Kabanata 94 A L I S O N Para maisagawa namin ang planong paghihiganti kay Vicente Faulkner kailangan ko munang makapasok sa security team ng pamilya niya. Kailangan kong maging malapit sa kanya para maisagawa ko ang aking misyon na pabagsakin siya at kung pumalpak man akong ilabas lahat ng tinatago niyang kasamaan, pwedeng-pwede ko siyang patayin na lang. Kung hindi ko magagawa ng maayos ang misyon, papatayin ko na lang siya o ang pamilya niya para patas naman kami. Pinatay niya ang mga mahal namin sa buhay ng walang kalaban-laban, kaya bakit naman ako magdadalawang isip na patayin din ang mga mahal niya sa buhay? Oo, alam kong wala silang kinalaman dito. Hindi nila kasalanan kung ano ang ginawa ng taong iyon sa pamilya ko, at wala sa plano kong patayin sila pero hindi ko din masasab

