Kabanata 44 A L I S O N Sabay kaming nagtungo ni Blake sa Business Department. Naisip ko lang na puntahan si Thalia since halos hindi na din kami nakakapag-usap. Magkikita dapat kami noong isang araw kaya lang hindi siya natuloy dahil may biglaan daw siyang lakad. Nagme-message naman kami sa social media pero sandali lang iyon dahil hindi din naman talaga ako nagbababad sa phone. Mas gusto ko pang magbasa kaysa mag-scroll sa social media na puro ka-toxic-an lang naman mayroon. Nagkalat pa ang mga fake news doon. Kaya tuloy kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ng ibang mga kabataan. Sumulyap ako kay Blake. Napangisi ako nang makitang nakasukbit sa balikat niya ang bag ko. Nahuli niya ang tingin ko kaya agad akong sumimangot. Nagsalubong ang kilay ko. "Pumasok ka na sa next subject

