041

2408 Words

Kabanata 41 A L I S O N Natapos kaming mag-lunch nang walang Blake Faulkner na nagpapakita o kahit nagpaparamdam man lang. Ang tingin ng mga estudyante sa amin habang kumakain ay tulad pa din ng tingin nila kanina nang sabay kaming pumasok. Mabilis ding kumalat ang tsismis na pinagpalit ko daw si Blake kay Kenzo. Mabuti na lang at tulad ko halos wala ding pakialam si Kenzo sa mga kumakalat na gano'n. Masyado siyang busy na tao para patulan pa ang mga issue na tulad no'n. Gano'n din ako. Pero hindi ko alam kung bakit kahit wala naman akong pakialam sa mga tsismis na 'yan ay parang hindi pa din ako mapakali. Naiinis ako sa isipin na mas naniniwala pa talaga ang mga tao na ako ang magtataksil sa Blake na iyon. Kung sa bagay, ako itong nakita nilang may ibang kasamang lalaki. Pero kahit na!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD