Mine

1551 Words
Wala sana akong planong umalis ngayong araw pero nag chat si Candy gusto n'ya raw na mag meet kami mamaya. Syempre blessing tatanggi ba ako? Saka ang importante sila ang nakikipaglaro sa akin at hindi ako. Walang pilitan na nangyayari sa amin. Babaero lang ako pero hindi ko ugaling pagsabay-sabayin silang lahat. At nakakalito rin ang mga pangalan nila sa sobrang dami. Kaya naman matapos kong mag tabas ng damo at maglipat ng ibang halaman sa hidden garden ko. Tumigil ako saglit. Pawis na pawis na ang buong katawan ko pero hindi na ako nag abalang punasan pa ito. Isa-isa ko rin silang diniligan para naman hindi sayang ang oras ko ngayon. Matapos ko silang maibaon, madiligan, pumasok na ako sa loob ng bahay upang maligo. Pakanta kanta pa ako habang binabaybay ko ang hagdan paakyat sa kwarto ko. "Hindi naman pwede na ang halaman ko lang ang sagana sa dilig. Syempre dapat pati ang taga dilig!" kausap ko pa sa money tree ko na nasa hallway. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko sa closet ako unang pumunta upang pumili ng damit na susuotin ko ngayon. Inisa isa ko pang tignan ang mga damit ko. Pero sa huli isang blue t-shirt at faded maong pants ang napili ko. Sunod ko naman binuksan ang cabinet ng sapatos ko. Kinuha ko ang isang kulay brown na lace up boots. Mabilis ang ginawa kong paliligo baka mainip ang ka-date ko kapag tinagalan ko pa. Saka mahal ang tubig at ako ang nagbabayad lahat ng bills ko kaya as long as kaya kong tipirin lahat ginagawa ko. Mahigit dalawang taon na rin akong nakatira mag-isa dito. At namumuhay ng tahimik mahirap nang una, pero kinaya ko naman. Kinuha ko ang hair dryer sa ibabaw ng table. Syempre hindi ako umaalis ng bahay na hindi ko ginagamitan ng hair dryer ang buhok ko. Mas komportable akong tuyo ang buhok ko para hindi kaagad kinakapitan ng kung anu-anong amoy at alikabok. Nag spray lang ako ng pabango at mabilis akong bumaba ng kwarto. Isa-isa pa akong nagpaalam sa mga halaman ko baka kasi magtampo sila sa akin. "Be good ladies! Mahal ko kayo…" sambit ko. At bago ako tuluyan lumabas ng bahay nag flying kiss pa ako sa mga halaman ko. Kaya madalas akong tawanan ng dalawa dahil sa pagiging mapagmahal ko sa halaman. Bakit ba mas masarap silang mahalin kesa sa babae. Nakakatakot magmahal at kahit kailan hindi mangyayari 'yon! Dahil walang trapik mabilis akong nakarating sa restaurant. Kaagad akong sinalubong ng receptionist. At mukhang nabiktima kaagad ng mukha ko ang dalaga. Medyo naging malambing ang paraan ng pagtatanong n'ya sa akin at pasimple pang hinawakan ang kamay ko. Kaya naman natawa pa ako ng mahina dahil sa mga ginagawa n'ya. "Table for how many, sir?" "Table for two gorgeous!" Kinindatan ko pa s'ya. Kaya naman halos hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa simple kong pambobola sa kanya. "Y-yes, Sir. T-this way please," nauutal n'ya pang sabi. Not bad, she's pretty and chubby. But may ka date ako ngayon. Kaya sorry Ms. Gorgeous. Pagdating ko nga sa table nagpalinga-linga ako sa paligid. Halos couple lahat ang customers ngayon dito. Ngunit agaw atensyon sa akin ang babaeng nakatalikod mukhang s'ya lang ang walang ka-date ngayon. "Kawawang nilalang." Napailing pa ako habang pinagmamasdan ko s'ya mula dito sa likuran. Habang hinihintay ko si Candy na dumating. Sinipat ko ang relo na suot ko maaga pa naman sa oras na pinag-usapan naming dalawa. "Hi, Nathan," nakangiting bati ni Candy. At yan ang pangalan na sinabi ko sa kanya. "Hi, sweetie. Have a seat." "Thank you. Kanina ka pa ba?" "Sakto lang ang pagdating mo sa buhay ko…" banat ko pa. At mukhang kinilig naman s'ya sa sinabi ko. Marami pa kaming napag-usapan dalawa na kung anu-anong bagay tungkol sa mga sarili namin. Medyo napapansin ko rin na kanina pa syang lingon ng lingon sa paligid. At tila may hinihintay. Hindi ko pinapahalata na na may napapansin ako sa kanyang kakaiba. Pinaka turn off para sa akin ang mga babaeng ikaw ang kaharap, pero iba ang pinapantasya. Sayang ang oras ko ngayon. Matapos namin kumain nagpaalam s'ya na gagamit lang ng comfort room. "Sure. Go ahead," walang gana kong sagot. Pagkaalis n'ya tumawag kaagad ako ng waiter upang mag order ng maraming pagkain. "Sir, lahat po ba ito?" tanong ng waiter sa akin. "Yes, for take out. Pwede bang paki prepare na lahat habang hinihintay ko ang sister ko.Thank you." "Right away, sir!" Hanggang sa makaalis ang waiter hindi pa rin maalis ang ngisi ko sa labi. Never in my life na may gagawa sa akin nito. Mahigit kalahating oras na hindi pa rin bumabalik si Candy. Natawa pa ako sa isiping katulad n'ya rin pala ako. Kaya naman tumayo na ako at sinundan ko s'ya sa comfort room. Mukhang alam ko na ang ginagawa n'ya ngayon sa loob with someone. Malapit na ako sa comfort room nang may nakita akong babae na nasa labas ng pinto at mukhang nakikinig sa nangyayari loob. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kanya. Kahit medyo dim light dito kitang-kita ko pa rin ang ginagawa n'ya pati nga ang maganda nyang legs ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Pinagmamasdan ko lang s'ya at gusto ko pang matawa ng mas lalo nyang ilapit ang tenga sa pinto. Naglakad ako dahan-dahan papunta sa likuran n'ya. Pinigilan kong tumawa nang Isa-isa nyang ulitin lahat ng naririnig n'ya sa loob. Mukhang nagulat pa s'ya ng magsalita ako at mabilis na humarap sa akin habang nakatungo. Para syang bata na nahuli na nagnanakaw ng candy. "Nakailang rounds kaya sila sa loob? Pasado ba ang ungol nila? Sa tingin mo anong posisyon nila?" nakangisi kong tanong. Ngunit imbes na sumagot s'ya sa akin bigla syang kumaripas ng takbo palayo. "Wait…! May itatanong pa ako!" Sigaw ko pa ngunit tuloy-tuloy syang tumakbo. Naiwan naman akong natatawa habang nakatingin sa direksyon n'ya. Sa pagmamadali nyang tumakbo hindi n'ya napansin nahulog ang bracelet n'ya. Kaya naman kaagad kong dinampot ito at pinakatitigan kong mabuti. Isang gold na bracelet ito at may naka ingrave na initial na RCP. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko s'ya nagawang habulin sa labas upang ibalik ito sa kanya. Nang mawala na s'ya sa paningin ko, ako naman ang nakinig sa ginagawang milagro ni Candy sa loob. "Have fun!" sambit ko pa saka ako bumalik sa loob. "Hi, Gorgeous," nakangiti kong bati sa receptionist. "Hi, sir. W-what can I do for you?" "Nasa comfort room pa kasi ang sister ko. But I need to bring all this food in the car. I will wait for her outside. My sister will pay for all of this. Pakibigay na lang sa kanya ang bill. Okay lang ba?" Kinindatan ko pa s'ya at pasimple kong hinaplos ang kamay n'ya. "S-sure, sir." "Thank you, Gorgeous. Hope to see you again," ngumiti pa ako ng ubod ng tamis. Ngayon pa lang nakikita ko na ang magiging reaction n'ya. Kahit naman sinong poncio pilato ang magbayad ng twenty thousand ay sigurado akong uusok ang ilong sa galit. "Tignan natin kung hindi ka maubusan ng pera," mahinang bulong ko pa sa sarili habang naglalakad palabas bitbit ang maraming pagkain. Mabilis akong ipinasok sa loob ng sasakyan ang mga pagkain at saka ako sumakay. Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang susi ng kotse ng may makapa ako. Dinukot ko ito at saka ko tinignan. Napangiti pa ako nang maalala ko si Ms. Legs. May kakaibang damdamin syang napukaw sa akin dahil lang sa pagiging inosente n'ya. Mukhang bata pa rin s'ya at walang alam sa mga bagay-bagay. At pamilyar ang hita n'ya sa akin parang nakita ko na s'ya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Muli kong ibinalik sa loob ng bulsa ko ito at umalis na ako. Nang makalayo ako binagalan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan, upang makahanap ng pwede kong bigyan ng mga pagkain na inorder ko. Sa daan nga nakita ako ng isang mag-anak na nagtutulak ng kariton. Masaya silang nagtatawanan kasama ang dalawa nilang anak. Tumigil ako sa tapat nila at binati ko muna sila. "Para po sa inyo." Sabay abot ko ng mga pagkain. Kitang-kita ko pa ang galak sa mga mukha nila. Lalo na ang mga anak nila ang simple talaga ng kaligayahan ng mga bata. At hindi ko maiwasan hindi mainggit sa kanila. Isang bagay na wala ako na meron sila 'yon ay ang may buo at masayang pamilya. "Salamat po, sir." "Wala pong anuman," magalang kong sagot. Nang makalayo ako muli akong may nakita na pwede ko pang bigyan ng pagkain. "Ilang tao rin ang napakain ng pera ni Candy," sa loob-loob ko pa. Matapos kong ipamigay lahat umuwi na rin ako sa bahay. May pasok pa rin kasi ako kinabukasan kaya hindi na ako nagtagal. Hindi naman nasayang ang date na ito. Bukod sa nakaganti ako sa kanya. Marami pang tao ang nakinabang. Binati ko lang ang mga babae ko saka ako umakyat sa kwarto. Lumapit ako sa isang drawer at kinuha ko ang maliit na box na walang laman, dinukot ko sa bulsa ang bracelet at nilagay sa loob ng box. "Makikita pa ba kita? Anong pangalan mo?" tanong ko habang nakatingin sa box na hawak-hawak ko ngayon. "Ako, muna ang mag-iingat sa'yo. Aalagaan kita hanggang sa magkita tayo, mine ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD