Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka move on sa pagkawala ng bracelet ko. Importante pa naman sa akin 'yon bigay pa kasi ni Daddy sa akin noong last birthday ko. Na kasama ko s'ya. Sobrang iningatan ko 'yon kasi sabi n'ya mumultuhiin n'ya raw ako kapag nawala ko 'yon. "Dad, wag mo akong multuhin hahanapin ko po promise with capital P!" usal ko pa.
Kasalanan kasi ng lalaking chismosa kagabi 'yon! Kalalaking tao marites! Kung hindi n'ya ako ginulat at hinayaan n'ya akong maging scorer edi sana hindi ako tumakbo! At hindi nahulog ang bracelet ko! Kasalanan n'ya talaga 'yon! Bakit naman kasi may umuungol sa loob ng CR? Hindi ba pwedeng mag book sa pinakamalapit na motel? Para nakakasiguro na ang bedsheet ay laging bago char! At sana all na lang talaga! Umuungol kahit hindi aso rawr! Hmmp!
Inis na inis tuloy akong bumangon sa kama. Mabilis ang naging kilos ko kahit pa tamad na tamad akong umalis ngayon. Ganito kasi ako kapag may importante na bagay na nawala sa akin hirap na hirap akong tanggapin. Kaagad kong tinignan ang cellphone ko kung may nakaalala ba na batiin ako ng good morning. Inis kong inihagis pabalik ang cellphone sa kama ng mabasa ko na lahat ng text galing sa mga network company!
"Lord, kailan ako kikiligin na bukod sa pag ihi ang dahilan? At sa lovelife ng iba?" mahinang usal ko habang naglalakad papasok sa loob ng shower room.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Mamu nang makarating ako sa set namin.
"Sign of aging, Mamu," wala sa loob kong sagot. Kaya naman nagtawanan pa ang make up artist namin at iba pang co-models ko.
"Paano pa kami?" tanong ng baklang photographer namin.
"Sign of senior citizenship!" bulalas ko.
"Tse! Bata pa kami!" sabay-sabay nilang sambit.
"Oo, bata tayo kapag may makeup!" natatawa pang sabi ni Mamu. Isa nga pala akong model modelan sa isang clothing company. Hindi naman ganun kabigatin pero maayos naman ang sahod at nakakabili naman ng ulam!
Matapos ang ilang oras na photoshoot namin ay sa wakas, pwede na akong umuwi. Matapos kong mag-alis ng make up at makapagpalit ng damit nagpaalam na rin ako sa kanila. Wala akong planong mag lamyerda ngayon mas gusto kong matulog at mag movie marathon sa bahay ko. Naglalakad na ako palabas nang marinig ko na may tumatawag sa pangalan ko.
"Rheaaaa! Waaait!" Nakita ko pang tumatakbo papunta sa akin si Brent. Isa nga pala s'ya sa male co-models ko at feeling ko may pagnanasa s'ya sa katawan ko! Pero hindi ko s'ya feel maxi feel! Wala kaming spark plug wire yarn? Basta or feeling ko lang babaero s'ya! Close kasi s'ya sa lahat ng babae na co-models ko.
Pero kailangan kong subukan baka naman s'ya na talaga ang kakampag sa natutulog kong matris Well...gwapo naman s'ya at mukhang daks! Parang mapapa get get aw din ako sa kargada n'ya. Ewan ko bakit hindi ko s'ya feel or baka dahil hindi s'ya pasok sa standard ko. Ayaw ko kasi ng masyadong maarte pero, I will try my luck sa kanya malay mo naman maging pakbet na bet ko na s'ya after ng date namin mamaya. Baka papa rawr na rin ako sa wakas!
Hinihingal pa s'ya nang makalapit s'ya sa akin. Saka ngumiti ng matamis na parang asukal na ginawang arnibal! Kaya naman mabilis kong hinawakan ang panty ko na walang garter char!
"Are you free tonight?" nakangiti n'ya pang tanong.
"Hmm, not at all. Why?"
English 'yan! Don't speak english to me my hotdog tomme is in the center of the bread!
"I will invite you sana sa isang dinner. May ipapakilala sana ako sa'yo. Well, ikaw kasi ang pinaka-close ko dito. So, gusto kong makilala ka ng taong mahalaga sa akin."
Shutaaaa meet the parents, relatives, priest, communist, volcanogist, seismologists, zoologists and friends na ba ito?!
"W-why nemen ake? Enebe ke be nekekeheye keye…" pabebe kong tanong habang iniipit ko sa gilid ng tenga ang buhok ko.
Natawa pa s'ya dahil sa ginagawa ko ngayon.
"Like what I said we're close right? I know ikaw ang unang tao na hindi ako huhusgahan sa buhay," seryoso n'ya pang sabi.
"Sure, sige, see you around. Hindi kita matiis! Chat mo ako kung saang place."
"No, I'll pick you up later." Kumindat pa s'ya sa akin. Kaya naman tuluyan nang nahulog sa sahig ang panty ko at mabilis kong pinulot ito.
Pagdating ko sa bahay kaagad kong kinuha ang phone ko upang tawagan si Ate at iballita ang pamamanhikan ni Brent at family n'ya. Isang dial pa lang agad-agad sinagot n'ya hindi rin busy ang Lola.
"Ateeeee! Guess whaaaat?"
"Anooooo?" halata pa sa boses n'ya na excited s'ya sa sasabihin ko.
"Natatandaan mo si Brent? Na kwento ko na s'ya sa'yo before diba?"
"Oo, sabi mo hindi mo feel? O tapos?"
"Ateeee… This is it pansit, sopas, lugaw, mami, at goto! I think gusto ko na s'yaaaa" Tili ko pa.
"Anong hangin ang nalanghap mo at agad-agad nagbago ang isip mo?"
"Naisip ko kasi Ate, baka judgemental na may pagka mental lang ako nung una. Pero now feeling ko s'ya na talaga!"
"Goodluck kapatid! Mukhang may yayanig sa banig na! At wawasak sa kama mo!" biro pa ni Ate kaya naman sabay pa kaming natawa.
"Basta balitaan mo ako mamaya huh!"
"Yes na yes, Ate! Standby ka lang muna dyan sa mga pasyente mo! Byeeeeee…"
Matapos ang ilang minuto namin pag-uusap ni Ate, pumasok na ako sa loob shower room upang maligo at maghilod baka sakaling iyon ang orasyon na mabisa ang pagbabawas ng libag para magka jowa. Matapos kong maligo pakanta kanta pa ako kahit wala sa tono habang naglalakad papunta sa may closet para pumili ng susuotin ko for today's vidyow. Inisa isa ko pa ang damit na naka hanger. At napili ko ang isang black sleeveless dress. Pang malakasan na para maganda ang maging feedback sa akin ng family n'ya. Matapos kong mag ayos ng mukha sakto naman tumawag si Brent para sabihin na nasa baba na s'ya. Pakanta kanta pa ako habang nakasakay sa elevator.
"Hi," nakangiti nyang bati sa akin ng salubungin n'ya ako.
"Hello," pabebe kong sagot.
"Shall we?"
"Yes na yes!" bulalas ko. Kahit pa medyo kabado ako ng very lights off! Pero keri boom boom lang! Sexcited na ako para mamayang gabi feeling ko tonight is the night!
"Rhea, boyfriend ko si Patrick," pakilala ni Brent sa katabi nyang lalaki na buong akala ko ay kapatid n'ya. Shuta naman! Halos pagsilbihan ko pa ito habang kumakain kami! Kaya naman nahulog pa ang mga mata ko sa labis na pagkabigla sa sinabi n'ya kaya mabilis akong tumakbo at hinabol ang eyeball ko sa lupa!
Anak ng pitumput pitong puting tupa! Akala ko may payanig na sa banig! Shutaaaa pareho pala kami ng hanap! Ngayon ko napagtanto kung bakit close s'ya sa mga kababaihan dahil pusong babae rin pala ang lintek!
"Brent…Why?" tanong ko. Tumingin naman s'ya sa akin ng buong pagtataka.
"H-huh?"
"Why oh why? Umasa na akong namoka! Kala ko pa naman ikaw na ang bubukas sa pakwan ko! Eh, mas malandi ka pa pala sa akin!" Kaya naman tumawa pa silang dalawa.
"Sarry na ses…" sambit n'ya pa. Namilog pa ang mga mata ko nang mag halikan sila sa harap ko pa mismo. Kaya naman idinaan ko na lang sa pagkain ang pagkadismaya ng pooh key este puso, atay, at alak alakan ko isama mo pa ang ingrown sa kuko!
"Ateeee! Hotdog ang gusto ni Brent! Ayaw n'ya ng tahong! Ang sakit. Alam mo ba gumapang ako para lang makauwi dito sa sobrang sakit!" eksaherada ko pang kwento kay Ate Thea nang makauwi ako sa condo ko.
"Lalaki na ang kaagaw mo kapatid! Kaya lalo kang mahihirapan humanap! Hindi na lang maganda at sexy ang kalaban mo!" Tumatawa pa rin si Ate. Habang nakasimangot ako sa kanya.
"Ate, kulang na lang ihain ko ang pakwan ko sa harapan n'ya! Kulang na lang buksan ko na agad-agad! Pero bigo akooooo!"
Kaya naman tawang-tawa si Ate sa mga sinasabi ko sa kanya ngayon. Sino ba naman hindi matatawa sa nangyari kanina.
"Pinaasa ako ng mga pasheneya! Akala ko nakahanap na talaga ako ng the one pero anooooo! Anooooo?! Bakla si Brent, Ateeee! I kenat donut,chocnut, peanut!" Nagpagulong gulong pa ako sa kama dahil sa labis na pagkadismaya sa nangyari kanina. Hindi ko akalain na bakla pala si Brent baby! Umasa na ako na may yayanig! Pero mas utak ko ang nayanig.
"Hayaan mo na lang. Baka naman hindi pa ipinapanganak ang para sa'yo or baka nag-aaral pa!" Tumawa pa ring sabi ni Ate.
"Ate, ayaw ko na talaga! Hindi na ako makikipag-date kahit kailan—"
"May kapatid ang classmate ko na single at ka-edaran mo rin. Baka interesado ka?"
"Sino 'yan? Kelan? At saan?" sunod-sunod kong tanong. Na mas lalo pang ikinatawa pa lalo ni Ate.
"Akala ko ba ayaw mo na?" Tumatawa n'ya pang tanong sa akin.
"Nagbago na ang isip ko, Ate!"
Try and try until I find the one! Laban Rhea! Pakwan will be revealed soon!