaka lokong tawa ng sabihin ko ang totoong nangyari sa akin. Kaya naman mabilis kong inubos ang alak na hawak ko dahil sa hiya ko sa ka kornihan ko.
"Nasaan na 'yung Fūcking love! I hate commitment! Label is not for me. Huh?" panggagaya pa ni Sky sa mga linya ko noon everytime na pag-uusapan namin ang tungkol sa pakikipag relasyon ko.
Wala naman talaga akong plano sa mga ganitong bagay pero dahil sa misteryosong babae na 'yon, tila ba bumaliktad ang mundo ko. Parang nakita ko na kaagad ang babae na pwede kong makasama sa habangbuhay. Shït I'm dead!