bc

My Secret Italian Boyfriend

book_age18+
92
FOLLOW
1K
READ
pregnant
drama
ambitious
realistic earth
tricky
intersex
polygamy
wife
prostitute
seductive
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Isang babae na ang tanging hangad ay maayos na buhay. Nasaktan man at nadapa, ngunit patuloy pa ring bumabangon. Pilit na tinanggap ang mga hamon sa buhay hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang maaasahan kundi ang kaniyang sarili. Pikit-mata niyang tinanggap ang katotohanang kailangan niyang kumapit sa patalim at lunukin ang pang-aalipusta ng mga taong nakapaligid sa kaniya kapalit ng maalwang buhay na noon pa ay pinapangarap na niya para sa kaniyang pamilya. Subalit hanggang kailan niya kayang sikmurain ang isang maalwang buhay na ang kapalit ay pagkawasak hindi lang ng kaniyang sarili kundi pati na ng buhay ng taong pinakamamahal niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating tanga," nagngangalaiting saad ni Jackielyn sa live-in partner niya na si Sandro. Nakapamaywang siya sa labis na galit na nararamdaman dahil hatinggabi na dumating si Sandro at amoy alak pa. "Alam mo na sinusumpong ng hika si baby pero makuha mo pang makipag-inuman sa mga kaibigan mo." Tumalikod na siya at pumasok sa kuwarto dahil narinig niya ang boses ng kaisa-isang anak na si Eric. "E, sa...h-hindi ko namalayan ang oras," mahinang tugon ni Sandro saka humiga sa mahabang sopa na yari sa kawayan matapos ilagay sa ash tray ang may sindi pa nitong sigarilyo. Papikit na ang mga mata nito sa sobrang kalasingan. "Sleep ka na ulit, baby, ha." Hinaplos-haplos ni Jackielyn ang noo ng anak. Kitang-kita niya kung paano magtaas-baba ang dibdib nito na tila hapong-hapo. Awang-awa siya sa sariling anak. Simula nang ipanganak si Eric ay kakambal na nito ang sakit na asthma at iyon ang isang bagay na tila unti-unting kumikitil sa buhay ni Jackielyn sa tuwing aatakihin ito ng sakit na 'yon. Bilang isang ina ay walang kasing sakit na makitang nahihirapan ang kaisa-isa niyang anak. Sa tuwing sinusumpong ng asthma si Eric ay magdamag na hindi natutulog si Jackielyn sa takot na baka paggising niya ay wala ng buhay ang anak. Matiyaga niya itong binabantayan, pinapainom ng gamot, hinahaplos ang noo pati dibdib, at laging nakahanda ang nebulizer sa tabi ng papag na nasasapinan ng banig na yari sa buri. "Ma-ma," saad ni Eric na dalawang taong gulang pa lang. Panay ang pagtaas-baba ng dibdib nito na animo'y galing sa pagtakbo at hindi pa masambit nang maayos ang nais sabihin dahil sa iniindang sakit. "Si...si papa po? Du-dumating n-na?" Pilit na ngumiti si Jackielyn. Gamit ang likod ng kanang palad ay dinama niya ang noo ng sariling anak. Nilalagnat si Eric. "Pinapabili ko ng gamot ang papa mo, baby," pagsisinungaling niya. Ayaw niya kasing makaharap ni Eric ang sariling ama dahil bukod sa lasing ang huli ay naninigarilyo pa. Masama sa bata ang makalanghap ng usok ng sigarilyo at iyon ang pinakaiiwasan niya. "Hayaan mo, mamaya lang ay nandito na siya." Labis siyang nagpasalamat at hindi na nagtanong pa ang anak. Ipinikit na lang nito ang mga mata at sinubukang matulog kahit nahihirapan sa paghinga. Pasimpleng pinunasan ni Jackielyn ang luhang bumagsak sa magkabila niyang mga mata. Patong-patong ang problemang dinadala niya sa kasalukuyan. Unang-una na ang sakit ng kaniyang anak na hindi yata mawala-wala sa sistema nito. Labas-masok ito sa ospital at sa laki ng gastos ay naubos na kaniyang ipon. Hindi naman maaasahan ang ama ni Eric dahil wala itong permanenteng trabaho. Bukod kasi sa tamad ito ay mas inuuna pa ang barkada kaysa sa kanilang mag-ina. Ilang minuto matapos makatulog ang anak ay lumabas si Jackielyn para uminom ng tubig nang tumunog ang cellphone niya na naroon sa paanan ng kaniyang anak. Agad niya iyong kinuha at sinagot dahil baka magising si Eric sa ingay niyon. Tumayo na siya matapos makita sa screen ang pangalan ng tumatawag. "N-napatawag ka?" kabado niyang sagot nang makalabas na siya sa kuwarto. Napansin niya si Sandro na prenteng nakahiga sa sofa, nakapikit ang mga mata at humihilik pa. Ang may sindi pa nitong sigarilyo na naroon sa ash tray ay umuusok pa. Napailing na lang siya saka dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. "Jackie," sagot ng nasa kabilang linya. "Akala ko pupunta ka ngayon dito sa bar?" Mataray ang boses nito at animo'y nawalan ng isang milyong piso. "Juice ko! Maraming kliyente ang naghihintay sa 'yo rito. Madatung, gurl! Choosy ka pa ba? I know na need mo ngayon ng money, so this is the right time. Grab mo na 'to." "Ha? A, e..." Walang maapuhap na isasagot si Jackielyn. "Ano kasi..." Uminom siya ng tubig. Pinagpapawisan siya ng malalamig habang nakikinig kay Carmela, ang bakla niyang kaibigan na nagtatrabaho sa isang sikat na bar. Kaibigan nila ni Sandro si Carmela noong nag-aaral pa lang sila ng high school. Noong isang buwan lang sila nagkitang muli at nagulat siya dahil ibang-iba na ang hitsura nito. Noong high school kasi sila ay may pagkabrusko ang dating nito, lalaking-lalaki samantalang ngayon ay dinaig pa siya kung maglagay ng kolorete sa mukha. Nagpalit na rin ito ng pangalan. Mula sa pagiging Carmelo ay naging Carmela. Noong isang buwan nang magkita sila ay nataon na kailangan niya ng pera at si Carmela ang tumulong sa kaniya. Ipinasok siya nito bilang strip dancer sa bar na pinagtatrabahuhan nito. At dahil kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot sa anak ay pikit-mata niyang tinanggap ang trabahong iyon. "Ano? Game ka ba, Jackie?" muling saad ni Carmela sa matinis na tinig na para bang ineengganyo siya sa kalalabasan sakaling pumayag siya. "One hundred thousand pesos just for one night. Depende sa 'yo at madadagdagan pa kung gusto mong mag-extend. Remember bilyonaryo ang client na ito." "M-mamang..." usal ni Jackielyn. Gamit ang kabilang palad ay pinunasan niya ang pawis na namumuo sa kaniyang noo. Hindi siya makapagsalita. One hundred thousand pesos ang maaaring mapasakamay niya sakaling pumayag siya sa alok ni Carmela. Sa laki ng gastusin ng anak niya ay sobra-sobra pa ang halaga na iyon. "Just tell me kung papayag ka at ipapasundo kita ngayon mismo, Jackie." "M-mamang," paos niyang saad. "Dancer ako at hindi ako mumurahing babae na puwedeng i-take out ng mga customer sa bar." Kahit papaano ay may dignidad pa naman siyang natitira sa sarili. "Jeske, Jackielyn!" Tumaas na ang boses ni Carmela. "Kasalanan ba ng mga mayayamang kliyente ng bar kung magaling kang gumiling sa stage at naakit mo sila? Oo, hindi ka puwdeng i-take out, pero naglalaway ang mga iyon sa kaseksihan mo. Kaya nga sinasabi ko sa 'yo kung gusto mo dahil in the first place you desperately need money for your son." Bumuntong-hininga ito saka muling nagpatuloy, "Pero at the end of the day ikaw pa rin naman ang magdedesisyon. But kung ako sa 'yo, girl? Patol na this client dahil bukod sa madatung ay medyo bata-bata pa naman." "P-pero, M-mamang..." "'Yang ka-live in mo na naman ang inaalala mo?" galit na saad