Kabanata 52 A L I S O N “Nasaan ka? Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Nandito ako ngayon sa bahay niyo. Ang sabi ng mama mo kanina ka pa daw umalis ng bahay. Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala na sa’yo? Nasaan ka? Pupuntahan kita d’yan,” sunod-sunod na sabi ni Blake. Suminghap ako bago naisipang sumagot. “Pasensya na, Blake. Sa ibang araw na lang natin ituloy ‘yong lakad. Hindi ako pwede ngayon.” “Bakit hindi? Nasaan ka ba? At bakit ba hindi ka sumasagot ng tawag?” Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit parang nag-aalangan akong sabihin sa kanya kung nasaan ako, kung anong ginagawa ko dito at kung sino ang kasama ko. Siguro dahil alam kong magseselos nanaman siya kapag sinabi ko kung sino ang kasama ko. “Nagkaroon lang ng e

