Kabanata 103 A L I S O N "Huwag kang mag-alala, hindi mangyayari ang kinatatakot mo. Hinding-hindi na ako makikipagbalikan sa kanya. Ang seguridad niya lang ang iniisip ko ngayon wala ng iba pa." Tumango si Camila. "Salamat sa pang-unawa, Alison." Pagkatapos no'n ay iniwan na din agad ako ni Camila. Bumuntong hininga ako nang makaalis siya ng tuluyan. "Bakit hindi ka na lang manatili sa mansyon niyo? Mas madami ang security doon. Mas ligtas ka," sabi ko habang pasakay ng sasakyan ni Blake. After naming mag dinner ay napagdesisyonan ni Blake na umuwi na kami sa condo niya. At bukas na lang ulit kami ng tanghali bibisita dito. Tinignan ako ng sandali ni Blake bago sinimulang paandarin ang sasakyan. Nang makalabas na kami ng tuluyan sa bakuran ng kanilang mansyon ay saka niya sinagot

