006

1120 Words
Kabanata 6 A L I S O N Sa sobrang inis ko sa Blake na iyon ay iniwan ko na lang siya doon at hindi na pinagpatuloy ang pagkain. Nawalan na din naman ako ng gana dahil sa ginawa niya. Kumain siya sa kutsara ko! Ang kapal ng mukha. Bahala siya doon. Ubusin niya lahat ng ‘yon ng mag-isa. Masarap pala, eh di mag-enjoy siya roon. Wala akong oras sa kanya. Ngunit ang unggoy nagawa pa talagang sumunod sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. “Hey, tapos ka na?” Damn, you! Mukha bang tapos na ako? Kokonti pa lang ang nakakain ko doon pero dahil sa’yong bwisit ka nawalan na ako ng ganang kumain. Sino ba ang gaganahan kung habang kumakain ka ay may asungot na nanggugulo sa’yo? Ang sarap niyang saktan. Wala ba talaga siyang magawa sa buhay niya at palagi na lang ako ang pinagtutuunan niya ng pansin? May practice pa sila, di ba? Pinapunta niya ng maaga ang mga ka-team niya tapos siya naman pala itong mali-late dahil sa kalandian niya. “Galit ka ba?” Napairap ako sa tanong niyang iyon. “Right. Lagi ka nga palang galit.” Tumawa pa siya na parang sinto-sinto. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang hanggang makabalik ako ng library. Hindi na siya sumunod sa akin nang makapasok ako sa loob. Kung ako allergic sa lalaki, ang isang ‘yon naman allergic yata sa mga libro. Pansin ko kapag papasok ako dito sa library humihinto siya sa pagsunod sa akin, eh. Hanggang kailan naman kaya niya ako balak sundan? Kasalanan ito ng Matteo na ‘yon, eh. Kung hindi niya ako pinakilala sa ungas na iyon, hindi ako kukulitin ng kukulitin noon. Ano kayang trip noon? Ang dami-dami namang babae diyan na willing makipaglaro sa kanya, pero ako pa itong nilalapitan ng nilalapitan. Tanga nga yata talaga. Tapos ang walang hiyang Matteo na ‘yon, iniwan ba naman ako kanina sa asungot nilang captain. Ano, binebenta niya ba ako sa lalaking iyon para hindi siya matanggal sa team? Parang kapatid pero pinagkanulo naman niya ako sa demonyo. May kapatid bang ganoon? “Ang aga-aga, nakasimangot ka diyan, ah?” Napaangat ako ng tingin kay Kenzo. Isang maliit na ngiti lang ang isinalubong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko. “Magkakilala pala kayo ni Blake?” aniya kaya muli akong napalingon sa kanya. “Nakita ko kayong magkasama kanina.” “Hindi kami magkasama. Sinusundan lang ako ng unggoy na ‘yon,” walang gana kong sabi. Napabaling sa akin ang babaeng nasa harapan namin ni Kenzo. Tumaas ang kilay nito sa akin, kaya tinaasan ko din siya ng kilay. Anong problema ng bruhang ito? Isa ba siya sa mga babaeng habol ng habol sa Blake na iyon? Baka. Tsk! Napailing ako habang tinitignan ang babae. Ang ganda na sana, hindi lang marunong pumili ng lalaking iidolohin. Iyong gagong iyon pa talaga ang nagustuhan sa dami ng lalaki sa mundo. Ano bang mayroon sa unggoy na iyon? Porque gwapo? Huh! Ang daming gwapo diyan na matino naman. Tulad nitong si Kenzo. Sobrang gwapo pero hindi babaero tulad ng lalaking iyon. Mas lalong tumalim ang titig ng babae sa akin nang taasan ko din siya ng kilay. Napangisi na lamang ako. Natatawa na lang talaga ako sa mga babaeng nauuto ng Blake na iyon. “Unggoy?” Nangingiting ulit ni Kenzo sa itinawag ko kay Blake. “Oo, unggoy. Hindi ko nga alam kung bakit ang daming patay na patay doon, eh, mukha namang unggoy,” sinabi ko ‘yon habang nakikipagtitigan pa din sa babaeng nasa harapan namin. Ang namumula niyang mukha dahil sa blush on ay mas lalo pang namula dahil naman sa inis. Mas lalo akong napangisi. Napipikon na ‘yan, sigurado. Bahagyang tumawa si Kenzo sa sinabi ko. Hindi niya yata napapansin ang babaeng nasa harapan namin na kanina pa ang sama-sama ng tingin sa akin. Walang duda, isa nga ito sa mga babaeng patay na patay sa Blake na iyon. Mukha namang matalino at masipag mag-aral ang isang ito, bakit kaya niya nagustuhan ang Blake na iyon. Ang ganda pa naman niya. Kung sa bagay, buhay niya naman iyan, kaya bakit ako makikialam? Kuryoso lang ako kung anong nagustuhan ng isang ito sa Blake na 'yon. "Hindi kaya pinopormahan ka niya?" "Kahit pumorma pa siya buong buhay niya, wala siyang mapapala sa akin. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para patulan ang kalokohan ng lalaking iyon. Alam ko naman kung ano lang ang habol sa akin no'n," sabi ko habang binubuklat ang librong hawak sa tamang pahina. "Mabuti naman kung ganoon, Alison," aniya. Nilingon ko siya sandali at nakita ko ang ngiti niya. Tumango lang ako at ibinalik na ding muli ang tingin sa libro. "Bakit? Ano bang akala mo noong nakita mo kaming magkasama?" Nilingon ko siya ulit para abangan ang sagot niya. Sa totoo lang napagtanto kong gusto ko talaga siya. Hindi pa lang ako handa sa mga relasyon na iyan, at wala din akong oras kaya kahit gusto ko siya wala akong balak na gawin siyang boyfriend o ano. Hindi din naman malalim itong nararamdaman ko sa kanya para tumuloy sa isang relasyon. Para sa akin kapag papasok ka sa isang relasyon dapat handa ka at sigurado ka sa nararamdaman mo. Sa kaso ko ngayon, hindi pa ako handa at mas lalong hindi pa din ako sigurado sa kung anong nararamdaman ko para kay Kenzo. Gusto ko lang siguro siya dahil tulad ko, masipag din siyang mag-aral, at marami ding pangarap sa buhay. Hindi tulad ng Blake Faulkner na iyon, wala man lang yatang ambisyon sa buhay. Puro babae lang ang iniintindi. "Wala naman. Alam ko namang hindi ka basta-basta magpapauto sa kanya." Napangiti ako sa sinabi niya. Alam niya dahil siya mismo hindi ko pinahintulutang manligaw noon. Ang Blake pa kaya na iyon? Nagsasayang lang talaga siya ng oras kasusunod sa akin. Akala niya siguro bibigay din ako sa kanya tulad ng ibang mga babae niya. Nakangiti pa ding ibinalik ko ang mga mata ko sa librong binabasa. Naisip ko lang tuloy bigla, pupwede kayang may gusto pa sa akin hanggang ngayon si Kenzo? Well, wala naman siyang sinabi na gusto niya ako noon, pero magtatangka ba siyang manligaw kung hindi? Pero pagkatapos ko naman siyang tanggihan, hindi naman siya umiwas o hindi naman naging awkward ang mga pagkikita namin. Parang normal pa din naman, tulad ngayon. Kaya lang minsan, madalas ko siyang mahuling nakatitig sa kin. Pinilig ko ang ulo ko para pigilan ang pag-iisip ng kung ano-ano. Hindi dapat ako nagsasayang ng oras kakaisip sa mga ganitong bagay. Kaya naman itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa binabasang libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD