Victory: A New Hope

1552 Words
IV. VICTORY: A NEW HOPE Na-heartbroken na ba kayo? Kasi ako, not only once, but twice. Kahit hindi naman tayo official na in-relationship, nasasaktan pa rin tayo. Kasi, kahit hindi sadya o ayaw mo, nagmamahal tayo . . . sa maling tao nga lang. Ang hapdi, ano? Iyong makakapagsalita ka na lang kay tadhana; Ang hard mo sa 'kin! Anong problema mo? Kakaibang sakit ang nararamdaman kapag heartbroken. Iiyak. Aalalahanin iyong mga oras na masaya pa kayo na para bang walang ibang tao sa mundo kundi kayong dalawa lang. Kaya ang paglagapak ay masakit din. Mapi-feel mo iyong feeling down. Pero madalas, bini-baby na lang natin iyong sakit kasi kapag nag-let go tayo, mararamdam na iyong kawalan sa buhay natin. Ayaw nating aminin na empty na ulit ang puso natin. Kasi masyado pala tayong nag-focus sa isang tao. Nawala si God. Our God is a jealous God. A friend of mine texted that to me. Sa punto ngayon ng buhay ko, inaalis ni Lord ang mga bagay o taong humahadlang para sa aming dalawa. Kasi ang gusto pala ni Lord, Siya ang numero uno sa puso at buhay natin. Ito ang nakasulat sa Biblia; Ang pinakamakahalagang utos: Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. --- Deuteronimio 6:5 Pero hindi Niya rin naman inaalis iyong mga tao o bagay na napamahal sa atin nang wala ring sapat na dahilan. Malalaman natin sa huli na may tamang dahilan din pala. Kahit lumayo tayo sa Kanya, iniisip pa rin Niya ang ating kabutihan. Kasi alam Niyang naligaw na tayo ng landas at hindi na rin natin Siya kinakausap o magpasalamat man lang. While I was watching the 700 club asia, I was heartbroken that year, then Sir Peter Kairuz mentioned 'A New Hope'. Naramdaman ko na lang na para sa akin ang mga salitang iyon. 2018 iyon at sinimulan ko siyang isama palagi sa panalangin ko; Lord, kung nasaan man ngayon si A New Hope, sana po ay palagi siyang ligtas at malapit din sa inyo. Habang naghi-heal ang sakit, nakaramdam ulit ako ng pag-ibig na hindi ko agad na in-acknowledge. I was not sure. Pero sa pangalawang pagkakataon din ay nakaramdam ako ng sakit, ng rejection. That was when I said in my head, It was love too. Pero . . . hindi pa rin siya si A New Hope ko. No, hindi siya. Pagkatapos no'n ay naalala kong hindi ko na sinasama sa panalangin ko si A New Hope. Nagsimula na akong huminto sa pag-asang darating pa siya. I fixed my eyes at my family. On my writings and worshiping the Lord. Nang maranasan ko ang depression, anxiety at panic attack—he disciplined me. Those sufferings brought me back to Him. Ramdam ko iyong apoy ng eagerness na mas makilala ko pa ang Panginoong Jesus. Iyong naramdaman kong sakit—walang panama sa sakit noong na-heartbroken ako. It wasn't easy. Halos ginusto ko noong sumuko. Sabi ko, bakit ba ganito ang pagsubok ko ngayon? Napakahirap. Nakakabaliw. Nakakawalang-gana. Kaya lang din, ayokong bumitaw. Ayokong mawalan ng pag-asa kasi may mga taong nagmamahal sa akin. May mga taong naghihintay pa sa akin. May mga tao pa ring mababait sa akin. Kaya bakit ko bibigyan ng malaking space ang mga pangyayaring kayang tugunan ng Panginoong Jesus. Lason ang pag-iisip ng sobra. Kaligtasan naman kung magpapasakop tayo sa Diyos. Mula no'n, ay unti-unti kong naramdaman ang kapayapaan—sa piling ng Panginoon, ay saka ko napagtanto, ang hope ay na kay Jesus. Kaya ang aking A New Hope na matagal kong pinagdasal ay si Lord Jesus pala!  Mula kabataan ko ay kilala ko na siya sa pangalan Niya, pero nitong matanda na ako'y may mas lalalim pa pala sa pagkakakilala ko sa Kanya. He is our Saviour. He is our God. He is the Prince of Peace! Jesus is my new hope. Matagal na pala Siyang dumating. Ang tanga ko, ngayon ko lang nalaman. He is my victory! Tayong mga tao, minsan mas gusto natin iyong tagumpay na nahahawakan o may simbolo. Tulad ng trophy, medals, certificate o kahit mga magagandang salita o papuri galing sa mga tao. Mas masarap pala kung mas ramdam natin ang tagumpay kapag alam nating aware tayong may Diyos na tumitingin sa atin at nagmamahal sa atin ng wagas. Na kahit ilang beses tayong madapa ay itatayo Niya tayo at handang sumaklolo sa lahat ng oras. Jesus is the lover of our soul! Namamangha ako sa mga bago kong natutuklasan. Na tuwing pinagdududahan pala natin ang tiwala kay Kristo, nasasaktan siya. Nao-offend natin ang Diyos. Matagal na. Hindi natin nararamdaman ang spirit Niya kasi makasanlibutan tayo. Mas gusto natin ang creatures Niya imbes na Siya mismo na ating creator. Some of you may say, 'May sarili akong relationship kay Lord. Kaya paano mo masasabing hindi kami malapit sa Kanya?' Nasabi ko na rin iyan dati noong ayain ako ng ka-officemate kong um-attend sa church service after office every Wednesday. Sinabi ko rin sa sarili kong, laking Bible Study ako ng mga taga-Methodist dahil sa Lolo at Lola ko kaya alam ko na iyan. Before, hindi ako nagtataas ng mga kamay kapag kumakanta ng worship songs. Pero . . . kapag naranasan mo na si Lord sa buhay mong mapakla pala, saka mo mararamdaman ang tamis ng pagsamba sa Panginoong Diyos. Ibinigay Niya ang lahat sa ating buhay, Ano ba naman ang papurihin Siya. Isang araw sa loob ng isang linggo, isang oras sa isang araw na kung minsan ay minuto na lang, ipagdadamot pa ba nating pumunta sa Kanyang tahanan? Nakakahiya. Maging ako ay nahiya sa sarili ko. Paano kung noon pa pala ay gusto na Niyang lumapit pa ako sa Kanya. Isa akong mangmang na nananahan sa sarili kong knowledge. Gayong kaya akong bigyan ng dagdag na karunungan ng ating Diyos. (I attended the worship service every Wednesday. Natigil nang matapos ang kontrata ko sa work. 2015 iyon) We have already offended the Lord. Huwag nating hayaang malunod sa mundong ginagalawan natin ngayon dahil iyon ay lumilipas, nawawala. Hindi tulad kung anong nakahanda para sa atin sa kaharian Niya, doon ay walang katapusan. Hindi nauubos. Wala nang alalahanin, wala nang problema. Makakasama pa natin ang Panginoong Jesus. Ang lahat ng mayroon tayo ngayon sa Kanya nanggaling. Marapat lang na papurihan at pasalamatan natin Siya sa kanyang mga gawa. Ang Kanyang iniisip ay hindi natin kayang pantayan. Kaya't ang problema natin, kaya Niyang solusyunan. We should stop offending Him. Start trusting Him with all your soul. Have faith, my loves. He is our real victory. Panalangin: Panginoon, salamat dahil sa pagmamahal Mo ay makakaya namin ang iyong mga pagsubok. Salamat dahil mapagpasensya Ka at bumababa para lang sa aming mga makasalan. Walang hanggan ang Iyong pag-ibig para sa amin. Ni walang makakapantay doon. Patawarin Mo po kami sa aming mga pagdududa. Turuan Mo po kaming patuloy na magtiwala sa Iyo sa lahat ng oras. Ang Iyong kalooban nawa ay palaging masunod. Sa Ngalan ni Jesus, Amen. Huwag nating hintayin pa na magpakita ng himala ang Diyos bago tumalikod sa ating mga kasalanan. Ang ating pagsamba at pag-ibig sa Kanya ay isa nang himala. *** I'd like to share with you the poem I wrote for our Lord Jesus. Si Hesus ay tunay na tapat sa Kanyang mga pangako, Minamahal Niya nang lubos ang mga tao. Kung nalalaman lang natin Kanyang nasa isip Sa mga kasalana't kabuluktutan ay 'di natin kailangang magpaalipin. Marami sa sanlibutan 'di Siya maintindihan, Kulang naman kanilang nalalaman. Sa gitna ng aking kalungkutan, Siya'y dumarating Hindi nagtatagal aking pagkikimkim Ang laman ng aking damdamin sa 'yo'y walang nalilihim Gumawa man ako ng mali agad iyong tinutuwid. Labis akong nagpapasalamat sa ating Diyos sa kalangitan Sapagkat ako'y kailanman ay hindi Niya iniwanan Pupurihin at iibigin Kita magpakailanman Dahil minamahal Mo ako kahit hindi patunayan. Kapag nasa gitna ng bagyo, tayo'y hindi mapakali at natataranta Hindi natin alam, ang dasal ay panlaban pala Kasalanan sa Kanya ay ibuhos mo't ipagtapat Ibibigay Niya sa 'yo'y pahingang nararapat. Huwag nang magpatumpik-tumpik pa, ikaw ay magbago na Bumangon ka't maglingkod sa Kanya Napakabuti ng Diyos at mapagkumbaba Hindi ka Niya iiwanang mababa. Nawa sa puso mo'y hayaan mo Siyang maghari Ituturo Niya sa 'yo tatahaking landas anumang mangyari "Lakasan mo ang iyong loob at magpakatatag ka", Kanyang sinabi Ikaw ay kanyang sasamahan hanggang sa huli. *** Ang kantang "I Will Get There" ng Boys II Men mula sa The Prince Of Egypt movie ay isang inspirasyon din sa akin. Ang linyang 'cross that river . . .' ay tila representasyon ng ating mga obstacle sa buhay. Pero kung magiging matatag tayo at hindi agad susuko, 'we will get there . . .' on the other side, kung saan naroon ang ating Panginoong Diyos at hinihintay tayo.  Kaya, anuman ang iyong pinagdaraanan, tandaang mong palaging kasama natin ang Panginoong Jesus. Nag-uumapaw at nag-aalab ang kanyang mercy para sa atin. The feast of The Divine Mercy is the first Sunday after Easter. At tuwing alas-tres ng hapon araw-araw ay binigyan Niya tayong makahingi ng tawad sa Kanya. Pagkakataong makapagbagong-buhay. Binigay na Niya ang lahat ng pagkakataon para magbago tayo. Kaya't wala na tayong maidadahilan sa Kanya sa araw ng paghuhukom sa atin. God bless you all! -- Gianna

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD