YELL'S P O V " Uuyyy! Ang haba ng hair ni Yell! " kant'yaw ng mga kasamahan kong Tindera at Tindero sa palengke. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi kiligin at pamulahan ng magkabilang pisngi dahil sa bisita kong paparating dito sa pwesto ko sa tindahan. " Happy Valentine's Day, Yell! Para nga pala sa'yo. " matamis ang ngiting bati ni Ryegunn, may bitbit itong bouquet of red roses, mga balloon na hugis puso na may naka- print na 'Happy Valentine's Day's at isang box ng cake na may ganoon ding naka- sulat. " T- Thank you! Nag- abala ka pa! " kiming saad ko naman at inabot kong lahat ang binibigay n'ya. Ipinatong ko naman sa silyang nasa likuran ko. " Ayyyiiiii! Ang sweet! " " Ay! Nilalanggam ako! " " Sana all! " kan'ya- kan'yang komento nila na kinikilig naman, kaya naiiling n

