YELL'S P O V After naman akong kausapin ni Senyora ay dinala na ako ni Ryegunn sa kusina, nandoon nga ang mga kaibigan ko. Busy sa pag- iihaw ng isda na binili sa akin. Naisip ko tuloy na ganoon na ba kami katagal sa Garden at nalinis agad nila ang isda, eto nga at iniihaw na. " Kumusta!? Mabuti at napapayag ka ni Ryegunn na sumama ka rito!? " naka- ngiting wika ni Nosgel " No choice na lang ako, ni- pakyaw n'yang lahat ang paninda ko tapos pagkahatid sa akin sa bahay eh, hihintayin n'ya raw ako para makapag- bihis at dadalhin nga n'ya ako rito. Nahiya naman ako kay Senyora dahil nga lagi nilang pina- pakyaw ang paninda ko kaya sumama na rin ako. " malumanay ko namang paliwanag sa kanila, silang dalawa ni Tin tin ang naka- toka sa pag- iihaw. Pumasok naman ang binata dahil may gagaw

