Peace sa gitna ng pagsubok

1598 Words
III. PEACE SA GITNA NG PAGSUBOK "Mga kababayan, sa lahat ng oras ay magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas." Mga Awit 62:8  Sa pagbabasa ko ng Tanglaw app, nalaman ko ang salitang 'Jehovah Tsuri' na ang ibig sabihin ay 'The Lord is my rock'. Mas tumatak ang salitang ito dahil sa noon ay kasalukuyan kong dinaranas. Imagine, kung tayo ay hinahampas ng malakas na alon o mga pagsubok ay mayroon tayong bato na masisilungan pangharang dito. At hindi lang siya basta bato ah, si God mismo iyon! All you have to do is continue singing praises to him at Siya ang bahala sa mga pagsubok mo. Siguro ay nag-aalinlangan kayo kasi, paano magkakaroon ng peace sa gitna ng pagsubok? Kataka-taka, 'di ba? Ang ating mga problema ay inaatake ang ating spirit, ang ating soul na siyang gustong-gusto ng kalaban ng Panginoon Diyos. Nariyan iyong Anxiety, Depression, Panic Attack, Stress at iba pang sakit na umaatake sa isipan ng mga tao. Noong una, hindi ako naniniwala sa sakit na iyan. Kasi dapat kontrolado natin ang ating isipan. Pwede tayong maging masaya kung gugustuhin natin. Pero nang ako mismo ang nakaranas nito . . . sobrang hirap. Napakahirap. Ito na yata ang pinakamahirap na exam na naranasan ko. Umabot ako sa kaisipang, paano kung . . . mawala na lang ako. Siguro ay hindi ko na mararamdaman iyong hirap sa isipan ko. Pero alam ko rin sa sarili kong hindi ko iyon magagawa. Dahil may takot pa rin ako sa Panginoon. No. Hindi ako aabot sa ganoong sitwasyon. Ipinagdasal ko iyon. Iniyak. At humingi ng tawad sa Panginoong Jesus. Iyon pala, he made me realise kung saan ako nagkamali. Pinaalala Niya sa akin ang mga kasalanan ko. Doon ako mas lalong umiyak. At sinabi ko sa Kanya, "Lord, tama na po. Hindi ko na kaya . . ." it was so hard for me. Nakatitig ako sa imahe niya ng The Divine Mercy. Last year, doon ko rin siya kinausap nang makaramdam ng takot. Nawala ang takot no'n. Pero sa pangalawang pagkakataon, mas ramdam kong dumoble ang takot ko. Pagkatapos no'n ay nakaramdam ako ng trauma. Kahit kapag kumakain ako ay naiiyak na lang ako. Kinabukasan ay nahilo ako. Siguro dala ng pag-iyak sa nagdaang gabi at puyat na rin. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nagbasa ng Finding Hope by James W. Goll.  Pero dahil din sa sakit ng ulo at hilo ay unti-unti akong nakatulog. Pero bago ako tuluyang pumikit ay inaalala ko sa isipan ang imahe ng Panginoong Jesus at humingi ng tawad sa kanya. Nakapikit lang ako no'n pero alam kong hindi malalim ang tulog ko. Naririnig ko pa ang mga kalabog at sigawan, tawanan at yabag ng mga pamangkin ko. Nang sumuko na ako sa pagtulog dahil hindi naman ako nagtagumpay ay dumilat na rin ako. Pinasok ako sa kwarto ng pamangkin ko at tumabi sa akin. Nagsumbong dahil nauwi sa away, iyakan ang paglalaro nila sa sala. Then I realized, nawala na iyong sakit ng ulo ko. As in, gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako nahihilo. Siguro ay sasabihin niyo, talagang mawawala iyan kasi pumikit ka at nagpahinga. Pero ako kasi, kapag pumipikit ako dahil sa hilo, sa pagdilat ko ay mas lalo akong nahihilo. Hindi siya remedy sa sakit ng hilo ko kung pipikit lang. But that day, I felt that Jesus came in my room and h-healed me. He is always, always with me. And with you too. Inaalala ko noong bata pa ako, iyong mga bagay na binigyan Niya ako sagot. Sa masarap na ulam, sa pagkain, pambayad sa school at maging sa paghahanap ng trabaho. Mula bata pala ako ay palagi ko na siyang kasama. Palagi ko Siyang kasama! Umiyak ulit ako na parang bata. Hanggang sa mamugto ang mga mata ko. Ang sakit sa dibdib nang mapagtanto kong ako . . . ang lumayo sa Kanya. Naging makasanlibutan ako at nakalimutang makipag-usap sa Kanya. Then He disciplined me. Tinupad Niya rin ang isa sa mga dasal ko noon na; Panginoon, sa tuwing nalalayo ako sa Iyo ay hawakan Mo ako at hilahin palapit sa Iyo. Huwag Mo pong hayaan na malayo ako sa Iyo. -- Iyan ang naalala kong dasal ko noon. Hindi Niya ako hinahayaang malayo sa Kanya. Naalala pa rin Niya ang panalangin kong iyon kahit na nakalimot naman ako. Then I read Job's full story. Nakasulat doon na; "Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam. Ginagamot niya ang kanyang nasugatan, pinapagaling niya ang kanyang nasaktan. Sa tuwi-tuwina, paningin niya ay nasa iyo, upang ikaw ay ingatan, laging handang sumaklolo." (Job 5:17-19) Napakahirap makahanap ng kapayapaan lalo na kung ang isipan mismo ang may problema. That's when I started to feed my soul of his words . . . again. I asked for restoration. For a new hope. At ang hope na iyon ay nasa Panginoong Jesus. Magpahanggang ngayon ay hindi ko na alam kung nasa gitna pa ba ako ng pagsubok. Bakit? Kasi kapag sa Kanya ko binibigay ang oras ko, sa pagbabasa ng Kanyang salita ay may peace ako. Ibinigay ko sa Kanya ang mga alalahanin kong wala naman akong control. Dahil sa Panginoong Diyos—kontrolado niya ang lahat. Kaya't bakit pa ako magwo-worry? He is in control of everything. Then my sufferings brought me back to Psalm 23. Noong una kong nabasa itong Mga Awit 23 ni Haring David, hindi ko masyadong naramdaman ang ibig niyang sabihin. Siguro dahil sarado pa ang isipan ko o hindi ko pa ma-apply sa aking buhay noon. But my sufferings made me read that gospel with my eyes pooled by my painful tears. Lumalabo ang mga mata ko sa pagbasa dahil sa luha ko. And every words feels like an old lamp that was turned on every after I read the lines;  Si Yahwek ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking pangaralan ang kanyang pangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang. Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos. Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan. --Mga Awit 23 Isang mabigat na dagok ang naranasan ko. Hindi madali. Pero mas gusto ko ang mag-worship sa Kanya na may pain, kaysa ang mag-worship na parang zombie. Dahil doon ay unti-unti kong naramdaman ang peace. Hindi naman nagtatagal ang storm sa buhay natin. Hindi iyon forever. Pero may forever kay Jesus. His love saved us from our sin. He loves us. Nano-notice ko rin iyong entertainment niya sa akin. Hindi ba nakasulat din sa Bibliya iyong; Inaaliw Niya ang mga nasasaktan. He knew my trauma. Nang gumaling iyong hilo ko, ramdam ko iyong gutom pero nanghihina akong kumain. Wala akong gana. Bumukas iyong pinto ng kwarto at may nakita akong hamburger sa mesa. Napalunok ako. Pero ayokong tumayo para abutin iyon. Pumasok no'n ang four-year old kong pamangkin na kumakain ng hamburger. Syempre, ang bango no'n kaya natakam ako pero hindi ako nakikagat. Nagulat na lang ako nang alukin niya akong kumagat doon sa kinakain niya (Ang niece kong iyon ay kapag kumakain ay may sariling mundo. Hindi siya madamot pero hindi siya iyong madalas na nag-aalok.) That time, naramdaman ko iyong init sa puso ko. Kumagat ako at nabusog. And I just felt, Jesus encouraged me to eat. He wanted me to finally eat. Kinabukasan din iyon ay nagising akong may apat na ibon sa labas ng bintana. I just felt that Jesus greeted me with new beginnings. Iyon ang unang beses na may lumapit na apat na ibon sa bintana namin. Ang bintana ng kwarto ko ay nasa harap ng eskinita. Dalawang malalaking bahay ang magkabila no'n kaya hindi minsan inaabot ng mga ibon. Kung meron man, sa malayong kable ng kuryente o kaya'y sa bubong o pader ng mga kapitbahay. Nakahiga pa lang ako ay nakikita at naririnig ko na ang mga huni ng ibon sa labas. Kaya napangiti ako. Kay gandang gumising na alam mong ang Panginoon ang unang bubungad sa Iyo dahil inaalagan ka Niya. Did you know na marunong ding magpakilig si Jesus? That day, napanood ko si Tobias (Chris Evans) na siyang bagong endorser ng Smart. Napatingin ako sa langit at sinabing, "Grabe kayong magpakilig, Lord!" then I truly smiled at Him. Kinilig ako kay Tobias nang magtagalog siya—pero mas kinilig ako kay God dahil pinapagaan Niya ang nararamdaman ko. Ginagamot na Niya ako. So, I continued feeding my soul through His words. Even Saint Faustina felt more sufferings. But Jesus, He promised to be always with us. The greater the sufferings, the purer the love. – Saint Faustina Kowalska Pero meron tayong Jehovah Tsuri o The Lord is My rock! The Lord is My rock! Si Yahweh rin ang aking pastol! Kaya't sa gitna nang pagsubok, payapa ako dahil kasama ko ang Diyos. Panalangin: Aming Amang makapangyarihan, salamat dahil pinatutunayan Mo pong ikaw ang may control ng lahat ng bagay dito sa mundo. Batid mo ang aming pinagdadaanan at pinapahintulot Mo ito para kami ay makabalik sa Iyong kapahingahan. Hindi ka nagbabago. Hindi ka nakakalimot. Maraming salamat po, Panginoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD