YELL'S P O V " Ay! Ano ba 'yan!? Mang- iinggit na naman kayong dalawa! May part two pa pala iyong pa- kilig n'yo kahapon! " bulalas na sambit ng kasamahan kong Tindera rito sa palengke. Nanukso rin ang ibang mga katabi naming Tindero at Tindera. " Hindi naman po, natapat pong napag- utusan ako ni Senyora na mamili ng isda at may bisita po sa Mansyon. " matamis ang ngiting tugon naman ni Ryegunn " Ahh! Akala ko ba naman eh kung ano na! Kung sabagay, wala ka namang dalang bulaklak at cake ngayon. " wika pa ng isang kasamahan ko, bahagya na lamang akong natawa, may customer kasi ako kaya hindi makalapit agad si Ryegunn. Pigil- pigil ko tuloy ang aking kilig nang makita ko ulit s'ya, kahit kahapon lamang ang huling pagkikita namin. " Good morning! " kiming bati n'ya sa akin nang mak