nito. "My goodness, girl! Wake up! Wala kang mapapala sa Sandro na 'yan dahil bukod sa tamad magtrabaho ay babaero pa. Para ka lang kumuha ng bato at patuloy mong ipinupokpok sa ulo mo." "I love him, Carmela," usal niya. "Letseng pagmamahal na 'yan! Kung mahal ka ng lalaking 'yan, hindi ka niyan pagtatrabahuhin sa bar bilang strip dancer. Kung matino ang Sandro na 'yan ay hindi 'yan papayag na masilayan ng mga kalalakihan ang halos hubo't hubad mo ng katawan na nagsasayaw sa stage." Bumagsak ang luha ni Jackielyn sa pisngi dahil sa narinig. Alam niya na may katotohanan ang pinagsasabi ng baklang floor manager, pero pilit niya iyong ipinagsasawalang-bahala. Ang mahalaga sa kaniya ay mahal niya si Sandro at buo ang kanilang pamilya. Simula nang mabuntis siya ni Sandro ay nagdesisyon siya na mag-live in sila at wala ng nagawa ang mga magulang niya. Pinayagan siya ng mga ito dahil buntis na siya. Gusto sana ni Sandro na magpakasal sila pero labis iyong tinutulan ng kaniyang mga magulang. Ilang beses na silang nagplano na magpakasal kahit sa huwes pero laging hinaharang ng kaniyang mga magulang. Beinte uno anyos pa lang siya at ayon sa mga magulang niya ay makakahanap pa siyang lalaki na mas pa kay Sandro. Iyong lalaki na kahit mahirap subalit responsible, matiyaga at masipag magtrabaho. Hindi naman siya makaimik dahil iyon ang totoo. Tamad naman talaga si Sandro. Ilang trabaho na ang pinasukan nito subalit palaging nag-re-resign dahil mabilis magsawa. Noong manganak siya kay Eric ay ang mga magulang niya ang gumastos dahil wala silang ipon. Kaya ngayon ay nahihiya siya sa mga magulang niya na humingi ng tulong kapag sinusumpong ng sakit ang kaniyang anak. Hindi naman madamot ang mga magulang niya, siya na lang talaga ang nahihiya dahil palagi siyang napagsasabihan sa katamaran ni Sandro. "Bukas na lang tayo mag-usap, Carmela," anas niya at nilingon si Sandro na humihilik pa rin. "Sinusumpong na naman ng asthma si Eric kaya hindi ako nakapasok ngayon. Pasensiya na." "Anong ginagawa ni Sandro?" "Tulog na ang asawa ko, Carmela." "Asawa?" sarkastikong tugon ni Carmela. "Huwag mo nga akong niloloko, Jackielyn. Asawa my ass! The last time I checked ay single ka, walang asawa dahil hindi naman kayo kasal ng batugan na 'yan." "Carmela..." "Dalaga ka. Dalagang ina at kung ako sa 'yo hiwalayan mo na ang palamunin na 'yan." "Carmela, please..." "Okay. Last na 'to, Jackielyn, ha. Payong kaibigan ito. Huwag na huwag kang magbubulag-bulagan pagdating sa Sandro na 'yan. Ginagamit ka lang ng lalaking 'yan. Ikaw ang nagpapakahirap kumayod samantalang siya ay paupo-upo lang. Ang sarap naman yata ng buhay niya." Napaupo siya sa monobloc chair na naroon sa kusina. Tanaw niya ang natutulog na si Sandro. Nakataas pa ang maluwang nitong t-shirt kaya kitang-kita niya ang malaki nitong tiyan. Napailing na lang siya. Sa humigit kumulang na tatlong taon nilang pagsasama ay tumaba nang tumaba si Sandro samantalang siya ay tila patuloy ang pamamayat bunga ng mga problemang dumarating. Si Sandro ay walang ibang ginawa kundi atupagin ang barkada. Pasalamat na lang siya kung may dalang pagkain sa tuwing uuwi ito ng bahay. Minsan naman ay pinapadalhan sila ng pera ng mga magulang ni Sandro subalit malaking porsiyento niyon ay napupunta sa bisyo ng huli. Kaya labis ang inis ni Jackielyn, subalit wala naman siyang magawa dahil mahal na mahal niya si Sandro.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.1K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook