003

1730 Words
Kabanata 3 A L I S O N "Saan mo ba ako dadalhin?" naiiritang tanong ko habang nagmamaneo siya. Tumaas ang kilay ko nang makita ang ngisi sa mga labi niya habang nakatutok sa daan ang tingin. Hindi ko yata gusto ang ngiti niyang ito. Kung makangisi siya parang may binabalak siyang hindi maganda. Baka mamaya serial killer pala ang isang ito. Mukha pa naman siyang may tama sa utak. Baka kung anong gawin sa akin nito, ah. Hindi naman porque gwapo siya ay imposible na siyang maging kriminal. Paano kung baliw pala talaga 'to? "Pwede ba tumigil ka sa ngisi mo at kinakabahan ako sa'yo," pairap na sabi ko. Humalakhak siya na para bang sobrang nakakatuwa ang sinabi ko. "Bakit, ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo, at saan kita dadalhin?" "Aba, malay ko sa'yo! Ikaw ang nagmamaneho riyan, bakit ako ang tatanongin mo?" Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi lang pala hambog ang isang 'to, may pagkatanga din. Siya ang nagmamaneho tapos sa akin itatanong kung saan kami pupunta. Sapilitan nga lang niya akong ipinasok dito sa sasakyan niya, eh! "Ang sungit talaga," aniya habang napapailing. Tumaas ang kilay ko at inirapan siya. "Ganito ka ba talaga sa mga nagiging babae mo? Namimilit?" Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "Kahit kailan wala akong pinilit na babae. Wala akong ginawa sa kanila na hindi nila nagustuhan." Tumagilid ako para maharap ko siya ng maayos. Bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya habang tinititigan siya. "Tsk! Babe, huwag ngayon. Nagmamaneho pa ako," aniya kaya agad akong lumayo sa kanya. Nandidiring tinignan ko lang siya. Anong iniisip ng isang 'to? Hahalikan ko siya? Asa siya! "Tinitignan ko lang kung ilang layer ng semento ang ipinatong riyan sa mukha mo at masiyado yatang nakapalan. O baka naman pina-aspalto mo 'yan?" Tumawa siya habang naiiling. Sinimangutan ko siya. "Ginawa mo namang kalsada 'tong mukha ko, babe." "Babe mo mukha mo, unggoy!" Mas lalong lumakas ang tawa niya. "O, ngayon naman unggoy." "Bakit? Mukha ka naman talagang unggoy, ah?" Ngumisi siya at sandaling nilingon ako. Tumaas ang dalawang kilay niya at bahagyang itinagilid ang ulo. "Really? Itong mukhang 'to, mukhang unggoy para sa'yo?" "O, bakit, iiyak ka na?" nakangising pang-aasar ko din sa kanya. "Bawas-bawasan mo nga ang pagtataray mo. Halikan kita riyan, eh," halos pabulong niyang sinabi ang huling pangungusap. Umirap ako sa kawalan. "Subukan mo nang may dahilan naman ako para basagin 'yang pagmumukha mo." "Hindi mo kaya," aniya punong-puno ng kompiyansa sa sarili. Tinitigan ko siya ng masama. Hinahamon ba ako nito? "Naka-aspalto na, di ba?" nakangising turan niya. Umikot ang mga mata ko. Damn! Kumukulo talaga ang dugo ko sa bwisit na 'to! Puro kalokohan ang laman ng utak. Kung sabagay, ano nga naman ba ang aasahan ko sa isang babaerong tulad niya. Malamang puro kabalastugan lang din laman ng kukote niya. Masiyado yatang na-spoiled ng mga magulang noong bata pa siya kaya lumaking arogante. "Magmaneho ka na lang nang matapos na 'to," tamad na sabi ko. "Hindi pa nga tayo nag-uumpisa gusto mo na agad matapos 'to?" "Ano ba kasi talagang gusto mo sa akin?" Tumaas ang kilay ko at seryoso siyang tinitigan. Nag-init ang dugo ko nang pasadahan niya ng tingin ang katawan ko at huminto iyon sa dibdib ko. Agad akong napayakap sa sarili ko upang takpan ang dibdib kong tinitignan niya. "Anong tinitingin-tingin mo? Bastos ka, ah!" sigaw ko sabay hampas sa braso niya. "Aray ko! Masakit 'yon, ah! Gawa ba sa bakal 'yang kamay mo at ang bigat?" "Manyak ka kasi! Kung saan-saan dumadapo 'yang mata mo. Kung tusukin ko kaya 'yan!" iritadong bulyaw ko habang matalim ang tingin na binibigay ko sa kanya. Umiling-iling siya. "Anong manyak? Ikaw nga itong bigla na lang nanghahawak diyan. Baka ikaw ang manyak! Pahampas-hampas ka pa gusto mo lang akong hipuan." Aba't! Ang kapal talaga ng pagmumukha ng unggoy na ito! Hindi pa nga siguro siya natatanggihan ng babae kaya ganito kalaki ang ulo. Pwes, ibahin niya ako sa mga babae niya dahil hindi ako uto-uto. "Hoy, unggoy! Huwag mo nga akong itulad sa mga babaeng baliw na baliw sa'yo. Hindi pa ko nasisiraan ng ulo para magkagusto sa isang tulad mo, 'no?" Nagsalubong ang kilay niya at sandali akong binalingan bago muling ibinalik ang tingin sa daan. "Tumigil ka nga sa pagtawag sa akin ng ganyan." "O, bakit? Anong problema mo? Napipikon ka? Iiyak ka na?" Ngumisi siya at muling bumaling sa akin. "Gusto mo ikaw paiyakin ko, eh," aniya habang may makahulugang ngisi sa labi. "Huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong iiyak ka sa sarap." Pinanlakihan ko siya ng mata. Bastos talaga 'tong unggoy na 'to, eh! Gusto pa yata akong itulad sa mga babaeng nadala niya sa kama niya. Patikimin ko kaya ng sampal 'to? "Ang bastos mo talaga, ano? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mong rumespeto ng babae?" Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako. “O baka naman wala ng pakialam sa’yo ang mga magulang mo kaya kung kani-kanino ka na lang nagpapapansin,” tuloy-tuloy na sabi ko. Agad niyang hininto ang sasakyan. Tumaas ang dalawang kilay ko nang bumaling siya sa akin. Madilim na ang kanyang mga mata at wala na ang ngisi sa kanyang labi. “Baba,” malamig niyang sabi. Kumunot ang noo ko at tumingin sa labas ng sasakyan. Nasa gitna kami ng highway at dito niya pa talaga ako naisipang pababain? Gago talaga ‘tong lalaking ito. Gustong-gusto ko siyang batukan sa inis pero may kung ano sa titig niya na hindi ko magawang tagalan. Bumuntong hininga ako bago siya matalim na binalingan. “Jerk!” untag ko bago mabilis na bumaba sa sasakyan niya. Agad niya iyong pinaandar ng mabilis pagkababa ko. “Siraulo! Bwisit!” sigaw ko sa inis. Ang kapal din ng mukha ng lalaking iyon, eh. Pagkatapos niya akong piliting isakay sa sasakyan niya, bigla na lang niya akong ibababa sa gitna ng kalsada. Siraulo nga talaga. Kumuyom ang mga palad ko sa inis. Para akong sasabog sa inis. Kasalanan ‘to ng Matteo na ‘yon, eh. Pag nakita ko talaga ang brutong ‘yon, sasakalin ko siya. Ipagkanulo ba naman ako sa abnormal na lalaking ‘yon. Sa dinamirami ng lalaki sa campus doon pa talaga? Hindi niya ba nakikitang baliw ang lalaking ‘yon? Napailing ako sa inis at nagsimula nang maglakad pauwi. Humanda sa akin ang Blake na iyon kapag nakita ko ulit siya. Makakatikim siya sa akin. “Alison?” Natigil ako sa paglalakad nang may huminto sa gilid kong motorsiklo. Bumaling ako kay Kenzo na sinisimulan nang hubarin ang helmet niya. Agad akong ngumiti kahit badtrip pa din ako dahil sa nangyari. “Ikaw pala Kenzo.” “Naglalakad ka lang?” tanong niya. Nakakunot ang noo. Tumango ako. “Uh, oo. Naisip ko lang maglakad,” sabi ko, nakangiti pa din. “Malayo pa ang inyo, di ba? Ihahatid na kita,” alok niya. Agad akong tumango. Ayoko naman siyang tanggihan dahil hindi na rin naman iba sa akin si Kenzo. Kaibigan na rin ang tingin ko sa kanya kahit bago pa man siya magtapat sa akin noon. Pero siguro naman kung ano iyong nararamdaman niya sa akin noon ay nakalimutan na niya ngayon. Medyo matagal na rin naman kasi iyon. Inabot niya sa akin ang helmet niya na agad kong tinanggihan. “Hindi na. Sa’yo na ‘yan. Nakikisakay na nga lang ako, eh,” sabi ko pero umiling siya at walang pasabing isinuot sa akin ang helmet niya. Hinayaan ko na lang dahil alam ko namang hindi rin papatalo ang isang ito. “Salamat, Ken. Libre na lang kita ng lunch bukas,” sabi ko habang bumababa sa motor niya. Sandali lang naman ang naging biyahe namin dahil nakamotor naman siya. “Sige, sabi mo ‘yan, ah. Aasahan ko ‘yan bukas.” Ngumisi ako at tumango. “Oo naman.” Natigilan ako nang lumapit siya sa akin at dahan-dahang hinubad ang helmet niya sa akin. Ngumiti siya pagkatapos at nagpaalam na rin naman agad. Tinatanaw ko pa ang motor niyang papalayo nang may biglang magsalita sa gilid ko. “O, bakit si Kenzo ang naghatid sa iyo? Sabi ni Matteo may date daw kayo ni Blake.” Halos mapatalon ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni Thalia sa tabi ko. “Dyos ko ka naman, Thalia! Papatayin mo ba ako sa gulat?” Nagkibit balikat siya. Umirap ako. “Sabihin mo sa gago mong kakambal humanda siya sa akin kapag nakita ko ang pagmumukha niya sa school. Sasakalin ko talaga siya.” Tumawa si Thalia. Pumasok na ako sa bahay habang nakasunod naman sa akin ang kaibigan ko. Dumiretsyo ako sa kusina nang maamoy ko ang niluluto ni nanay. Nagmano lang ako sa kanya at umakyat na din sa kwarto ko. Nakasunod pa din sa akin si Thalia. “Bakit, ano bang nangyari sa date niyo?” Napairap ako sa tanong ng kaibigan ko. “Anong date ang sinasabi mo? Sapilitan kaya akong hinila ng lalaking ‘yon sa sasakyan niya. Tingin mo ba kusa akong sasama sa baliw na iyon? Teka, bakit parang may alam ka?” Agad siyang ngumuso at umiling. “Wala, ah. Nakita ko lang kayo kanina.” Naningkit ang mga mata ko at seryosong tinitigan ang mga mata niya. “Talaga? Baka naman may alam ka sa mga pinaggagawa ng kambal mo?” nang-aakusang sabi ko. “Wala ‘no! Ano ba kasing nangyari? Nakita kong pumasok ka sa sasakyan niya kaya bakit biglang si Kenzo na iyong kasama mo? Hindi natuloy ang date niyo dahil pinigilan ni Kenzo?” Umiling ako. “Huwag mo nang tanongin, Thalia at naiinis lang ako kapag naalala ko kung anong nangyari kanina. Ang unggoy na iyon! May araw din siya sa akin.” Sumimangot si Thalia at pinahaba pa ang nguso. Napailing ako sa kaibigan ko. “Ang daya naman! Ayaw magkwento.” Hindi ako kumibo. “Ano ba kasing nangyari. Huwag mo sabihing… oh my gosh!” eksaheradang napatakip siya sa kanyang bibig. “Hinalikan ka niya, ano?” Nanlalaki ang mga mata niya. “Kung hinalikan niya ako, eh di sana basag na mukha niya ngayon,” pairap kong sabi. Kumunot ang noo ni Thalia. “Eh, ano nga kasing nangyari? Bakit ayaw mong magkwento? Nakakatampo ka naman!” Seriously? Bumuntong hininga ako at wala ng nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD