Kabanata 98 A L I S O N Bumalik ako sa headquarter para mag report sa aming officer. Isinantabi ko muna lahat ng nararamdaman ko. Dumiretso ako dito kahit na nasa ibaba lang ng unit ni Blake ang condo na tinutuluyan ko. Ayokong magpahinga muna pagkatapos ng mga nangyari, kahit na pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa mga nangyaring iyon. Sa lahat-lahat. Mula sa pamamaril na nangyari sa party hanggang sa naging pagtatalo naming dalawa ni Blake. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi din ako makakapagpahinga ng maayos pagkatapos ng sagutan naming iyon. Baka pa isipin ko lang ng isipin ang mga nangyari kanina. Hindi lang din ako matatahimik kaya dumiretso na ako dito. Noon para makalimot ako sa sakit, binubuhos ko sa ibang bagay ang atensyon ko. Para hindi ko na patuloy na maisip ang mga bag

