007

1060 Words
Kabanata 7 A L I S O N Lunch break nang puntahan ko si Nathalia sa building nila. Ang sabi niya kasi magsasabay kami dahil may sasabihin daw siya sa akin. Habang naglalakad ako papasok sa Business Management Department ay kung sino-sino ang tumatawag sa akin para bumati. Mga dating kaklase at kakilala ko noon sa high school. Nginingitian ko lang sila at nagpapatuloy na din naman sa paglalakad. Ang dami pala naming kaklase ni Nathalia noong high school na narito. Kaya pala parang ang saya-saya niya dito. “Uy, sí Guevara!” Napalingon ako sa grupo ng mga lalaki na agad lumapit sa akin, agad din naman akong huminto sa paglalakad para maharap sila. Kaklase ko din ang mga ito noong high school, nakakatuwa lang na makita sila dito na magkakasama pa din. Kahit sa pagkuha ng kurso, hindi talaga sila naghiwa-hiwalay. Kaming dalawa din noon ni Nathalia, gusto sana namin na parehong kurso ang kuhanin, kaya lang gusto ng parents niya na mag business siya dahil may business ang pamilya nila. Sila papa naman gusto talaga akong maging nurse. Kaya ayun, nagkahiwalay tuloy kami ng kaibigan ko. Pero ayos lang naman ‘yon dahil palagi pa din naman kaming nagkikita. Lagi nga siyang nasa bahay. Minsan doon pa siya nakikitulog. Nakikitulog din ako minsan sa kanila dahil hindi naman masyadong istrikto ang mga magulang naming pareho. Mabait sa akin ang mga magulang ng kambal at ganoon din naman ang mga magulang ko sa kanila. “Uy, kayo pala,” bati ko nang makalapit sila ng tuluyan sa akin. “Lalong gumaganda, ah?” ani Vince, ang pinakakasundo ko sa kanilang grupo. Ngumisi ako at umiling. “May bago ba?” Nagtawanan sila sa naging sagot ko. “Iba ka talaga, Guevara!” anang isa. Ngumisi lang ako lalo. “Mag nu-nurse ka pala?” ani Vince ulit nang mapansin ang suot kong uniform. Agad akong tumango. “Bakit may problema ka?” Tumawa siya. “Baka imbes na gamutin mo ‘yong may sakit, mabalian mo pa ng buto,” pangangantyaw na sinabayan naman ng mga kasama niya. Napailing ako pero hindi pa din nawawala ang ngisi. “Ikaw talaga, joke ba ‘yon?” Tinapik ko ng malakas ang braso niya sa pabirong paraan. Agad naman siyang napadaing sa ginawa ko. “Aray ko! Kita mo na! Paano ka mag nu-nurse niyan, eh, ang bigat ng kamay mo?” naiiling niyang sabi. Tumawa ulit ang mga kasamahan niya. “Eh di, good luck na lang sa magiging pasyente ko.” “Akala ko mag la-law ka. Bagay sa’yo ‘yon,” ani Chris. “Okay lang naman, basta ikaw magpapaaral sa akin.” “Pwede din, basta girlfriend na kita,” nakangising balik niya. Naghiyawan ang mga kasamahan niya sa naging banat niya. Umiling ako at inirapan siya. “Basta ba ‘yong ipapaaral mo sa akin, eh, galing sa sariling bulsa mo at hindi sa bulsa ng mga magulang mo.” Naghiyawang muli ang mga kasama niya. Nang lumingon ako sa paligid namin ay pinagtitinginan na kami ng ibang mga business management students. Napakamot sa kanyang batok si Chris. Akala ko susuko na agad siya sa tuksuhan namin pero akalain mong humirit pa talaga ng isa. “Ayos lang. Papasukin ko kahit anong trabaho, mapasa akin ka lang.” “Wooh!” Hiyawan ulit mula sa mga kaibigan niyang mga baliw. Nakisabay na lang ako sa tawa nila. Sanay naman na ako sa ganitong trip nila. High school pa lang kami ganito na talaga sila kahit noong nag senior high kami. Palagi nila akong tinutukso na pupormahan pero alam naman nila na hindi ko sila papatulan. Kaya dinadaan na lang nila sa biruan. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, pero sa totoo lang marami nang nagtangkang pumorma sa akin. Hindi ko lang talaga hilig ang pakikipagrelasyon. At hindi din naman kasi iyon ang priority ko. Tulad nga ng sabi ko, marami akong pangarap sa buhay at iyon ang pinakapinapahalagahan ko. Syempre ang pamilya ko na din. Sila ang unang-una sa priority ko, hindi ang pag-bo-boyfriend na iyan. May tamang oras at panahon para diyan. Habang nakikipagtawanan ako sa grupo nina Vince ay may kamay na biglang dumapo sa baywang ko. Agad akong nag-angat ng tingin kay Blake Faulkner. Oh, s**t! Hindi na siya naka-jersey ngayon tulad ng madalas kong makitang suot niya. Ngayon kasi naka business management uniform na siya, pero mas yumabang lang ang dating niya para sa akin. Nakangisi pa siya nang lingonin ko. Ang kapal talaga ng mukha ng isang ito. Business management student din pala siya. Bakit kaya hindi sinabi sa akin ni Nathalia ito? Kung alam ko lang hindi na sana ako nagpunta dito, pero teka lang… Bakit ko siya iiwasan? Para namang may pakialam ako sa kanya. Pero kasi nakakasira na siya ng araw, eh. Sinira na niya ang umaga ko pati ba naman ngayong lunch maninira pa din siya ng mood? Wala ba siyang ibang alam gawin kundi ang manira ng araw? “Mukhang dinadalaw ako ng babe ko, ah?” aniya habang may ngising naglalaro sa kanyang mga labi. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata ng mga dati kong kaklase. Akala siguro nila totoo ang sinasabi ng lintek na Blake na ito. Na boyfriend ko siya. Asa naman siya. “Girlfriend mo si Alison, Blake?” si Vince ang unang nangahas na magtanong. Mabilis kong inalis ang kamay ni Blake sa baywang ko at bago pa siya makasagot sa tanong na iyon ni Vince ay inunahan ko na siya. “Of course not! Tingin mo ba papatol ako sa mukhang unggoy na ‘yan?” may kalakasang sabi ko habang matalim ang titig na ibinibigay kay Blake. Sa lakas ng pagkakasabi ko noon, batid kong narinig din ako ng ibang mga studyanteng dumadaan sa hallway. Agad nagsalubong ang mga kilay niya. Batid ko ang iritasyon sa titig niya sa akin ngayon. Hindi ko na inalam ang naging reaksyon ng grupo nina Vince dahil tinalikuran ko na silang lahat para dumiretso sa classroom ni Nathalia. Kung bakit ba naman kasi hindi niya sinabing narito pala ang Blake Faulkner na iyon. Kung alam ko lang talaga, hinding-hindi ako magtatangkang pumunta dito. Sino ba ang may gustong masira ang araw nila dahil lang sa walang ka-kwenta-kwentang lalaki. At bakit ba palagi na lang kaming pinagtatagpo ng isang iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD