Kabanata 46 A L I S O N Pinagalitan kami ni mama pag-uwi sa bahay. S'yempre ako ang mas pinuntirya niya ng sermon dahil ako ang anak niya. Naligo agad ako pagkauwi pero binilisan ko lang dahil kailangan ding magpalit ni Blake ng damit. Habang naliligo siya ay hinanapan ko na din siya ng maisusuot sa damitan ni papa. May kakasya naman siguro sa kanya doon. Huwag lang sana siyang magreklamo dahil hindi mamahalin ang mga damit ni papa dito. Maiintindihan naman siguro niya 'yon dahil hindi naman kami mayaman tulad nila. Simple lang ang buhay namin kompara sa buhay na mayroon siya. Nakakatuwa lang malaman na kahit pala lumaki sa mayamang pamilya si Blake, naranasan niya ding magtampisaw sa ulan noong bata siya. May iba kasing mayayaman d'yan na masyadong health conscious. Hindi ko naman sila

