Kabanata 47 A L I S O N Sobrang sama ng pakiramdam ko kinabukasan. Pilitin ko mang bumangon para pumasok ay hindi ko talaga magawa. Nanlalambot ang katawan ko at nahihilo ako kapag sinusubukan kong tumayo o kahit bumangon man lang. Ito na nga yata ang resulta ng pagpapaulan namin kahapon ni Blake. Masyado naming in-enjoy ang ulan, kaya ito tuloy. Hindi ako makakapasok ngayong araw. Next week pa naman na ang exam. Baka naman bumaba ang grades ko nito. Nang pumasok kasi si mama dito sa kwarto ko at nalaman niyang may sakit ako ay hindi na niya ako pinapasok pa. S'yempre pinagalitan ulit. Tinanggap ko lang iyon dahil alam kong may pagkakamali ako sa nangyari na ito sa akin. Ang iniisip ko lang talaga noon ay ang magiging grades ko kung hindi ako makakapasok ngayong araw. Madalas kasi bago

