Kabanata 36 A L I S O N "Wala ka bang gagawin ngayon?" Kumunot ang noo ko sa tanong na iyon ni Blake na bakas ang pag-aalangan. Umiling ako. Bakit niya tinatanong 'yon? Kung may gagawin pala ako sana hindi na ako nagpunta dito para manood sa practice nila. Nag-iisip ba siya? O baka naman gusto na niya akong paalisin para makalandi siya sa mga babae niyang narito. Ayos lang din naman. Aalis na ako kung gusto niya. Walang problema sa akin 'yon. Kung gusto niyang mangbabae, eh di mambabae lang siya ng mambabae! Wala akong pakialam! Damihan niya pa para mas masaya. Hindi ko alam kung bakit kahit sinasabi kong wala akong pakialam kung mambabae siya ay parang naiinis pa din ako. Nag-iinit ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan. Natural lang naman sigurong mainis ako, di ba? Nanliligaw siy

