Kabanata 110 A L I S O N Nagpaalam si Matt para tawagin si Thalia dahil nakapag-usap naman na kami at nagkapatawaran. Ako naman ay nagpaalam din na titingnan si Blake sa labas, alam ko naman na hindi niya ako tatakasan pero s’yempre tungkulin ko pa din na bantayan siya at sundan. Naabutan ko siya sa labas lang ng front door, nakasandal siya sa pader malapit sa pinto na para bang inip na inip. Nang makita niya ako ay agad siyang umayos ng pagkakatayo. “Bakit ka lumabas?” agad na tanong ko, pero binaliwala lamang niya ang tanong ko. “Tapos na ba kayong mag-usap?” Tumango ako. “Tinawag niya lang si Thalia. Inimbitahan niya tayong dito na mananghalian. Pero nasa sa’yo iyon kung papayag ka, o baka may lakad ka pa?” Umiling si Blake. “Wala akong lakad at wala din akong gagawin.” Tuman

