Chapter 2

2811 Words
Malapit ng pumatak ang alas dose ng hatinggabi subalit sa lugar na iyon ay buhay na buhay ang diwa ng lahat lalong-lalo na ang mga kalalakihan na naghahanap ng panandaliang aliw. Sa lugar kung saan patay sindi ang iba't ibang kulay ng ilaw ay maririnig ang hiyawan at tawanan ng mga parokyano kasabay ng ingay ng mga nagbubungguang mga baso na may lamang alak. Amoy na amoy rin ang usok ng sigarilyo na humahalo sa iba't ibang amoy ng mga taong naroroon. Mapapansin din ang mga hagikhik ng mga babaing nagtatrabaho sa establisimyentong iyon na tila kinulang sa tela ang suot na damit. Halos hubo't hubad na ang mga iyon at nakaupo sa tabi ng kani-kanilang kliyente. Subalit higit sa lahat ay agaw-pansin ang madilim na entablado na ngayon ay may nakatutok na spotlight. Sa gabing ito ay masisilayang muli ng mga parokyano ang kakaibang alindog ng strip dancer na ipinagmamalaki ng sikat na bar na iyon. Isang babae na kinagigiliwan ng mga kalalakihan. Isang nimpa na tila naligaw ng landas at ngayon ay nakatayo na sa madilim na bahagi ng entablado sa harap ng mga lalaking tila uhaw na uhaw sa makamundong pagnanasa. Mula sa rock music na kanina pa naririnig sa apat na sulok ng bar na iyon ay pumalit ang isang sensuwal na awitin. Bawat kalalakihang naroon ay pigil na pigil ang paghinga dahil inaabangan ang paglabas ng isang strip dancer na tinagurian sa bar na iyon bilang star of the night. Isang dancer na kinababaliwan ng mga kalalakihan at bawat isa ay may masidhing pagnanais na makapiling kahit isang gabi lang. Ilang minuto ng pumapailanlang sa ere ang sensuwal na awitin at naroon pa rin si Jackielyn sa madilim na bahagi ng ebtablado. Parang nag-ugat ang kaniyang mga paa, hindi siya makakilos sa napagmamasdan ng mga mata. Mga lalaking nagsisigawan na at naghihintay sa sensuwal niyang pagsayaw. "Jackielyn, ano ba!" sigaw sa kaniya ng baklang floor manager na si Carmela. Naroon ito sa tabi niya at naiinis na sa tagal niyang maglakad papunta sa spot light. "Naghihintay sila sa dance number mo. Alalahanin mo na sa kanila nanggagaling ang perang ibinabayad sa 'yo ng may-ari ng bar na ito. Magsabi ka lang kung hindi mo kaya dahil maraming dancer ang puwedeng pumalit sa 'yo ngayon." "Kaya ko, Mamang," lakas-loob niyang saad saka naglakad na patungo sa spot light. Isang masigabong palakpakan ang bumungad sa kaniya at mas lalo pang lumakas ang sigawan ng mga manonood nang magsimula na siyang sumayaw sa saliw ng sensuwal at maharot na awitin. Dahan-dahan niyang iginigiling ang balakang niya habang ang mga mata niya ay nang-aakit na nakatingin sa mga lalaking nakaawang ang labi. Sa mga oras na iyon ay siya ang sentro ng atensiyon. Ang mala-diyosa niyang alindog na nagpapainit sa katawan ng mga lalaking nakahandang magtapon ng malaking pera para lang mapapayag siya na mailabas. Oo, isa siyang strip dancer sa bar na iyon, subalit hanggang doon lang ang trabaho niya. Hindi siya puwedeng ilabas ng mga parokyano kagaya ng ibang mga babae roon. Iyon ang usapan nila ng may-ari ng bar na kaibigan ni Carmela. Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay maraming mga kalalakihan ang nabihag ng alindog niya at siya ang dahilan kaya dinarayo ang bar na iyon. Sa bawat gabi ay hindi natatapos ang mahigit kalahating oras niyang pagsayaw na walang lalaking nagtatanong kay Carmela kung magkano ang presyo ni Jackielyn sa isang gabi. Pilit namang ipinapaliwanag ni Carmela na hanggang pagsasayaw lang ang kaya ng kaniyang alaga. Nakahawak ang dalawang kamay ni Jackielyn sa pole na naroon sa gitnang bahagi ng entablado. Nakasuot lamang siya ng two piece na kulay itim kaya litaw na litaw ang kaniyang kaseksihan. Makapal ang kaniyang make-up at nakalugay ang medyo kulot niyang buhok na umaabot hanggang balakang. Malakas ang loob niya na pasukin ang ganitong trabaho dahil kailangan niya ng pera para sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Aminado naman siya na iba ang tingin ng karamihan sa gano'ng trabaho, subalit para sa kaniya ay wala siyang ginagawang mali. Katwiran niya ay wala naman siyang inaapakang tao at pinagpapaguran naman niya ang bawat sentimo na kinikita niya. "More! More! More!" sigaw ng isang parokyano na naroon sa harap ng entablado. Pinagbigyan ni Jackielyn ang hiling ng mga parokyano. Mula sa pagsasayaw nang nakatayo sa harap ng pole ay dahan-dahan siyang lumuhod habang sumasayaw pa rin. Unti-unti niyang pinaghihiwalay ang mga hita dahilan para magsigawan pa ang mga manonood. Matapos ang limang minuto ay muli siyang tumayo at tumalikod sa mga tao saka iginiling ang balakang. Muli niyang hinawakan ang pole at umakyat saka ibinaba ang ulo. Nang naroon na sa taas ng pole ang mga paa niya ay agad niyang pinaghiwalay ang mga hita. Agad din naman siyang bumaba sa pole nang marinig niya na patapos na ang awitin hudyat na patapos na rin ang dance number niya. At para bigyan ng excitement ang mga manonood ay dahan-dahan siyang tumalikod at tinanggal ang hook ng suot niyang bra habang gumigiling ang kaniyang baywang. Muli siyang humarap at napansin niya na hindi magkamayaw ang mga parokyano ng bar, nakataas ang mga kamay niyon na waring naghihintay na masalo ang bra na unti-unti na niyang hinuhubad. Nakakaakit ang mga mata niya habang nakatingin sa audience. Itinaas niya ang kanang kamay kung saan naroon ang kaniyang bra na kahuhubad pa lang saka inikot-ikot iyon sa ere ba tila naghahanda na para itapon sa hindi makamayaw na mga manonood. Wala na siyang saplot pang-itaas kaya kitang-kita ang tayong-tayo niyang hinaharap na kung hindi lang sa mga bouncer na naroon malapit sa stage ay kanina pa nagsipag-akyatan ang mga parokyano para mayakap siya. "Sh*t!" sigaw ng isang lalaki na naroon sa sulok. "Ang ganda mo, babe!" "Mi Amore!" sigaw naman sa kabilang gilid. "Beautiful! Please be mine tonight!" Napukaw ang atensiyon ni Jackielyn sa lalaking iyon. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha niyon dahil nakatutok sa kaniya ang spot light. Ang hula niya ay dayuhan ang lalaki base na rin sa binitiwan nitong salita. Isang matamis ngunit pilit na ngiti ang sumilay sa labi niya saka itinapon sa gawi ng dayuhan ang kahuhubad niya pa lang na bra. At dahil ito na ang huling gabi ng pagtatrabaho niya sa bar ay nais niyang pagbigyan ang mga manonood. Hindi siya nag-alinlangan nang hubarin niya ang natitirang saplot sa kaniyang katawan at ihagis iyon sa kumpolan ng mga kalalakihan. Napakaingay sa loob ng bar na iyon. Nagkagulo ang mga kalalakihan sa inihagis niyang saplot. Ang iba ay nagtulakan pa para makuha lang iyon. Matapos ang awiting iyon ay tumalikod na siya at umalis sa entablado. Dumiretso na siya sa dressing room. Wala siyang saplot habang naglalakad subalit ayos lang iyon sa kaniya. Nasanay na siya dahil ang mga kasamahan niya ay ganoon din na matapos sumayaw sa entablado ay wala ng saplot na babalik sa dressing room. "Sure ka na ba sa desisyon mo, girl?" seryosong tanong ni Carmela matapos ibigay kay Jackielyn ang puting roba. "Naku, Mamang," sabad ni Dina na isa ring strip dancer sa bar. Itinigil nito ang paglalagay ng make-up saka tumingin kay Jackielyn nang may ngiti sa labi. "Tuloy-tuloy na yata ang pagbabagong-buhay nitong si Jackie. Ready na yata mahirap muli sa piling ng live-in partner niya." Pilit na ngumiti si Jackielyn habang isinusuot ang puting roba na kabibigay lang ni Carmela. Napagdesisyunan niya kaninang hapon na ito na ang huling gabi na sasayaw siya sa bar. Sa bahay na muna siya para alagaan ang kaniyang anak. Sa mahigit tatlong buwan na pagtatrabaho niya bilang strip dancer sa bar ay may naipon na rin naman siya kahit papaano. Hindi man kalakihan pero maitatawid na niyon kahit papaano ang pangangailangan nila sa araw-araw. Iyon na muna ang panggastos nilang mag-ina sa mga susunod na buwan. Kanina kasi habang nagmemeryenda silang mag-anak ay nabanggit sa kaniya ni Sandro na luluwas ito ng Maynila para maghanap ng trabaho. Nangako ito na magpapadala buwan-buwan para may panggastos silang mag-ina. Natuwa siya sa nalaman kaya lingid sa kaalaman ni Sandro ay napagpasyahan niya na tumigil na sa pagsasayaw sa bar. Umupo si Jackielyn sa bakanteng monobloc chair sa harap ng malaking salamin at sinimulang tanggalin ang make-up. Hindi na siya nakisali sa mga biruan ng mga kasamahan niya. Nais na kasi niyang umuwi para makapiling ang mag-ama niya dahil dalawang araw mula ngayon ay tutungo na ng Maynila si Sandro. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, ha, Jackie?" muling tanong ni Carmela nang silang dalawa na lang ang naroon sa dressing room. Nagsilabasan na kasi ang iba pang mga dancer at GRO dahil naghihintay na ang kani-kanilang mga kliyente. Tumango si Jackielyn bilang tugon. Abala pa rin siya sa pagtanggal ng make-up at hindi na siya nag-abala pang tumingin sa mukha ng baklang kaibigan. Ramdam niya kasi na nagtatampo sa kaniya si Carmela dahil ora-orada siyang nagdesisyon na umalis sa pagtatrabaho sa bar. "Jackie, alam mo bang pinapanood ka kanina ni Niccolo? Naroon siya sa audience at umaasang ma-i-table ka niya sa gabing ito." "Niccolo?" Kumunot ang kaniyang noo. Itinigil niya ang ginagawa at napatingin siya kay Carmela. "Sino 'yon?" Wala siyang natatandaan na may nakilala siyang lalaki na may ganoong pangalan dahil unang-una ay umiiwas siya sa mga lalaking kliyente ng bar. Palibhasa ay alam niya ang nasa utak ng mga iyon pagdating sa mga babaing dancer na kagaya niya. Lumuwang ang pagkakangiti ng floor manager. "Si Niccolo ang matagal ko ng sinasabi sa 'yo na handang magbayad ng malaking halaga just to have a one night with you." Napailing siya. Hanggang ngayon ay tila nagpupumilit pa rin si Carmela na pumayag siya sa alok na iyon. Para tuloy siyang ibinubugaw nito sa Niccolo na 'yon. "Again, Mamang," saad niya saka itinuloy ang pagtanggal sa make-up. "I am not a wh*re." Agad na sumagot si Carmela. "I didn't say you are. Ang akin lang, Jackie, ay mapapabuti kayong mag-ina kapag pumayag ka sa alok niya." Umupo ito sa bakanteng monobloc chair sa tabi ni Jackie saka hinawakan ang braso ng huli. Seryeso itong tumitig sa mga mata niya. "Jackie, for once—" "Carmela," tugon niya sa naiinis na boses. "Oo, isa akong strip dancer. Nagsasayaw ako nang hubo't hubad pero hindi ako mumurahing babae na sasama sa kung kani-kaninong lalaki para lang sa pera. Hindi ako ang tipo ng babaing makikipag-one night stand sa isang lalaki dahil lang sa nakita niya akong nagsasayaw sa bar na ito." "It's not a one night stand, Jackie," pagtutuwid ni Carmela. "Dinner date. More on a friendly date. Iyon ang alok ni Niccolo. Gusto ka niyang makasama and it's not what you think it is. Ikaw lang ang nagtatanim diyan sa utak mo na isang one night stand ang mangyayari. Mabait si Niccolo at hindi ka niya pipilitin sa isang bagay na ayaw mo. Oo, straight to the point siya, pero nasa sa 'yo na kung papayag ka." Tila naglubag ang loob niya sa narinig. Pero hindi pa rin maarok ng utak niya kung bakit mag-o-offer nang ganoon kalaking halaga para lang maka-date siya. Nagtataka talaga siya. "Anyway, I invited Niccolo to come here para makilala mo siya, Jackie. Huling gabi mo na rin ito sa bar so might as well meet him. Who knows? Matipuhan mo rin ang Italyano na 'yon." Humagikhik pa ito saka pinasadahan ng kaliwang kamay ang buhok na hanggang balikat. "Paalis na ako, Carmela," saad niya dahil wala siyang plano na makilala ang Italyano na 'yon. Hinubad na niya ang suot na roba para isuot ang damit niya kanina subalit narinig nila ang mga katok sa pinto. Agad na tumayo si Carmela at walang sabi-sabing binuksan ang pinto. "Hi, Niccolo," saad ni Carmela sa bagong dating. "Hello," nakangiting tugon ni Niccolo. Kapansin-pansin ang Italian accent nito. Nakatalikod si Jackielyn at abala sa pagbibihis. Maigi na lang at naisuot na niya ang maong pants bago nabuksan ni Carmela ang pinto kanina. Itinali niya muna ang buhok bago siya nagsuot ng blouse. "Hey," untag ni Carmela kay Jackie sabay hawak sa kabila nitong braso dahilan para mapalingon ang huli. Isang matamis na ngiti mula sa Italyano ang bumungad kay Jackielyn. Una niyang napansin ang pagiging matangkad ng lalaki. Matangos ang ilong nito na tila tuka ng manok. Natutulala siya nang matitigan ang mga mata nito na kulay asul. Para siyang nakatitig sa bughaw na langit sa maaliwalas na panahon. Tila nakangiti at may dalang pag-asa ang mga matang iyon. Umubo si Carmela para makuha ang atensiyon ng dalawang taong kaharap na tila natulala sa isa't isa. Animo'y nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata. Walang salitang nanunulas sa kanilang labi ngunit naroon ang tila pagkakaintindihan kahit ngayon pa lang nagkita. "Seems like you guys are having a great time checking out each other." Binitiwan ni Carmela ang braso ni Jackielyn at nagpalipat-lipat ang paningin sa dalawa na hindi pa rin mapuknat ang mga mata mula sa pagkakatitig sa isa't isa. "Should I leave you two now?" Tila nahimasmasan ang Italyano sa narinig. Nilingon nito si Carmela subalit agad ding ibinalik ang paningin kay Jackielyn. Lumuwang ang pagkakangiti nito saka inilahad ang kanang kamay. "I would like to introduce myself," anang Italyano na halatang-halata na nagpupumilit magsalita sa wikang Ingles. "My name is Niccolo and I am a great fan of yours, Mi Amore." Kilig na kilig si Carmela sa nasasaksihan. Kitang-kita kasi nito ang paghanga sa mga mata ni Niccolo na noon pa man ay gustong-gusto ng makaharap ang babaing laman ng isip simula nang mapanood ito na nagsasayaw sa entablado. Alam ng floor manager kung gaano kasidhi ang pagnanais ni Niccolo na maka-date si Jackielyn dahil nakahanda itong magbitiw ng napakalaking pera para lang mapapayag ang huli. Siniko ni Carmela si Jackielyn na tulala pa rin at nakatitig lang kay Niccolo. "Girl, makipagkamay ka naman kay Niccolo." Napakurap si Jackielyn at atubiling iniabot ang kanang kamay. "I...I am Jackielyn." Nauutal pa ang kaniyang boses kasabay ng pagkaba ng kaniyang dibdib nang makadaupang-palad ang dayuhan. Unang beses niyang makakilala ng dayuhan at hindi rin siya sanay na tinitigan nang may paghanga. Ngayon niya lang naramdaman ang ganoon. Kinakabahan siya ngunit naroon sa dibdib niya ang saya na hindi niya maipaliwanag. "I am glad I met you, Mi Amore." Nakangiti pa rin si Niccolo at hindi binibitiwan ang kamay ni Jackielyn. Mayamaya ay ibinigay nito ang hawak na palumpon ng bulaklak. "It's a great honor to give these flowers to such an amazing girl like you." Atubili si Jackielyn na tanggapin ang mga bulaklak. Kung hindi na naman siya siniko ni Carmela ay hindi niya tatanggapin iyon. Isa pa ay ayaw niyang mapahiya si Niccolo dahil nag-effort ito kahit papaano. Sa mga sumunod na oras ay nanatili si Niccolo sa dressing room at nakipagkuwentuhan. Dama niya na walang halong kamanyakan ang pag-uugali nito. Nag-volunteer pa ito na ihatid siya pauwi pero tumanggi siya dahil baka kung ano ang isipin ni Sandro. Ayaw niyang pagsimulan iyon ng away nilang dalawa. Lagpas ala una ng madaling araw nang mapagpasyahan niyang umuwi. Dati-rati ay alas kuwarto ng madaling araw siya umaalis ng bar, pero ngayon ay sinadya niyang mapaaga ng uwi para sorpresahin si Sandro. Isa pa ay gusto niya na maagang sunduin si Eric na naroon sa bahay ng mga magulang niya at pagkatapos ay mamamasyal silang tatlo. Matapos makuha ang sahod ay nagpaalam na siya kay Carmela. Habang sakay ng taxi ay nagpaplano na siya sa maaari niyang gawin sa mga susunod na araw kasama ang kaniyang mag-ama. Nais niyang ibuhos ang atensiyon kay Sandro dahil paalis na rin ito para magtrabaho sa Maynila. Bitbit ang paboritong cake in Sandro ay bumaba na siya ng taxi at naglakad sa eskinita pauwi sa kanilang bahay. Birthday ngayon ni Sandro at nais niya na siya ang unang bumati rito. Alam niya na masosorpresa ito sa gagawin niya. Inayos niya muna ang nakalugay niyang buhok at excited na binuksan ang pinto ng bahay. Bumungad sa kaniya ang madilim na kabahayan kaya kinapa niya ang switch ng ilaw para i-on iyon nang may marinig siyang mumunting ungol na nanggagaling sa kabilang kuwarto. Bunga ng kuryusidad ay hindi na niya itinuloy ang pagkapa sa switch ng ilaw, bagkus ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto kung saan nagmumula ang mumunting ungol na iyon. Lumukob ang kaba sa dibdib niya at kasabay ng panginginig ng kaniyang kamay ay dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto saka itinulak iyon. Nakabukas ang ilaw sa kuwartong iyon at bumungad sa kaniyang paningin ang hubo't hubad na si Sandro. Nakahiga ang huli sa ibabaw ng papag at may kasamang babae na wala ring saplot. Abala ang dalawa sa paghahalikan kaya hindi napansin ang kaniyang pagdating. Agad na tumulo ang mga luha niya sa pisngi. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa nasasaksihan. Panay pa rin ang ungol ng babae habang yakap-yakap ni Sandro. "Mga walanghiya!" nagngangalaiti niyang sigaw dahilan para makuha niya ang atensiyon ng dalawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD