Legs

1825 Words
Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa dibdib ko, kaya naman unti-unti akong nagmulat ng mga mata upang silipin ito. Kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pa sanang matulog ay hindi ko magawa. Hinihintay na ako nina Rose, Amira, Debby, at Macy. Hindi ko sila pwedeng hindi puntahan ngayon, baka magtampo sila sa akin. At iwan din nila ako. Kahit isa sa kanila ayaw kong mawala, hindi ko kaya! "Good morning, handsome," bati ng babae na katabi ko ngayon. Kahit pangalan n'ya hindi ko alam basta maganda at mukhang palaban sa kama okay na. Pero maingat ako palagi akong safe sa tuwing nakipagbakbakan ako. Mahirap na baka maging instant Daddy ako ng wala sa oras! At ayaw na ayaw kong mangyari 'yon! Hindi pa ako handang maging ama at wala akong balak sa edad kong thirty-five hindi ko nakikita na magkakaroon ako ng pamilya. Wala akong naging seryosong relasyon madalas one night stand lang. Tawag lang ng laman after that wala na. Hindi ko na sila kilala at hindi na rin nila ako kilala. Pero may naka encountered ako gusto n'ya gawin ko syang girlfriend. Sorry hindi uso sa akin ang label na 'yan! Hindi ako para dyan. Patuloy pa rin s'ya sa ginawang pag haplos sa hubad kong dibdib. Nakilala ko nga pala s'ya kagabi sa isang bar at pareho naman kami ng gusto, kaya nauwi kami sa isang mainit na pagtatalik. Well, nothing new kung nagkasundo kami ng gusto dito lang mauuwi ang lahat. Commitment? Wala akong plano mas masarap ang mabuhay ng walang karelasyon na kalaunan ay nagiging toxic lang din. I hate relationship cause in the end mag kakasakitan lang kayo. Ayaw kong sinasakal ako at pinagbabawalaan sa mga gusto kong gawin. Love? I don't know if it really exists. Para sa katulad kong playboy I never stick sa isang babae lang select and collect ika nga nila. Inalis ko ang kamay n'ya sa dibdib ko at mabilis akong bumangon sa kama at isa-isa kong pinulupot ang nagkalat kong damit sa sahig, habang pinapanood lang ako ng kasama ko sa kwarto. Mabilis akong nagbihis bago ko s'ya muling hinarap. Nagulat pa ako nang muli syang maghubad sa harapan ko at mukhang inaakit pa yata ako, saka naglakad palapit sa akin. Pero hindi ako umuulit sa babae isang beses lang nila akong makakasama sa kama. That's my golden rule. One is enough. "Are you leaving? Stay for a while, handsome..." mapang-akit n'ya pang tanong sa akin, habang nilalaro n'ya ang mayaman nyang dibdib sa harap ko. Pero wala nang epekto pa ang ginagawa n'ya. Once na pinagbigyan ko s'ya baka maging demanding na ito. "Care for one more round, handsome?" tanong n'ya pa. "I'm sorry, Joan, I'm in a hurry-" nagulat pa ako nang sampalin n'ya ako ng malakas sa pisngi at pilit tinutulak palabas ng bahay n'ya. "Bastard! Melissa, not f*****g, Joan! Leave!" Sigaw n'ya saka ako malakas na tinulak palabas ng condo. Sabay hagis ng sapatos at medyas ko. Napamura pa ako ng ibato naman n'ya sa akin ang wallet at tumama pa sa noo ko. "Sh*it! Kasalanan ko ba kung ang dami nila! Kahit ako nalilito na rin!" sambit ko pa habang pinupulot ko ang sapatos ko. At iba ko pang gamit sa sahig. Bigla pa akong napaangat ng tingin nang makita ko ang hita ng babae sa katabing pinto ng unit ni Melissa. "Perfect legs!" mahinang bulalas ko. Nang titignan ko sana ang mukha n'ya, mabilis syang pumasok sa loob. Nanghinayang pa ako at hindi ko man lang nasilayan ang mukha n'ya. Weakness ko talaga ang bilugang hita at magandang dibdib sa babae. "May asawa na kaya s'ya? O boyfriend?" tanong ko pa habang