Kabanata 42 A L I S O N Nang mag-text si Blake na nakauwi na daw siya ay agad na din naman akong natulog. Mahimbing ang naging tulog ko sa gabing iyon. Ngayon na lang yata ulit ako nakatulog agad. Nitong mga nakakaraang araw kasi ay masyadong okupado ang isip ko ng kung ano-anong bagay. Kaya hindi agad ako nakakatulog. Ngayon lang yata natahimik ang isip ko sa mga iniisip nitong mga nagdaang araw. Sunod na araw, maaga akong nagising at maaga ding naghanda. Kaya medyo nagulat ako nang makita si Blake sa labas ng bahay. Sobrang aga pa. Ibig sabihin mas maaga siyang gumising at naghanda kaysa sa akin dahil bumyahe pa siya papunta dito mula Antipolo. Kung sa bagay wala pa namang traffic kapag ganitong maaga pa. Hindi katulad kagabi na mukhang pagod at antok na siya, ngayon ay maaliwalas n

