Kabanata 35 B L A K E "Tol, si Alison," sa mababang boses na sabi ni Tristan, sabay turo sa kung saan. Mabilis niyang naagaw ang bola mula sa akin nang bumaling ako sa tinuturo niya. Napamura ako ng malakas dahil doon, nagtawanan naman ang mga gago. Nasaksihan din nila kung paano ako ginago ng Tristan na 'yon. Bago ko pa siya mahabol ay naipasa na niya ang bola sa kakampi at nai-shoot na 'yon sa kabilang ring. Napa-iling na lamang ako at iritadong tinignan ang loko. Ngingisi-ngisi ito at halatang nagyayabang. Tarantadong 'to, naisahan niya ako doon, ah! "Focus, captain! Ang dali mo pa lang utuin!" tatawa-tawang sabi naman ni Alvaro pero nang makita ang galit kong ekspresyon ay agad pinigilan ang tawa. Muli akong napa-iling. "Hulaan ko. Basted ka na, ano?" may ngising nanunuyang sab