nakatingin ako sa tapat ng pinto ng unit ni Ms. Sexy legs. Napailing pa ako kakatapos ko lang mabato sa ulo, babae na agad ang nasa isip ko. Anong magagawa ko sila naman ang lumalapit sa akin, habang nanahimik ako sa sulok. Iba talaga ang appeal ko pang malakasan. Coming from them, I'm a type of mysterious guy. Kaya naman hindi nila matanggihan ang karisma ko. Tuloy-tuloy akong bumaba upang puntahan na ang kailangan kong diligan naman. Nakagat ko pa ang labi ko, habang iniisip ko kung anong dilig ang gagawin ko sa kanila. Hindi ko naman araw-araw ginagawa 'yon. Syempre may schedule lahat ng mga bagay. Para walang lamangan at inggitan sa kanilang apat at mukhang payag naman sila. Mukhang gustong-gusto nila ang ginagawa ko sa kanila, lalo na sa tuwing hinihimas ko sila. Mabilis silang mabuhayan, napangiti pa ako habang nakatingin sa kamay ko. Kaagad akong bumaba papunta sa parking lot ng condo upang kunin ang sasakyan ko. Wala akong pasok ngayon at hindi ko makikita ang dalawa kong ungas na kaibigan. Isa na si Galledo na mukhang ang lakas ng tama kay Helena. Halos ayaw nang umalis sa bahay sa kakabantay dito. Sa pangalawang pagkakataon nakita kong nabaliw si Galledo sa babae. Palagi ko nga syang insofar, kung hindi ba s'ya natatakot kay Helena? Masyadong matapang ito sa para kanya. Minsan nga natatawa kami ni Sky tuwing dumadalaw kami sa bahay n'ya. Pati gawaing bahay ginagawa na n'ya wag lang mahirapan si Helena. That's bullshit! Nang makita ko ang sasakyan ko kaagad akong sumakay at mabilis kong pinaandar paalis. Nagpatugtog pa ako habang binabaybay ko ang daan pauwi. Bigla naman bumalik sa isip ko ang nakita ko kanina. Legs pa lang pakiramdam ko sumaludo na kaagad ang alaga ko. Parang ang sarap haplusin at halikan pababa ang hita n'ya. Whoa! "Alfred, focus! Puro ka babae!" saway ko pa sa sarili at pinilig ang ulo ko upang alisin sa sistema ko si Ms. Sexy legs. Baka mamaya si St. Peter na ang sumundo sa akin, kapag hindi ko inaayos ang pagmamaneho ko. Napatingin pa ako sa cellphone ko nang tumunog ito. "Sino naman kaya ang aga-agang tumawag sa akin?" tanong ko pa sa hangin. Pinatay ko ang music player at kinuha ko ang wireless headset ko. At kinonect ko sa phone ko, upang makakapag-drive pa rin ako habang nakikipag-usap. "Hello, Galledo, ang aga mong mang-istorbo. Si Sky ang tawagan mo, hindi 'yon busy!" bungad ko sa kabilang linya. "Gago! Tanghali na, baka naman ngayon mo lang binunot yang alaga mo! Magbago ka na babaero! Na-assigned ka lang sa Cebu pagbalik mo dito mas lalo kang naging babaero!" bulyaw n'ya pa sa akin habang natawa. Maging ako natawa rin sa sinabi n'ya. Ilang buwan rin kasi akong nag-stay sa Cebu para sa isang project. Hindi na kasi pwedeng si Galledo ang ipadala dahil reklamador na s'ya ngayon, maging si Sky ayaw din. Isa pang nagmo-move on sa pag-alis ng gf nito. at mukhang nahuhulaan ko na kung bakit tumawag si Galledo, ipupusta ko ang kapitbahay ko, kapag mali ako na si Helena ang dahilan kung bakit s'ya napatawag ngayon. "Pre, si Helena, galit sa akin. May mga nasabi akong hindi maganda. Anong gagawin ko?" tila maiiyak pa si Galledo habang nagkukwento sa akin. Ang laking tao tiklop sa babae tsk! See, si Helena ang problema n'ya! "Hayaan mo s'ya, wag na wag mong susuyuin 'yan! Tayo ang batas, dapat tayo palagi ang masusunod!" mayabang ko pang pahayag. "Paano kung umalis na s'ya dito? P-paano kung iwan n'ya kami," halata pa sa boses ni Galledo na kinakabahan s'ya kaya naman lihim pa akong natawa. "Ano ba kasi ang nangyari? Puro ka kasi init ng ulo! Tapos ngayon kabado kang tarantado ka!" bulalas ko pa. "Hindi ko naman kasi alam, na kaya pala n'ya nagawang magpanggap bilang Mama ni Ysha sa school ay para rin pala sa anak ko." "Ay gago ka, Galledo! Suyuin mo 'yan! Kung hindi ako mismo ang papatay sa'yo!" banta ko pa. "Anong gagawin ko? Tulungan mo akong mag-isip. Hindi n'ya rin ako kinakausap." "Haranahin mo s'ya, lutuan mo ng pagkain. Mag-sorry ka ganun!" "Hindi ako marunong magluto, pero sige bahala na sa lasa." "Oo, puro kain ang alam mo eh!" buska ko pa sa kanya. "Tarantado ikaw 'yon! Kung sino na naman ang natangay mo kagabi! Paalala lang Alfred, baka makahanap ka ng katapat mo…" natatawa pang sabi ni Galledo. "Hindi pa pinapanganak ang magpapatiklop sa akin at hindi naman mangyayari 'yon!" kompyansa ko pang sambit. Sabay pa kaming natawa ni Trevor. Ilang minuto pa kami nag-usap ni Galledo at ibinaba ko na ang tawag. Nang makarating ako sa bahay mabilis kong binuksan ang gate para i-park ang kotse ko. Saka ako muling bumalik sa kotse at pumasok sa garahe. Pinatay ko ang makina at tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay. Napangiti pa ako ng sila agad ang nabungaran ko. Kahit kailan hindi ako magsasawang pagmasdan sila. "Good morning, beauties!" masigla kong bati at isa-isa ko pa silang hinawakan. "I'm sorry I'm late, kamusta kayo dito? Hindi ba kayo nag-away habang wala ako? Macy, hindi mo ba sila sinungitan?" tanong ko habang hinahaplos ko pa s'ya. "Debby, naman bukang-buka na kaagad ang bulaklak mo. Alam na alam mo talaga ang gusto ko!" palatak ko pa. Habang kinikilig pa ako sa pag papakitang gilas n'ya. "Ang sarap n'yo talaga sa mata, gustong-gusto ko na makita na ang mga bulaklak n'yo. Ipakita n'yo na sa akin," nakangiti ko pang sabi. "Ilang buwan na akong naghihintay sa pagbuka n'yo! Matagal pa ba? Si Debby pa lang ang may pagbuka sa inyo. Dyan muna kayo at kukuha lang ako ng tubig at sisimulan ko na kayong diligan." Halaman at bulaklak nga pala ang libangan ko sa buhay. Para sa akin mas masarap pa silang alagaan at mahalin. Bata pa lang ako mahilig na ako sa halaman, sila kasi ang naging taguan ko sa tuwing nag-aaway si Mom at Dad. Long time ago at ayaw ko nang balikan pa. Nagtuloy ako sa kusina upang kunin ang water spray at magsimula ng magdilig sa mga halaman ko. Habang nagdidilig at kausap ko pa ang mga halaman ng biglang may mag-doorbell. Kunot noo pa akong napalingon sa gawi ng pinto. "Wala naman akong inaasahan na bisita, at saka si Ate Azon, bukas pa pupunta upang maglinis," sambit ko pa. Tumigil muna ako sa pagdidilig upang harapin ang tao sa labas. Tamad na tamad pa akong naglakad at ang pinaka ayaw ko na iistorbo ako sa bonding namin ng mga halaman ko. Isang sexy na babae ang bumungad sa harap ko nang pagbuksan ko ito ng gate. Ang agang panganib naman nito! "Mabuti naman at hindi ka nagtago ngayon! Gusto kong sabihin sa'yo buntis ako! At ikaw ang ama!" bulyaw n'ya sa akin. She looks familiar, maybe she's one of my fling. Hindi ko lang alam ang pangalan n'ya. Paano n'ya kaya nalaman ang bahay ko? Bigla naman akong natawa ng nakakaloko. Habang nakatingin ako sa kanya. You want to play game huh! "W-wait...Amanda." "f**k you! Cherry, not Amanda!" pagtatama pa sa pangalan n'ya. "Oh…Cherry, nakakabuntis na ba ngayon kahit nakasuot ng condom?" nakangisi ko pang tanong. Bigla naman syang namuta at mabilis akong tinalikuran. Wrong move, baby! Hindi ako magpapatali sa kahit sino!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD