Huli

1654 Words
Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Lola Dorina, maaga talaga akong umalis doon upang iwasan na maging tampulan na naman ng tukso. Kung minsan nakakapikon na rin naman sila, honestly ang sarap nilang ihalo sa lucky me! At lagyan ng sayote! Like GRRRR! Back to malungkot na buhay na naman, bumalik na rin kasi sina Ate sa Italy. May trabaho kasi silang mag-asawa 'don kaya hindi pwedeng matagal sila rito. Pero okay lang open naman ang communication naming dalawa. At anytime nag-uusap kami para mag chismisan sa buhay buhay namin. At saka si Lola Dorina narito pa naman s'ya, wag lang sanang susunod kay Dad at Grandpa. Habang naglalakad hikab pa ako ng hikab dahil sa antok at pagod may munting handaan kasi kagabi para sa mga magtatanim ni Lola. Malayo pa lang tanaw ko na ang katabi kong unit na may binabato na lalaki. Hindi ko naman makita ang mukha nito dahil nakayuko ito habang pinupulot ang mga gamit na hinahagis sa kanya. "Babaero spotted! Buti nga sa'yo! Laban Melissa para sa ekonomiya at agrikultura!" mahinang sambit ko pa habang patuloy ako sa paglalakad. Hinahanap ko pa ang susi sa bag at hindi ko pa kaagad mahanap ito kaya naman tumigil pa ako saglit sa tapat ng pinto ko at yumuko ng bahagya para hanapin muna ito. "Pati ba naman susi nagtatago pa sa akin?" bubulong bulong ko pang sabi. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin, kaya naman binilisan ko ang paghahanap sa susi at nang makita ko hito mabilis kong binuksan ang pinto at walang lingon-lingon sa likuran ko, mabilis akong pumasok sa loob. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon, sure ako sobrang pangit at matanda na ang lalaking 'yon. At saka hindi ako interesado ni hindi ko nga napansin na maganda ang katawan n'ya kahit nakatalikod s'ya at halata na batak sa work out. Malapad ang balikat n'ya at mukhang nananakit ang mga biceps n'ya. At mukha s'ya malinis sa suot nyang white shirt, faded maong pants, hindi ko masyadong napansin ang suot n'ya, pati nga ang white sneakers n'ya, hindi ko rin napansin pati na rin ang black watch na gamit n'ya hindi ko nakita. As in wala akong napansin habang naglalakad ako. At wala naman akong pakialam basta mukha syang babaero period. Mamaya makikipag marites ako sa kapit-bahay ko, at itatanong ko ang tungkol sa lalaking pinalayas n'ya. Pero bago 'yon matutulog muna ako, maaga pa naman. Hindi ako masyadong nakatulog sa bahay ni Lola Dorina. Dahil ginawa n'ya akong serbidora sa mga trabahador n'ya sa bukid. Akala ko pa naman mamumuhay ako bilang isang prinsesa habang nasa bahay n'ya ako. Hindi ko alam na gagawin n'ya akong hostess for today's vidyow! At inutusan n'ya rin akong balatan ang 5 kilo ng patatas. Disney Princess ang nasa isip ko lokal na prinsesa naman pala. Gusto ko pa sanang magreklamo dahil bagong linis ang mga kuko. Hindi yata alam ni Lola na model na ang pinakamaganda nyang apo. Para utusan ako ng kung anu-ano! Nagbihis muna ako ng isang oversized na t-shirt at nagpalit din ako ng panty aba mahirap na baka magtampo ang perlas ng silanganan ko saka ako nahiga sa kama. Pinatong ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa, at wala rin naman nag chachat sa akin. At dahil wala naman akong lakad ngayon pwede akong matulog at magpahinga ng bongga at extra! Pero may plano akong kumain sa labas siguro mamayang gabi na lang, at saka natatamad na rin akong magluto ng hapunan. Sa labis na antok hindi ko namalayan na malalim na pala ang naging tulog ko. Bandang ala sais na ng hapon nang magising ako dahi nakaramdam ako ng gutom. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at dahan-dahan umupo, saka uminat inat bago bumangon sa kama. At tinungo ko ang shower room upang maligo muna bago umalis. Nang matapos akong maligo hindi na ako nag abala pang mag-ayos ng mukha, naglagay lang ako ng lip balm at hinayaan ko lang na nakalugay ang tuwid at hanggang bewang kong buhok. Pumili lang ako ng isang simpleng damit sa closet ko. Isang V neck floral sleeves romper ang napili ko, maraming nagsasabi na ang legs ko ang isa sa magandang asset ko. Kaya naman mahilig akong magsuot ng mga maikling damit. Malay mo naman may magkamali na ligawan ako at goodbye single hello in a relationship! “Lola Dorina, ihanda mo na ang pamana mo! Bibigyan na kita ng labinglimang apo. palatak ko pa sa harap ng salamin. Nang masiyahan na ako sa itsura ko kinuha ko ang bag ko at pinatay ko ang ilaw sa kwarto, saka ako lumabas. Paglabas ko ng unit ko, nasalubong ko pa si Melissa ang tenant sa katabing unit ko. "Sexy!" bati ko. Syempre para may makuha akong tsismis sa kanya. "Hi, Rhea," bati n'ya. "Himala yata narito ka?" takang tanong ko sa kanya. "I'm waiting for someone," tila kinikilig n'ya pang sabi. "Sana all," mahinang bulong ko. "Oh, kaya pala. S'ya ba 'yung