Kabanata 53 A L I S O N Pagdating sa bahay, inasahan ko nang hindi ko na aabutan si Blake doon. Sa maliit na pagtatalo namin sa phone kanina, magugulat talaga ako kung nandito pa siya. Hinanap ko agad si mama para ibalita sa kanya ang nangyari sa mga magulang ni Kenzo. S’yempre sobrang nag-aalala si mama dahil matagal na niyang kaibigan ang mga iyon. Hindi pa kami naipapanganak ni Kenzo ay magkakilala na ang mga magulang namin at matalik ng magkaibigan ang mga ito. Kaya alam kong sobra din ang pag-aalala ni mama ngayon sa nalaman niya. Bukas na bukas nga raw ay tutungo siya roon para tumulong sa pagbabantay. Naawa din siya sa kalagayan ni Kenzo, may exam pa naman kami bukas. “Anak, ikaw lang ang masasandalan ni Kenzo sa mga oras na ganito, huwag mo siyang bibiguin,” seryosong sabi ni ma

