Kabanata 104 A L I S O N Isa lang ang nasa isip ko sa mga oras na iyon. Nahihibang na ang lalaking ito. Bakit pa ako ang pinipili niya kung marami naman siyang pwedeng pagpilian? Hindi ba siya natatakot na baka saktan ko lang siya o iwanan? Hindi ba siya nadala sa ginawa ko noon sa kanya at gusto niya pa din talaga ako pagkatapos ng lahat ng nangyari? Pagkatapos ko siyang iwan ng basta-basta at limang taong hindi nagpakita? After five fvcking years hindi ako makapaniwala na ako pa din. Na hanggang ngayon mahal niya pa din ako kahit limang taon akong hindi manlang nagparamdam sa kanya kahit minsan. Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Sobra akong namangha sa mga inamin niya. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng nangyari narito siya ngayon s