kaninang umaga?" tanong ko. Napansin ko pa na sumimangot s'ya at humalukipkip sa tabi. "Nope. Maliit kasi ang alam mo na, kaya pinalayas ko," sabi pa n'ya at sinabayan ng maharot na tawa. Ano bang standard dapat? Mahaba na payat o mataba pero maikli? Ang hirap naman mag boyfriend kailangan alam mo ang size kaagad. Dapat siguro tanong ko muna ang size bago ako magpaligaw. "Totoo ba? Anong size?" tanong ko. Sayang mukha pa naman daks ang likod n'ya. Na scam pala ako. "Three inches," sagot ni Mellisa at sinukat pa sa daliri saka pinakita sa akin. "Mahaba naman pala –" "Gising na 'yon! Kaya kapag nakita mo s'ya iwasan mo!" Paano ko iiwasan hindi ko nga nakita ang mukha! Namilog pa ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya may 3 inches pala talaga. Mukha pa naman syang may paninindigan sa mga daliri pa lang. Tama nga ang kasabihan na don't judge the man by his finger! Ilang minuto pa akong nakipag chismisan sa kapitbahay kong karinderya at nilayasan ko na rin s'ya agad. Kaagad akong binati ng receptionist pagdating ko sa restaurant. "Table for how many, ma'am?" magalang nyang tanong. Tumingin ako sa magkabilang gilid ko bago ako sumagot sa tanong n'ya. "Not two not three, but one thanks," nakangiti kong sagot at sinamahan n'ya na ako sa table ko. Maling desisyon yata ang kumain ako ngayon. Para na rin akong sinaksak ng paulit-ulit dahil sa nakikita ko ngayon. Puro couples ang kumain ngayon. " Anong pakialam ko sa kanila?! Bakit may pambayad naman ako tse!" inis ko pang sambit. Hindi ko namalayan nasa harap ko na pala ang waiter at nakatingin sa akin. "Ma'am, tapos na po ba kayong mainggit sa kanila?" biro pa ng may ka-edaran na waiter kaya naman sabay pa kaming natawa. "Opo, kaya oorder ako ng pinakamahal na pagkain n'yo!" mayabang ko pang sabi "Right away, Ma'am." "Wait...magkano 'yan?" tanong ko. "3500, Ma'am, Wagyu steak specialty ng restaurant namin." "Ikaw naman, hindi na mabiro." Tumawa pa ako. Habang pinapaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay. Jusko isang subo ko lang ganun na kamahal! "Chicken and rice lang ang kaya ko, saka na ang pinakamahal kapag may boyfriend na ako," nakangisi ko pang wika. Kaya naman natawa pa ang waiter bago s'ya umalis sa harap ko. Habang hinihintay ko ang order ko, nagmamasid ako sa paligid. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga sinasabi ng nasa likuran ko. "Yes, baby, eat more. For me, no matter what is your body size you're still the most sexiest girl in my eyes," narinig ko pang sabi ng lalaki sa likuran ko. "Maniwala sa'yo," mahinang komento ko pa. "Really, baby?" tila kinikilig pa ang babae. "Yes, baby, I love the way you are cause you're amazing just the way you are," madamdamin pang sambit ng katabi ko. Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi n'ya. "Bruno Mars ikaw ba 'yan?" mahinang tanong ko. Nakita ko pang tumayo ang babae at niyakap ang lalaki sa likuran ko. "Ang dami talagang uto-uto sa mundo! Very obvious na babaero moves tsk!" hindi ko maiwasang hindi magparinig sa katabi kong table. Nagulat pa ako nang biglang tumayo ang lalaki sa harap ko. "Excuse, Miss, nakikinig ka ba sa usapan namin? Kanina pa kitang naririnig sumasagot sa lahat ng sinasabi ko," inis na tanong ng lalaki sa akin. Tinignan ko naman s'ya habang nainom ako ng iced tea. At tinuro ko pa ang sarili ko. "Ako ba? Hindi kaya! Anong pakialam ko kung lyrics ng kanta ang sinabi mo?! At baby ang tawagan n'yo sa isat-isa. Sorry hindi ako nakikinig." Inirapan ko pa s'ya at saka ako muling nagpatuloy sa pagkain. Bago ako umalis ng restaurant pumunta muna ako sa Comfort Room para gumamit. Naiihi na kasi ako. At nagulat pa ako sa way papunta sa CR medyo madilim ang lights nila. "Nagtitipid ba sila?" wala sa loob na tanong ko habang naglalakad. Papasok na sana ako ng may marinig akong umuungol sa loob kaya natigil ako sa paghakbang at itinapat ko pa ang tenga ko sa pinto, upang makinig sa mga nangyayari sa loob. "Ugh! Yes! Moreeee!" naririnig ko pa mula sa loob at tila hirap na hirap ito. "Anong more kaya 'yon?" muli akong nakinig sa mga nangyayari sa loob. "I'm cu*mming…sh*t!" "Yeah! Give me to me! Ugh…" "Jusko ano kayang ibibigay sa kanya?" tanong ko. Habang palakas ng palakas ang ingay sa loob. Muntik pa akong mapasigaw sa gulat ng may magsalita sa likod ko. "Nakailang rounds sila? Pasado ba ang ungol nila?" tanong ng baritonong tinig. Kaya naman natulos ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakahiya nahuli akong nakikinig. Hindi ko yata kayang makita ang nakahuli sa akin. Kaya naman pagpihit ko, tuloy-tuloy akong tumakbo palabas ng hindi s'ya nililingon. Naririnig ko ang tinatawag n'ya ako, ngunit mabilis akong lumabas ng restaurant. Nakakahiya ka Rhea Czarina Pineda! Ang manyak mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD