Kabanata 9 B L A K E “Mom,” ako, nang sagutin ko ang tawag ni Mom. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang mahina niyang hikbi sa kabilang linya. Agad kumuyom ang mga palad ko. “Mom, are you okay?” Hikbi lang ang naisagot niya sa akin. Mas lalo akong kinabahan. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang hikbi niya. “Mom, please. Sabihin mo sa akin, anong nangyari? May masama nanaman ba siyang sinabi sa inyo?” tanong kong muli, punong-puno na ng pag-aaala. Mula kasi noong nagkasagutan kami ni Dad nagdesisyon na din akong bumukod. Hindi ko kayang tumira sa pamamahay niyang iyon. Hindi ko din kayang nakikitang ganoon ang trato niya kay Mommy. Kaya lang gustuhin ko mang isama sa akin si Mommy, siya naman itong may ayaw. Hindi niya raw kayang iwan si Dad. Bullshit! Mas mahal

