Kabanata 54 A L I S O N Natapos ang araw na iyon ng wala namang nangyayaring hindi maganda. Nakasagot naman ako ng maayos sa mga exam kahit na okupado ang isipan ko ng maraming bagay. Nagsabay kaming umuwi ni Kenzo dahil didiretso siya sa hospital at balak ko ding bumisita doon. Naroon doon din kasi si mama kaya sasabay na lang din ako sa kanyang umuwi mamaya. Kaya lang hindi siya pumayag na umuwi sa araw na iyon. Sa halip ay pinauwi niya si Kenzo para makapagpahinga ito ng maayos. Siya na raw muna ang bahalang magbantay sa mga magulang ni Kenzo kasama ang auntie nito. Mahirap kasing nag-iisa lang ang auntie niya sa pagbabantay sa dalawa kaya nagpaiwan na si mama. Naaawa naman siya kay Kenzo kung ito pa din ang sasama sa tiyahin na magbantay gayong may exam pa kami bukas. Mabuti na lan

