Kabanata 95 A L I S O N Katatapos ko lang kumain sa isang restaurant at paakyat na ako ngayon sa unit ko. May nakasabay pa akong mag boyfriend sa elevator na parang naka-inom na. Naghahalikan na sila nang pumasok ako sa elevator at amoy alak na din pareho. Nakita ko pang kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay ng babae na para bang wala ng pakialam kung may makakita sa kanilang ganito. Gumilid agad ako para hindi ko na sila maistorbo sa ginagawa nilang paglalampungan. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang mga mayayaman, kung saan saan na lang. Wala ng pinipiling lugar at wala na ding pakialam kung may makakita pa sa mga pinaggagawa nila. Akala yata ng mga ito pag-aari nila ang mundo kaya kung saan na lang abutan, doon na gagawin. Napailing ako sa naisip. Hindi ko na dapat pang pin

