Kabanata 111 A L I S O N "Hindi ka na sabi dapat nag-aabala pa. Ano bang tingin mo sa akin, Blake? Hindi kayang alagaan ang sarili ko?" Iritadong sabi ko nang mailapag namin ang mga inorder niya sa dining table. Binalingan niya ako ng may blankong ekspresyon. Hindi ko tuloy malaman kung ano bang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung naiinis ba siya o ano. Basta nang bumaling siya sa akin ay wala akong mabasang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata. "Kung ayaw mo, iwanan mo na lang 'yan d'yan. Papasok na ako," malamig niyang sabi bago ako tinalikuran at umalis na ng kusina. Iritado ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Napabuntong hininga na lamang ako nang maiwan muli mag-isa sa dining area. Tinignan ko ang mga pagkaing in-order niy

